Chapter 4

117 1 0
                                    






Alas onse palang ng tanghali nag-aayos na kaagad ako ng mga gamit ko para makaalis sa Spa at ng masundo na si Paneng. Nag-text sa akin kanina si Ate Aura na dumiretso na kami sa bahay ni Ate Carissa dahil siya na raw ang bahala kay Nanay.

"Nagmamadali ka ata Eva?" Pansin ni Sir Paul sa akin habang tinititigan niya ako ng mabuti

"Susunduin ko pa kasi si Paneng kaya nagmamadali na ako Sir."

"I have something to tell you."

"Ano ho ba yun Sir? Nagmamadali ho talaga ako. Sorry po... pwedeng umghh– bukas nalang ho?" Nagdadalawang isip na sabi ko

"Sure thing. Goodbye then." Sabay tinalikuran niya na ako

Ano kayang sasabihin niya sa akin?


"Manong pasok ako a?" Sabi ko sa Guard

"Walang problema Ma'am." Binuksan niya ang gate at pinapasok ako

Dali-dali akong naglakad papuntang classroom ni Paneng at sakto naman sa pagdating ko ang pagsilabasan ng mga bata.

"Ma!" Tumatakbong lumapit sakin si Paneng at ginawaran agad ako ng isang matamis na halik

"Tara na?" Kinuha ko sa ang kanyang bag at isinabit ito sa aking balikat

"San po tayo pupunta Ma?"

"Kay Tita Mama mo 'nak!" Yan ang tawag ni Paneng kay Ate Carissa yan kasi ang itinuro nila sa kanya samantalang Mommy naman kay Ate Aura

"Yehey! Maglalaro kami ng baby ni Tita Mama!" Tumatalon-talon pa ito sa tuwa

"Nak wag kang tumalon baka sumpungin ka na naman ng hika mo!"

"Ay sorry po Mama." Bungisngis niya


Walking distance lang naman ang bahay nina Ate Carissa sa paaralan ni Paneng kaya mabilis kaming nakarating sa bahay nila.

"Ma! Nandito si Tita Andeng tapos si Paneng!" Sigaw ng anak ni Ate Carissa na si Mark kasama ang kambal

"Papasukin mo!" Sigaw ni Ate Carissa mula sa loob

"Ta bless po." Nagnano silang lahat sa akin "pasok daw ho kayo."

Nang makapasok na kami ni Paneng ay sakto naman sa paglabas ni Ate Carissa galing sa kwarto nilang mag-asawa.

Lumingon-lingon pa ito sa paligid bago lumapit sa amin

"Asan si Aura? Kala ko sabay kayong pupunta rito?"

"Mauna na raw kami text niya sa akin kanina." Tumingin ako sa gawi ng anak ko at sinenyasang mag mano kay Ate

"Bless po Tita Mama."

"Ay thank you beh! Oh siya umupo na kayo!"

Sakto naman sa pag-upo namin ang siyang pagdating ni Ate Aura

"Am I late mga sis?" Sabi ni Ate Aura

"Di naman." Sabay naming sabi ni Ate Carissa

"Paneng laro ka muna sa mga pinsan mo dun sa labas okay? May pag-uusapan lang kami ng mga Tita mo."

Curse of Destiny Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon