Chapter 1: First Day

33 3 0
                                    

ALYANNA'S POV

"Alyanna, gising na baka malate ka sa firstday of school mo"

"Maaga pa naman ma, mamaya na bigyan mo pa ako ng 15 minutes" sabi ko habang unti unti kong pinipikit yung mata ko. Nagulat nalang ako ng binato ako ni mama ng unan sa mukha ko 'ouch'.

"Anong 15 minutes? Bumangon kana" sigaw ni mama habang naka beywang

"Okay po madam, eto na po maliligo na po" sarcastic kong sabi. At agad akong pumunta sa banyo upang maligo.

"Bilisan mo dyan" sabi ni mama pagkatapos umalis na siya sa kwarto ko.

Si mama talaga kahit kailan palagi nalang akong sinisigawan kapag matagalan akong magising. Kahit ganun yun mahal na mahal ko yun, sila ni papa.

Pagkatapos kong maligo ay nagbihis na ako ng school uniform ko at agad na akong lumabas ng kwarto ko.

"Bilisan mo dyan" galit na sabi ni mama

"Hon! Ang init na naman ng ulo mo umagang-umaga" sabi ni papa habang hinahaplos yung buhok ni mama " Halikana Yanna, Kumain kana" pag-aya ni papa sa akin.

"Opo papa" maikli kong sagot

Agad narin akong lumapit sa hapag kainan at kumain narin ako nang almusal. Tahimik lang kaming kumakain lalo na si mama. Alam kasi namin ni papa kaya palaging wala sa mood si mama dahil sa work niya. Palagi nalang siyang stress kasi ang mga co-artist model niya ay palaging di pumupunta kapag may photoshoot sila.

Nang matapos na akong kumain ay nagpaalam na ako sa kanila at umalis na ako.

Habang nagdadrive ako ay biglang tumunog yung phone ko tumatawag sa akin si Sophia ang isa sa mga bestfriend ko. "Hello sophia"

"[Hey Alyanna, where are you?]" tanong ni sophia

"On the way na ako papuntang school. Kayo ba ni sophie asan na kayo?"

"[Nandito na kami sa school at nandito narin si Rhea. Ikaw nalang yung wala dito at malapit narin magsimula yung flag ceremony]"

"Sige! sige na. Bye na malapit na ako sa school"

"[Sge bye. See you]" paalam ni sophia

Hindi ko na siya sinagot at agad ko nang binaba yung phone ko.

And finally nandito narin ako sa school ng St. Therese Academy. Pagkadating ko sa parking lot ng school ay bumaba agad ako ng kotse ko dahil nagsisimula na yung flag ceremony. Shetee! Patay ako nito ni Ma'am Santiago

Pagdating ko sa ground ay pinagtitinginan ako ng mga estudyante. Oh my ghasss nakakahiya pagkaline ko sa section ko ay agad akong kinausap ni Ma'am.

"Why are you late?" bungad agad sa akin ni ma'am

"I'm so sorry po ma'am" paghingi ko ng tawad sa kanya

"Sige papalampasin ko to dahil first day ngayon pero bukas kapag late ka nanaman magrereport kana sa principal office. Are we clear?"

"Yes po ma'am" maikli kong sagot

Pagkatapos ng flag ceremony ay pumunta na kami sa room namin.

Pagkapasok ko sa room namin ay agad bumungad yung tatlong mukha sa harapan ko. Sina Sophia, Sophie at Rhea.

"Hoy bakit ba kasi ang tagal mong dumating ayun tuloy napahiya ka" pang-aasar sa akin ni rhea

"Oo nga siguro matagal kang natulog kasi may nakalandian ka" sabi niya pagkatapos ay nagtawan silang tatlo. Sapakin ko kayo tong mga ugok nato.

My First HeartAcheWhere stories live. Discover now