Chapter 5

105 2 0
                                    








"Sigurado ka na ba talaga? Puwede namang dito ka nalang kaya naman naming igapang ang mga kapatid mo sa pag-aaral." Paulit-ulit na sabi ni Nanang sa akin

"Nang naman wala ng atrasan to." Nakangiting sabi ko habang inaayos ang mga damit na dadalhin ko papuntang Maynila

"Kuya puwede naman kaming huminto sa pag-aaral basta ba'y wag ka na lang umalis." Naiiyak na sabi ng kapatid kong si Mila

"Ay yan ang huwag niyong gagawin!" Seryosong sabi ko "Group hug na nga lang! Ang o-oa niyo!"

"Kuya naman eh!" Pumapadyak na lumapit ito sa akin

"Bantayan mo si Nanang tapos si Totoy huwag mong pababayaan ha?" Bilin ko

"Opo Kuya."

"O s'ya tama na yan andyan na ang tricycle ni Mang Isko para ihatid ka sa terminal ng bus." Awat ni Papang sa amin

"Kuya ingat ka po doon." Umiiyak na yumakap sa akin si Totoy

"Uuwi rin naman ako pag marami na akong naipon na pera." Bumuntong hininga ako at pagkatapos kinuha ang bag ko palabas ng bahay





"Ingat ka roon sa Maynila Josue iba ang kalakaran doon at iba rin ang ikot ng mga bituka ng mga taga-roon." Pag papaalala ni Mang Isko

"Huwag ho kayong mag-alala Mang Isko kakayanin ko to!"

Alam ko naman na iba ang mundong kinalakihan ko sa aming probinsya kaysa sa Maynila pero ito lang ang paraan upang makaahon man lang kami sa hirap.

Isa akong TESDA graduate pero dahil sa kakaunti lang ang oportunidad sa amin mas pinili kong makipagsapalaran sa Maynila. At dahil sa kakarampot na kita ko sa pagsasaka hindi ko matugunan lahat ng pangangailangan ng pamilya ko. Hindi kami mayaman gaya ng ibang tao pero pinuno naman kami ni Nanang at Papang ng pagmamahal.

Habang nasa byahe hindi pa rin mawala sa isipan ko kung saan ako unang pupunta. Wala akong kakilala sa Maynila kung baga para akong maliit na isda na pinalilibutan ng mga pating.








"O sa bababa dyan andito na tayo sa Maynila!" Sigaw ng conductor

Dali-dali kong kinuha ang dala kong bag at nakipag siksikan sa mga nagkukumpulang pasahero pababa ng Bus.

Inilibot ko ang aking paningin sa buong paligid ng bus terminal. Namamangha ako sa mga taong dumaraan at sa mga naglalakihang sasakyan na nakaparada sa may gilid.

Bigla akong nagulat ng may magsalita galing sa likuran ko.

"Bago ka lang dito ano?" Tanong niya sa akin

Bigla akong napa kamot-ulo sa tanong sa akin ng lalaki

Sa tingin ko ka edaran ko lang ang lalaking to.

"Hindi mo ba ako naiintindihan?"

"Naiintindihan kita." Maikling sagot ko habang tinitingnan ang kabuuan niya

"Chilaks pre hindi ako mandurugas!" Naka taas kamay na sabi niya na para bang pinapakita niya na wala siyang kasalanan

"Bakit mo ko kinakausap?" Diretsahang tanong ko. Bilin ni Nanang na huwag daw ako magtitiwala sa mga taong ngayon ko palang nakikilala

Curse of Destiny Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon