"Ma, paano niyo po nalaman na si Dad na ang the one?". Nakaupo kame sa sala ni Mama habang umiinom ng hot tea. Favorite bonding moment naming dalawa ang ganito sa hapon sa tuwing umuuwi ako.
"Hmmm. Paano nga ba? Actually, hindi ko alam eh." Napapaisip siya sa tanong ko. "Ang alam ko lang, mahal ko siya at mahal niya ako. And if you really love someone, you instantly think he's the one. Without any signs, without any reasons. Pero..." Binaba niya sa table ang hawak niyang mug. "...Pero you're not always right. Hindi lahat ng mahal mo o minahal mo, ay para sayo. Only time will tell kung siya talaga ang the one."
Nakatingin ako kay Mama at napangiti. Ang galing lang. I found her words so comforting kahit hindi niya naman alam ang pinagdadaanan ko. Alam kong nagtataka siya sa bigla kong pag uwi, pero hindi niya ako tinanong o pinilit na mag open up.
"Just when I started to give up on true love, I met your Dad. And time proved to me that he was the one." Tumingin siya sa akin at ngumiti. Lalo kong namiss si Dad. Isa siyang seaman kaya hindi ko siya madalas na nakikita at nakakasama.
Mabilis na natapos ang weekend na yon. Pero sumakay ako sa bus pabalik na magaan ang loob ko. Well, not completely pero I felt so much better. Nakatulog ako sa kalagitnaan ng 5-hour trip ko sa bus.
6pm na nang nakarating kame sa terminal ng bus. Sumakay ako ng jeep pauwi sa dorm. Sinundo ko muna si Peete kay Ate Joy na nasa katabi kong kwarto. Karga ko si Peete habang papasok sa aking kwarto. Umupo ako sa kama at niyakap si Peete. Napabuntong hininga ako.
This is it Kat. May pasok na bukas. Whether you like it or not, kailangan mong pumasok sa klase bukas.
Tumayo ako at iniwan kong nakahiga sa kama si Peete. Lumabas ako ng kwarto at umalis ng dorm. Papunta ako sa favorite tambayan ko, sa Solo Café. Isa itong coffee shop na walking distance lang mula sa dorm. After 5 minutes ay nakarating na ako at agad akong pumasok sa glass door nitong may nakapaskil na "Open 8am to 11pm".
Pagpasok mo ng café ay makikita mo ang kakaibang set-up nito. Lahat ng tables ay good for 1person lang, literal na solo. Naglakad ako sa gitna papunta sa cashier para umorder.
"One special caramel macchiato po, medium size."
Pagkatapos kong umorder ay naglakad ako papunta sa pinaka kanan kung saan may hagdan papuntang 2nd floor. Sa 2nd floor ay makikita mo ang mga bookshelves na naglalaman ng ibat ibang klase ng libro. Pwede kang pumili ng isa na pwede mong dalhin sa table at basahin. Walang limit kung gano katagal mo itong gagamitin as long as isasauli mo ito bago ka lumabas ng café. Kakaiba ang concept pero patok ito sa mga teenagers at college students na tulad ko, mga coffee lovers na bookworms, at syempre sa mga taong gustong mapag -isa. Matapos kong pumili ng libro ay bumaba na ako para kunin ang kapeng inorder ko. Umupo ako sa favorite spot ko sa pinakadulo sa kanan kung saan laging walang tao sa katabi kong table.
"Here's your free blueberry muffin, maam." Inilagay ng café crew ang muffin sa table ko.
"Thank you so much po." Sagot ko naman sa babaeng may nakalagay na "Angie" sa nameplate niya. Ngumiti siya at umalis.
3 months na simula nung unang nagbukas itong café, isa din ako sa mga unang customers. Hanggang ngayon ay may pa free muffins parin sila. Mababait din at magalang ang mga staff. Sobrang sulit at ang swerte ko dahil malapit lang ang dorm ko dito. Madalas akong pumunta dito lalo na tuwing Sunday night na katulad nito dahil 1pm pa ang first class ko every Monday. Napangiti ako at sinimulan ko ng inumin ang aking special caramel macchiato.
Lampas kalahati ko ng binabasa ang libro ng makita kong wala ng tao sa paligid. 11:30 pm na pala. Napatayo ako at nilapitan ako ng café crew.
"Ako na pong magsasauli nyan". Turo niya sa librong hawak ko.
"Nakuuu sorry po hindi ko namalayan ang oras. Pasensya na kayo kanina pa kayo dapat nagsara". Nahihiyang sagot ko sa kanya.
"Ok lang po yun maam, balik po kayo next time para matapos niyo yung libro."
"Salamat po, at sorry ha". Nagmadali na akong lumabas ng café.
Kat naman. Bakit di mo napansin na magsasara na sila? Hays. Naglakad na ako pauwi.
"Hi miss!" Isang lalaki ang narinig ko sa likod. Hindi ako lumingon pero alam ko sa pananalita niya na lasing ang lalakeng ito. Naglakad ako ng mas mabilis dahil nasa madilim na daan ako at walang ibang tao sa paligid.
"Ops ops teka lang. Ang bilis mo naman maglakad ah". Hinawakan niya ang kaliwang braso ko at sabay niyang hinila para humarap ako sa kaniya.
Nakita ko ang isang lalake na malaki ang katawan at may mga tattoo sa braso. May kasama siyang lalake na nakatayo sa tabi niya at mukhang lasing din katulad niya. Hindi ko sila kilala pero nakakatakot ang itsura nila. Tumingin ako sa lalakeng may tattoo na nakahawak parin sa braso ko.
"Bitawan mo ako!" Pinilit kong kumalas sa pagkakahawak niya pero hindi ko magawa.
"Relax ka lang miss, di ka namin sasaktan. Gusto lang naman namin samahan ka." Sagot naman ng kasama niya.
Huminga ako ng malalim at kumuha ng pwersa.
"Sinabing bitawan niyo nga ako!!!!!" Sumigaw ako at sumipa paharap. Tinamaan ko ang pribadong parte ng lalakeng nakatattoo kaya napaatras siya at nabitawan ako. Pero mabilis na lumapit sa akin ang kasama niya at hinawakan naman ang kaliwang braso ko. Agad na lumapit ang sinipa kong lalake habang hawak parin ako ng kasama niya.
"Masakit yung ginawa mo miss ah. Pero eto ang mas masakit." Tumawa siya ng malakas at tumawa din ang kasama niya habang hinihigpitan ang hawak sakin. Nakita ko ang kamao niya na aktong susuntukin ang tyan ko. Pero may biglang sumuntok sa pisngi niya mula sa likod. Sunod namang sinuntok ang lalakeng may hawak sa akin. Nakawala na ako sa pagkakahawak pero hindi ako makagalaw, hindi ako makatakbo. Nanginginig ako sa takot.
Nakita ko ang mga sumunod na pangyayari at nakilala ko ang dumating na lalakeng nagligtas sa akin.
Yung bago, yung umiiyak sa psych room.

BINABASA MO ANG
I'm in love with a Psycho
Mystery / ThrillerStory of an 18-year-old girl who met a mysterious guy she eventually fell for. (Language is in Tagalog mixed with English)