Chapter 8

99 2 0
                                    

"H-hello..." Nauutal na saad ko. Tumango lamang ito at ngumiti

"Kuya Josue ang ganda-ganda ng Mama ko 'di ba?" Magiliw na bigkas ni Paneng

Tumingin ito sa puwesto ko at tumango "Oo tama ka Paneng." Bigla akong umiwas ng tingin dahil ramdam ko ang pamumula ng aking pisngi

Peste!

"Ehem." I cleared my throat para mawala ang awkwardness na nararamdaman ko "Mister... Pasensya na pero aalis na kami ng anak ko."

"Josue na lang Misis." Biglang kumunot ang noo ko dahil sa nasabi niya

Mukha na ba akong losyang para tawaging Misis?

"Misis?" Nakataas kilay na saad ko

"Oo." Napatanga ako dahil sa kaniya

"Naku Miss pa lang ako Kuya!" Pagak akong tumawa kaya napa kamot-ulo ito

"A-akala ko kasi-" tinuro niya ang anak ko at pagkatapos ay idinikit niya ang kaliwa't kanan niyang hintuturo na para bang gusto niyang ipakita na may asawa ako at si Paneng ang anak namin

Tumawa ako ng malakas at umiling-iling "Para kang tanga Kuya! Shit ka!"

"Ma ano po yung shit?" Napahinto ako sa pagtawa

"Naku Paneng bad yung kaya huwag mo kong tularan!" Sabi ko at tumingin ulit sa puwesto nang lalaki "Miss pa lang ako."

"Ay sorry." Yumuko ito

"Naku oks lang iyon... Pa'no ba 'yan aalis na kami." Tumango ito sa akin

Nang malapit na kami sa labasan biglang sumigaw si Paneng "Kuya Josue!"

Lumingon ito sa amin "Bakit Paneng?"

"Ba-bye!" Kumaway na lamang ang lalaki sa sinabi ng anak ko

Akalain mo yun kapitbahay ko pala si Pogi ng club na pinagtatrabahuhan ko...

"Paneng magpapakabait ka kay Tita Mama mo saka huwag kang magiging pasaway okay ba iyon?" Paalala ko sa kaniya habang nasa labas kami ng pintuan ng bahay ni Ate Carissa

"Good girl naman iyang si Paneng kaya huwag ka nang mag-alala Andeng." Saad ni Ate Carissa

"O siya gogorabels na ako." Hinalikan ko sa noo si Paneng at naglakad na palabas ng gate

Nasa jeep na ako ng biglang tumawag si Karen "Hello? Bakit ka napatawag?"

"Ha? Dahan-dahan lang hindi kita maintindihan." Tumingin ako sa paligid at nakahinga ako ng maluwag ng konti lang ang nasa loob ng jeep

"Asan ka?" Napakunot-noo ako 

"Papunta na ng Spa." Pabulong na sabi ko

"Huwag ka nang tumuloy!" Rinig ko ang pagmura niya sa kabilang linya

"May problema ba?" Naririnig ko rin ang ingay na nanggagaling sa kabilang linya "Ano ba lasing meron?" Naguguluhan na ako

"Ano kasi—" biglang naputol ang linya ni Karen

Tumingin ako sa bintana upang silipin kung malapit na ba ako sa Spa "Manong dito na lang!" Sigaw ko

Bakit nagkakagulo? Lumapit ako sa mga nagkukumpulang tao, pulis at media.

"Manong anong meron ho?"

"Ah iyon kasing Spa na iyan." Turo niya sa pin a great ran a human ko "Ni-rade ng mga pulisya."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 12, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Curse of Destiny Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon