Chapter 3

149 2 0
                                    







Isang linggo na akong nasa bahay medyo bumabalik na sa dati ang katawan ko, dahil sa ginawa sa akin ni Nanay nung nakaraan pero kahit na ganoon ang sitwasyon ko wala paring humpay ang galit niya. Na kesyo nagtatamad-tamaran lang ako. Na palusot ko lang to para mag paka buhay reyna ako sa bahay.

"ANO MIRANDA?JUSKO NAMAN KONTING GANYAN LANG HINDI KANA MAGTATRABAHO? ANO? MAGBUBUHAY REYNA KA NA LANG?!" Sigaw ni Nanay mula sa kung saan

Pumikit ako ng mariin kasabay ng pagpapakalma ko sa sarili ko baka kasi kung ano ang lumabas sa bibig ko at pagmulan pa ito ng gulo.

"PUTANGINANG BUHAY TO LAHAT NA LANG MALAS! LETSE! PUTANGINA MO TALAGA ALFREDO!!" Frustrated na sigaw ni Nanay

Sa tuwing lasing si Nanay palagi niyang binabanggit ang pangalan ni Tatay. Hindi namin alam kung bakit siya iniwan ni Tatay at sumama sa kabit niya o kung bakit nagkaganito buhay namin dahil sa kung tutuusin naman kahit na umalis si Tatay sa buhay namin kaya ni Nanay maka-survive sa buhay nang mag-isa pero wala, naging makasarili siya mas pinili n'yang sirain ang buhay niya at pati narin ang buhay namin na dapat sana'y mapayapa at masaya.

"PUTANGINA MO TALAGA ALFREDO BAT MO KO INIWAN?!" Sigaw ni Nanay

"Ma okay lang po ba si Nanay?" Nag-aalalang tanong ni Paneng

"Nak matulog kana okay? Lasing lang si Nanay kaya ganyan yan hayaan mo bukas okay na yan." Hinaplos ko ang kaniyang pisngi para makatulog siya. Paneng really loves it. Gustong-gusto niyang ginaganyan ko siya bago matulog.











Sa isang linggo kong pagpapahinga, ngayon palang ako babalik sa trabaho pero kung sa tutuusin ayaw ko na sanang bumalik sa Club pero ang iniisip ko naman ang lahat ng gastusin namin sa bahay pati narin ang mga pangangailangan ng anak ko. Kapag huminto ako rito at naghanap ng trabaho tiyak na walang kasigiraduhan ang lahat pero dito sa Club isang hubad mo lang may instant money kana agad. Pero baka siguro darating din tayo sa pagkakataong yan.

"SIS!!" Sigaw ni Karen sa akin ng pumasok ako room namin dito sa spa

"OA ah?" Natatawang niyakap ko siya

"Yung Nanay mo bang may lahing demonyo ang gumawa niyan sayo? Ano tama ba ako?"

"Wag na nga nating pag-usapan yan past is past Sis!"

"Ay! Sabi ko na kasi sayo dun nalang kayo tumira ni inaanak sa bahay ko!" Matagal niya na kaming pinipilit patirahin sa bahay niya pero ang problema kahit na palagi kaming sinasaktan ni Nanay ay ayoko parin namang iwan yun.

"Sis wag na saka nakakahiya sa Nanay mo noh!" Pagtatanggi ko

"Okay lang nga kay Mama. Ikaw lang kasi ang may ayaw!"

"Isipin mo kapag umalis kami roon sa bahay tapos si Ate Aura lang ang maiiwan baka kung anong gawin sa kanya ni Nanay!" Umupo ako sa monoblock chair habang naghihintay kami ng costumer

"Ay ewan ko sayo Sis basta kapag nagbago isip mo welcome parin kayo sa bahay ko!" Binigyan ko nalang siya ng isang matamis na ngiti "Hay Eva wag mo kong mangiti-ngitian ng ganyan alam ko kung anong nasa isipan mo hmp!"

"Tse!"

"Pero wititit lang sissy sa Sunday punta tayo ng Mall!" Pumapalakpak na sabi niya

Curse of Destiny Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon