Chapter 6

97 1 0
                                    







Sa dalawang linggo kong pagtrabaho sa Club may iilan na rin akong naging kakilala. Mababait silang lahat at madaling pakisamahan. Aaminin ko nang unang pasok ko sa trabaho medyo nahihirapan pa rin ako dahil siguro sa mga nakikita ko sa paligid pero dalawang araw matapos ay nakapag-adjust na rin ako. Sa dalawang linggong pagtatrabaho ko nakaipon na rin ako ng pambili ng cellphone. Yung isa ko kasing cellphone iniwan ko kila Nanang nang may contact din ako sa amin. Nag-advance pay na rin ako sa upa ko sa tinitirahan ko.



Alas sinco y media pa lang ng hapon ay naroon na agad ako sa bar. Ayoko kasing nahuhuli lalo na sa trabaho. Tumutulong din ako sa pag-aayos ng mga gagamitin mamaya.

"Pogi pa abot nga niyang isang upuan sa likuran mo!" Utos ni Marie sa akin

Hindi ako sanay na tawaging pogi kaya medyo naiilang pa rin ako. Simula nang  una kong pasok dito pogi na ang tawag nila sa akin, medyo banal daw kasi ang ang Josue 'di bagay sa ganitong klase ng trabaho.

"Ako na nito Marie medyo mabigat kasi... san ko ba ito ilalagay?" Tanong ko habang buhat-buhat ang upuan

"Wag kang ganyan pogi baka ma-fall ako sayo putangina!" Tumatawang sagot niya "Dito mo na lang ilagay."

"Ang landi mo Marites!" Sigaw ni Shiela isa rin sya sa mga dancer dito sa bar gaya ni Marie

"Tse! At saka wag mo kong tatawaging Marites sa harapan ni Pogi tangina mo Shiela!" Nag-dirty finger pa ito kay Shiela habang ako naman ay tawa ng tawa sa kanila

"Pre ganyan talaga yang si Marites at Shiela masanay ka na." Tumatawa ring sabi ni Toni sa akin

Si Toni ay isang waiter dito sa club habang ako naman ay bar tender.

"Wag mo kong sisiraan Toning supot kay babes ko!" Sigaw ulit ni Marie

"Ulol!" Balik sigaw ni Toni habang tunatawa






Habang hinihintay naming lahat ang pagsapit ng alas  sais y media nandito kami sa bar stool nagkukuwentuhan at nagpapahinga na rin para mamaya.

"Balita ko babalik na raw si Eva!" Kuwento ni Shiela sa lahat habang naninigarilyo

"Hindi pa pala patay? Sayang naman kung ganun." Malungkot na saad ni Marie

Biglang binatukan ito ng mahina ni Emman. "Ang sama ng ugali mo porke't mas maganda at sexy sayo si Eva!"

Si Emman ay isa sa mga bouncer namin dito sa Club. Ang Blue lights corner ay hindi lang basta-bastang pipitsuging club na dinadaluhan ng mga kung sino-sino lang. Ang mga dancer dito, mga nagbebenta ng katawan ay hindi lang basta-basta. Tuwing weekend lahat sila ay pinapa-check upan para masiguro kung malinis ba sila o hindi na. At ang mga costumer dito ay mga high class kung tawagin nilang lahat. Mahigpit din ang seguridad dito. At oo, illegal lahat ng ito kung kaya't mas lalo nilang hinihigpitan ang seguridad ng club.

"Masama ang ugali ng impaktang yun! Nabulag na kasi kayo ng libog kaya di niyo makita ang tunay na ugali!" Naiiritang sumbat ni Marie

"Inggit ka lang kasi aminin mo na!" Tumatawang sabat ni Jenny

Si Jenny ay isa sa mga bar tender din dito kagaya ko.

"Tse!" Humithit na lang ito ng sigarilyo pagkuwan ay humarap sa gawi ko "pangit ba ako babes?"

Umiling na lang ako para mahinto na siya sa pagbubunganga.

Curse of Destiny Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon