Naglalakad ako papuntang canteen habang iniisip ang naging usapan namin ni Joaquin kanina.
Nakita ko ang labis na pagkagulat sa mukha niya. Lalo na nung kinwento ko sa kanya yung nangyari sa psych room. Hindi niya pinaliwanag ang nangyari na yon at nagpasalamat lang siya sa pagiging honest ko. Agad siyang nagpaalam sa akin at may tinawagan siya sa phone niya. Tanging "Hello, Dr. Philip..." lamang ang narinig ko habang naglakad siya papalayo.
"Kat! Tara na!"
Tinawag ako ni Nadia na nakaupo sa loob ng canteen. Nakaupo din si Jay. Sa pag uusap namin ni Joaquin kanina ay hindi ko namalayan ang oras. Malapit na pala ang next subject namin. Tumayo sina Nads at Jay at naglakad papalapit sakin.
"Bat ang tagal mo naman dumating, Kat? Kanina ka pa namin inaantay ni Nads." Sabi naman ni Jay.
"Oo nga. Ano bang meron, Kat? Ikwento mo naman!" sagot ni Nads habang naglalakad na kame papalabas ng canteen papunta sa next class namin.
Di ko alam anong isasagot ko kay Nadia. Kanina lang after class ay sinabi kong may ikukwento ako sa kanya tungkol kay Joaquin. Pero nakiusap si Joaquin sa akin na huwag ito ikwento sa iba.
"Sorry Nads, Jay, pero... sa ngayon, confidential muna. I mean ikukwento ko naman talaga. Pero nakiusap kase si Joaquin, and I should keep my promise."
"Hmmmm. Ok. I trust you." Pangiting sagot ni Nads.
"Ikaw na lang muna Jay, wala ka bang ikukwento?" Pinilit kong hindi maging awkward habang tinatanong ko ito kay Jay.
"Hah? Ako? Tumae ako sa CR kanina" Natatawang sagot ni Jay.
"Yaak!" sabay na sagot namin ni Nads.
"Oo totoo, amuyin niyo pa tong kamay ko" habang inaabot ni Jay ang kaliwang kamay niya sa amin ni Nads.
"Kadiri ka!" tinulak ko si Jay at sabay kameng tumakbo ni Nads papalayo sa kanya habang tumatawa.
Natapos ang araw na iyon nang wala kameng naikwento sa isat isa. I mean, si Jay at si Nads tungkol sa relasyon nila, at ako naman tungkol kay Joaquin. Were all keeping secrets from each other now.
Lumipas ang mga araw na parang walang nangyari. Nagtataka ako kung kelan nila aaminin sakin yung relasyon nina Jay at Nads pero kung kelan man mangyari yun, siguro handa na ako. Pero in terms of our friendship, walang nagbago, ganun parin kung pano kame dati.
Saturday. Psych class na ulit. Pumasok ako ng classroom at naalala ko ulit yung nangyari nung gabing iyon. Nakita kong walang nakaupo sa lugar na kinauupuan ni Joaquin last week. Umupo kame nina Nads at Jay kung saan kame laging nakaupo. Tumingin ako sa paligid. Wala si Joaquin. Ano kaya nangyari sa kanya? Hindi na ba siya papasok ng class? Ok lang kaya siya? Sino si Dr. Philip? Anong meron kay Joaquin?
"Mukhang may hinahanap ka ata Kat ah." Tumingin si Nadia sa paligid tapos tumingin sakin.
"Ha?" Natameme ako sa sinabi ni Nads. Halata ba masyado?
"Ahh. Wala ah. Tinitingnan ko lang kung parating na si prof." Sagot ko kay Nads.
"Ahhhh okayy." Sagot ni Nads at tumingin siya kay Jay. Nagtinginan sila na para bang sinasabing 'what a lame excuse Kat'.
Dumating na si prof Robert bago pa man ako makapag explain (or deny?) kina Nads. Nag roll call ulit si prof tulad ng dati, pero hindi na niya tinawag ang pangalan ni Joaquin. Alam kaya niya kung bakit wala si Joaquin?
Nagsimula na ang klase. Napaka interesting ng topic, about Mental or Psychological disorders. Ang dami palang klase ng mental illnesses, pero isang topic lang ang sobrang tumatak sa isip ko.
"...the presence of two or more distinct personality states".
"...characterized by having two or more distinct people, each with his or her own identity and personality, that alternately take control over a person"
"The person also experiences severe memory loss that cannot be explained by ordinary forgetfulness."
Naalala ko si Joaquin. Yung nakita ko sa psych room na umiiyak at mahina, at yung nagligtas sakin nung isang gabi na napakalakas, parang ibang tao sila. At hindi yun maalala ni Joaquin. Ngayon naintindihan ko na.
Dati itong tinatawag na Multiple personality disorder o Split Personality.
Tinatawag itong Dissociative Identity Disorder.

BINABASA MO ANG
I'm in love with a Psycho
Mystery / ThrillerStory of an 18-year-old girl who met a mysterious guy she eventually fell for. (Language is in Tagalog mixed with English)