"Kat... will you be my prom date?".
Naalala ko ang araw na yon. Nakatayo ako sa grass field ng school. Kaharap ko ang isang lalakeng nakangiti at may hawak na bulaklak. Hawak niya ang isang blue rose na matagal ko nang pinapangarap na matanggap. Napatitig ako sa lalakeng ito, nakangiti parin at nag aabang ng sagot ko. Parang tumigil ang mundo ko, ramdam na ramdam ko ang lakas ng pintig ng puso ko. Sa sandaling iyon ay naging sigurado na ako sa nararamdaman ko sa kanya.
"Of course, Jay" Nakangiti kong sagot sa kanya.
Napabuntong hininga ako habang nakahiga sa kama. Nakatulala ako sa kisame habang binabalikan ang espesyal na alaala na yun nung high school. Pero kahit anong pilit ko ay bumabalik sa isip ko ang eksanang nakita ko sa library kanina. Idagdag mo pa yung weird na nangyari sa psych room. Lumalalim na ang gabi pero hindi ako makatulog. Pinipilit kong kalmahin ang sarili ko matapos ang magkakasunod na pangyayari kanina. Humarap ako sa kanan at nasa tabi ko ang pusa kong si Peete na mahimbing namang natutulog.
Oh Peeter, pagkatapos ng ilang taon kong pag aalaga sayo ay tutulugan mo lang ako sa mga panahong to na kailangan ko ng karamay at kausap.
Maingat kong hinaplos si Peete habang napatingin ako sa orasan na nagsasabing alas dos na ng madaling araw. Pinilit kong ipikit ang mga mata ko habang patuloy kong hinahaplos ang malambot na balahibo ni Peeter. Unti unti ng gumagaan ang pakiramdam ko, bumabagal na ang paghinga ko, at lumalalim na ang isip ko papunta sa kawalan.
High school Prom night. Sumasayaw ang lahat ng slow dance. Kasayaw ko naman ang partner ko. Suot ko ay isang white cocktail dress na si Mama ang pumili at bumili, at suot naman ng partner ko ay white din na polo na may blue tie. Pamilyar ito. Nangyari na ito dati. Alam kong ang susunod na mangyayari ay magtitinginan kame ng partner ko at ngingiti siya sakin. Pero parang may kakaiba. Tumingin ako sa kasayaw ko ngunit hindi ko makita ang mukha niya dahil nakayuko ang ulo niya. Biglang tumigil ang kanta at nagsimula siyang umiyak habang nakayuko pa rin.
"Jay? Okay ka lang?"
"Tama na!!!!!" Pasigaw niyang sagot. Humarap na siya sakin at hindi si Jay ang nakita ko. Ang nakita ko ay ang mukha ng lalakeng nakita kong umiiyak sa psych room. Umiiyak pa rin siya at namumugto ang mga mata. Di nagtagal ay pinaligiran kame ng mga schoolmates ko sa prom. Nakita ko ang mga high school classmates ko. Nakita ko din si Jay, at si Nadia. Nakatingin silang lahat sa aming dalawa, nanlalaki ang mga mata na para bang natatakot. Tapos ay sabay sabay silang sumigaw ng malakas at nakakabingi.
Nagising ako at napaupo sa aking kinahihigaan. Ang bilis ng pintig ng puso ko at pawis na pawis ako. Huminga ako ng malalim at tiningnan ko ang paligid. Nasa kwarto parin ako. Natutulog pa rin si Peete at nakita ko ang orasan na nagsasabing 2 oras pa lang ang lumipas. Bumangon ako at naghilamos dahil hindi ko na kayang matulog pa ulit matapos ang masamang panaginip na yon.
Umupo ako sa bedside table at chineck ang cellphone ko. 10 missed calls, 7 texts, lahat mula kay Nadia. Isa isa kong binasa ang mga ito:
[Kat? Kat!!!!]
[kaaaaatttt......]
[Kaaatttttt! Y u not answering my calls?]
[Nakatulog ka na ba? Hmpp. May ikkwento pa naman sana ako sayo]
[Tsaka tuloy ba yung lakad natin bukas?]
[K fine. Good night]
[Love you]
Huminga ako ng malalim at nag-isip.
Kat, move on. You should be happy for them.
Gustong gusto ko si Jay. Pero malalim din ang pagkakaibigan namin ni Nads. 1st year college nang una ko siyang makilala, and we just clicked. Dinamayan niya ako sa mga panahong malungkot ako. Lagi siyang nandyan kung kailangan ko siya. Alam kong kung magkikita kame ay ibabalita niya ang tungkol sa kanila ni Jay. Pero hindi ko alam kung kaya kong magpanggap na ok lang at hindi ako nasasaktan. Gusto kong maging masaya sila. Susubukan ko, kahit masakit. Pero sa ngayon kailangan ko muna ipahinga ang isip at puso ko.
[Hi Nads. Sorry sa late reply. Hindi ako matutuloy sa plano nating lakad, uuwi ako samin. Will be staying there for the weekend. Mwah.]
Tumayo ako at nagligpit ng gamit na dadalhin pauwi. Eto yung paraan para makapag isip ako ng mabuti at magkaroon ng kausap. Mahirap talaga mag-isa sa dorm pag may problema o nalulungkot ka. Hindi ko masyadong naramdaman dati to dahil lagi akong binibisita ni Nads o ni Jay pag malungkot ako. Pero hindi sa pagkakataon na to. Dahil silang dalawa ang dahilan ng sakit at lungkot na to.

BINABASA MO ANG
I'm in love with a Psycho
Misterio / SuspensoStory of an 18-year-old girl who met a mysterious guy she eventually fell for. (Language is in Tagalog mixed with English)