Chapter 2 (Bracelet)

28 0 0
                                    

"Hindi ko alam, Jay. Hindi ko alam kung pwede tayong ganito"

"Pero mahal kita, Nads."

Napahinto ako sa narinig ko. Pero pinilit kong balewalain yung mga boses na nanggagaling sa loob ng library.

Mali lang siguro ang dinig ko. Focus, Kat. Kailangan mong mahanap yung bracelet.

Nakatayo ako sa harap ng pinto ng psych room, pero hindi pa ako pumapasok sa loob. Hindi ko maalis sa isip ko ang narinig kong usapan.

Okay, Kat. Sisilip ka lang. Ico-confirm mo lang kung tama yung narinig mo. Yun lang.

Maingat akong umatras at naglakad sa katabing library. Sumilip ako sa bintana at nakita ko sila. Si Nads, ang bestfriend ko. At si Jay, ang long-time crush ko. Nakatayo sila at magkaharap. Niyakap nila ang isa't isa kaya napaiwas ako ng tingin.

Sa mga sandaling iyon ay nakatayo lang ako at natulala sa aking nasaksihan, Hindi ko alam anong mararamdaman ko. Syempre masaya ako for them, pero masakit. May kirot sa puso ko, yung malalim na kirot sa dibdib na umaabot hanggang sa lalamunan na inuudyok kang umiyak. Huminga ako ng malalim at pinigil kong may tumulo na luha.

Tama na, Kat. Umalis ka na dyan at baka makita ka nila. That would be too awkward. At isa pa, may kailangan ka pang hanapin.

Maingat akong lumakad papalayo, nang biglang nahulog ang hawak kong cellphone. Gusto kong sampalin ang sarili ko sa katangahang nagawa ko pero kailangan kong magmadali. Mabilis kong pinasok ang psych room at nagtago.

Hindi nagtagal ay narinig ko silang lumabas ng library at naglakad palabas ng building. Nang naging tahimik na ulit, tumayo na ako at sinimulan ko ng hanapin ang nawala kong bracelet. Binuksan ko ang flashlight sa cellphone ko dahil madilim na.

Matapos kong isa isahin ang mga row sa classroom ay natagpuan ko ang bracelet sa lugar na kinauupuan ko kanina. Nakahinga ako ng maluwag. Akala ko'y matatapos na ang nakakalokang gabing ito pero nagkamali ako.

Habang naglalakad akong papalabas ng room ay narinig ko ang hagulgol sa likod ko. Nakakakilabot yung tunog. Matinis at parang nagmamakaawa, walang tigil. Madilim at tahimik ang buong paligid kaya para bang malapit lang sakin yung umiiyak. Hindi ako makagalaw, hindi ko rin magawang sumigaw. Napakabilis ng tibok ng puso ko.

Inhale, exhale. Kaya mo to Kat.

Pumikit ako at huminga ng malalim. Pinilit kong kalmahin ang sarili ko. Sinubukan kong humakbang nang biglang huminto yung pag-iyak. Naging tahimik ulit ang classroom. Napakatahimik na ng paligid na ang tanging naririnig ko lang ay ang malalim na paghinga ko.

Pinilit kong balewalain ang narinig kong tunog kanina, kaya sinubukan kong maglakad.

One step at a time, Kat. Kaya mo to. Isang hakbang.

Dalawang hakbang...

Napahinto ako dahil napapaisip ako kung saan o kanino nanggagaling ang iyak na narinig ko kanina. Natatakot ako pero may naguudyok sakin na lumingon at tumingin sa likod.

Kat, this is not a good idea. Seriously.

Pero hindi ko mapigilan ang sarili ko. Dahan dahan akong umikot paharap sa likod na parte ng classroom. Walang kakaiba sa room. Naglakad ako papunta sa likod habang maingat akong tumitingin mula kaliwa hanggang kanan. Pero wala akong nakita. Pag dating ko sa huling row, may nakita ako sa may pinakasulok sa kaliwa. May taong nakaupo sa sahig at nakayuko ang ulo. Hindi ko makita ang mukha niya pero naaalala ko ang suot niya. Black and white striped polo shirt, jeans at white shoes. Tandang tanda ko pa ang suot na yon ng lalakeng nasa likod ko sa klase kanina.

Tama, siya nga yun. Yung bago.

Dahan dahan akong naglakad papalapit sa kanya. Nang malapit na ako, yumuko ako para tanungin siya kahit di ako sigurado kung alam niya bang nandito ako sa harap niya. "Ahm.. Hello? Okay ka la..."

"Tama na! Tigilan mo na ako!" Pasigaw niyang sagot sa akin. Nanlilisik ang mga mata niya habang nakatingin sakin.

Nagulat ako at natakot. Hindi ko alam anong sasabihin. Naiiyak na ako.

"Tama na...", mangiyak ngiyak niya namang sinabi. Yumuko siya at niyakap ang kanyang sarili. Nagsimula siyang umiyak. Narinig kong muli ang hagulgol na narinig ko kanina, ngayon ay mas klaro at mas malakas.

Hindi ko na alam ang gagawin. Hindi ako makapag isip. Hindi ko maintindihan ang nangyayari. Ilang sandali ay tumatakbo na ako palabas ng classroom, habang pinupunasan ang mga luhang hindi ko na kayang pigilan.


I'm in love with a PsychoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon