Chapter 5 (Peeter)

21 0 0
                                    

Napakabilis ng mga pangyayari. Kanina lamang ay kaharap ko ang dalawang lalakeng gusto akong saktan. Ngayon ay nakikita kong duguan ang mga mukha nila. Nakaupo at nakasandal sa poste ang lalakeng nakatattoo habang ang kanyang kasama naman ay tumakbo na papalayo. Nakatayo naman ang lalakeng nagligtas sakin at wala siyang kahit isang galos sa mukha, hindi mo mahahalatang nakipag bugbugan siya sa dalawang tao. Narinig ko siyang nagsalita.

"Hindi pa ako tapos. Pero pinipigilan ko ang sarili ko. Alam mo kung bakit?" Tanong niya sa lalakeng nakatattoo na nakaupo parin. Lumapit siya sa dito at lumuhod. Hinila niya ang damit nito at magkaharap silang dalawa. Magkalapit ang mga mukha nila.

"Dahil baka mapatay kita." Nanggigigil siya at nanlilisik ang mga mata habang sinasabi ito.

Kinilabutan ako. Hindi ko alam ang mararamdaman ko. Laking pasasalamat ko sa pagligtas niya sakin, pero... nakakatakot siya. Hindi ako makapaniwalang siya ang lalakeng nakita ko sa psych room na umiiyak, mahina at nasasaktan. Ang lalakeng nakikita ko ngayon ay walang kinatatakutan, malakas, at... kayang pumatay.

"P..pa..tawa..rin m..mmo a..ko. Hi..indi na aa.. ko u..ulit." Naiiyak at nauutal na sagot ng lalakeng nakatattoo. Umubo siya at may lumalabas na dugo mula sa bibig niya.

"Ano pang hinihintay mo? Tumakbo ka na at wag ka nang babalik." Tinulak niya ang lalakeng nakatattoo at binitaw ang pagkakahawak sa t shirt nito. Humawak sa poste ang lalakeng nakatattoo habang tumatayo, halatang nahihirapan siyang bumangon pero pinilit niya. Pagkatapos niyang makatayo ay agad itong tumakbo papalayo, iingka-ingka ang hakbang pero nakalayo din siya hanggang hindi ko na siya matanaw. Tahimik na ulit ang paligid. Nakaluhod parin malapit sa poste ang lalakeng tumulong sakin habang ako naman ay nasa kinatatayuan ko parin.

Okay kat? Hindi ka pa ba aalis? Hmm. Mag t-thank you ba ako? Ahm. Teka. Hindi ko alam.

Habang naguguluhan ako sa susunod kong gagawin ay nakita ko na siyang tumayo. Pagtayo niya ay humarap siya at tumingin sa direksyon ko. Nagkatinginan kame sa mata.

Bigla akong kinabahan. Lalo akong hindi makapag isip. Hindi ko alam ang susunod kong gagawin, natatakot ako. Nagsimula siyang maglakad papalapit sa akin.

Oh no Kat. You are soo doomed.

Hindi ako makagalaw. Gusto kong himatayin sa kaba habang papalapit na siya sakin. Ilang hakbang na lang ay masusuntok niya na ako. Tatlong hakbang.. Dalawang hakbang...

Bye world. Bye Peeter.

Napapikit na lang ako sa takot. Naramdaman ko ang mga braso niya, niyakap niya ako ng mahigpit. Sobrang higpit na halos hindi ako makahinga. Dumilat ako. Nakayakap parin siya at ramdam ko ang bawat galaw ng kanyang braso at dibdib sa bawat hinga niya. Nawala ang kaba ko, pero ang bilis parin ng tibok ng puso ko. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Ibinaon ko ang mukha ko sa balikat niya at huminga ng malalim. Naging magkasabay ang paghinga namin, bumabagal at nagiging mas kalmado.

"Aaaaaaaah!!!" Nabigla ako sa sigaw niya. Hindi niya na ako yakap yakap at nakahawak na siya sa ulo niya. Nakayuko ang ulo niya at hindi niya ito maiangat, nakapikit ang mga mata at mukhang napakasakit ng ulo niya. Hindi nagtagal ay tumakbo siya papalayo, hanggang sa ako na lamang ang naiwang nakatayo sa kalsadong iyon. Tumakbo ako pabalik ng dorm.

Hindi ko maintindihan. Bigla siyang dumating para tulungan ako. Pero talaga bang tinulungan niya ako? O may galit lang siya dun sa dalawang lasing? Pero pagkatapos nun ay niyakap niya ako. Tama, niyakap niya ako, ng mahigpit. Pero bakit siya biglang umalis? Tama, umalis lang siya ng walang kahit isang salita. Buti pa yung lalakeng nakatattoo kinausap niya. Pero Kat, obvious naman na napakasakit ng ulo niya. What do you expect from him? Masakit nga yung ulo diba? Hmmm. Dapat ba sinundan ko siya at kinamusta? Haaaayyyy, ewan!

Napabuntong hininga ako habang nakahiga sa kama ko. As usual, mahimbing ang tulog ni Peeter, hinaplos ko ang katawan at malambot na balahibo nito. Hindi nagtagal ay nakatulog narin ako.


I'm in love with a PsychoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon