"OMG! Talaga???" Kunyari nagugulat ako.
Ang OA naman nun. Pano kaya?
"What? Kelan lang????" Kunyari hindi ko alam.
Hmmp. Pano ba ako magrereact? Iiwas na lang kaya ako?
"I'm so happy for the both of you Nads". Nakikita ko na ang sarili ko na nakangiti ng pilit habang sinasabi to.
Binilisan ko na ang paglalakad papunta sa English literature subject ko. 1:05 na ng hapon, late na ako. Well, sinadya ko para wala kameng panahon magchikahan ni Nads bago ang klase. Pero pinapraktis ko parin ang sasabihin just in case. Napabuntong hininga ako habang naglalakad papuntang campus.
Hays, ang hirap magpanggap. Bahala na nga!
Pagpasok ko sa pinto ng classroom ay nakita ko na tinataas ni Nads ang kamay niya. Sasagot ba siya sa tanong ng prof sa klase? Hinde. Tinaas niya ang kamay niya para makita ko agad siya. Hindi pa nagsisimula ang klase.
Ok, Kat. Youre doomed.
Umupo ako sa tabi ni Nads.
"Kat! Na-miss kita! Mabuti naman at nagparamdam ka na!" Sabay hampas ni Nadia sa braso ko.
"Sorry Nads." Maiksing sagot ko naman sa kanya.
"Pero kamusta na yung pinunta mo sa inyo? Nag alala kase ako sayo."
"Okay naman Nads, don't worry. May inasikaso lang na importante. Ikaw, kamusta naman weekend mo?"
Oh no, mali ata na tinanong ko yun.
"Eto na nga Kat. Yung ikukwento sayo. Naalala mo nung Friday after class? Sinabi ko sayo makikipagkita ako sa pinsan ko."
Yeap, I know. Nagkita kayo ni Jay pagkatapos nun.
"Ah, oo naalala ko. Anong balita?" Hinanda ko na ang sarili ko.
Ok Kat, get ready. Act normal.. please lang.
"Ayun na nga. Binalita sakin ng pinsan ko na magkaka-baby na si Ate Jane! Magkaka pamangkin na ako, Kat! I'm so excited! Diba na depress pa si Ate Jane nun kase 7 years na silang kasal ni Kuya Lee pero hindi pa sila nagkakaanak. Pero ngayon, buntis na siya!" Nakikita ko ang saya sa mga mata ni Nadia.
Wait, what?
"Ahh... Oo nga. Si Ate Jane. Congrats Nads!" Ngumiti ako sa kanya dahil masaya ako para sa kanya at sa ate niya. Pero hindi ko inaasahan na eto yung ibabalita niya. Kelan niya sasabihin ang tungkol sa kanila ni Jay?
Dumating na ang Professor sa class. Nagsimula na ang klase.
Ok Kat. You are saved, for now. Pero dapat ready ka parin anytime.
Oo nga pala. Pagkatapos ng klase ay may 1 hour free time kame bago ang next subject. Kasama namin si Jay sa class na yun at usually sa canteen kameng tatlo nagpapalipas ng oras. Tama. Sasabihin nilang dalawa ang relasyon nila mamaya. Sure na to.
Pagkatapos ng klase narinig kong may tumatawag sa phone ko. Si Jay.
"Hello Kat? Andito na ako sa canteen. Kita kits!" Binaba niya ang tawag bago ko pa siya masagot.
"Si Jay bay un?" tanong ni Nadia.
"Oo nasa canteen na daw siya."
"O sige, tara." Sagot naman ni Nads.
Naglakad na kame papalabas ng classroom.
"Ikaw Kat? Wala ka bang ikukwento sakin?" Tumingin sakin si Nadia habang naglalakad kame pauntang canteen.
BINABASA MO ANG
I'm in love with a Psycho
Mystery / ThrillerStory of an 18-year-old girl who met a mysterious guy she eventually fell for. (Language is in Tagalog mixed with English)