MARK'S POV.
I'm on my way to Robinsons.
10 minutes bago ako nakarating sa Robinsons. Pinark ko muna yung kotse ko sa bandang huli ng Robinsons. Bumaba agad ako ng kitse saka nagmamadaling pumasok sa loob. Nag elevator nalang ako para madali akong makarating sa 3rd floor. Late na ako ng 5 mins. Paglabas ko ng elevator si Alyanna agad ang una kong nakita. Basketball ang nilalaro niya.
"Hi" sabi ko
Lumingon agad siya "Oh you're here" si Alyanna
"Asan sila?" sabi ko
"Ah yung tatlo nag CR" sagot niya
"Kanina pa kayo dito?" tanong ko
"Yeah 12:55 ako nakarating dito tas yung tatlo 1:00 o'clock sila nakarating. Natagalan ka yata" si Alyanna
"Oo nga eh. Traffic kasi dun sa banda ng ICC" sabi ko
"Ah ganun ba. Sige maglaro kana" si Alyanna
"Pwede tayong dalawa diyan" sabi ko saka tinuro yung Basketball
"H-ha e-eh s-sige" nauutal na sabi ni Alyanna
"Okay lang ba?" sabi ko
"Oo naman halika laro na tayo" yaya ni Alyanna
Nagsimula na kaming maglaro. May kasunduan kami kapag sino yung may maliit na puntos ay manglilibre. Ginalingan ko sunod sunod yung pagpasok ng bola sa ring. Hanggang sa matapos yung time, 120 yung score ko. So si Alyanna naman ang maglalaro. Nakakamangha ang galing niya sunod sunod rin ang pagpasok ng bola. Hindi ko na namalayan na lamang na pala si Alyanna sa akin. Ang bilis nang mga kamay niya, mukhang sanay na sanay na siya maglaro dito. 140 yung score niya. So ibig sabihin...
"Hahaha talo ka ikaw yung manglilibre" natatawang sabi ni Alyanna "Pero mamaya nalang maglaro muna tayo" dagdag niya pa
"Sige doon tayo sa stap toys" sabi ko habang nakaturo sa gawi ng mga laruan
"Tara" sabi niya at hinila niya ako papunta doon "Paunahan tayo makakuha ng mga toys" sabi niya
"Sige" sagot ko
Nagsimula na kaming maglaro. Isang coin lang ang nagamit ko kasi nakakuha agad ako ng toys. Si Alyanna naman pangatlong hulog na niya ng coins ngunit wala parin siyang nakukuhang toys. Humarap siya sa akin ng nakasimangot.
"Oh ano ha" pang aasar ko sa kanya
"Ang daya. Ayoko na" sabi niya
Aalis na sana siya ng pigilan ko siya
"Saan ka pupunta?" tanong ko
"Kumain na tayo. Nakakabadtrip wala akong nakuha" nakasimangot parin niyang sabi
"Oh eto" sabi ko saka inabot sa kanya yung nakuha kong panda "Sayo na yan"
Agad naman niyang kinuha iyon "Sigurado ka?" nakangiti niyang sabi
"Oo sayo na yan. Kung hindi ko yan ibibigay sayo hanggang ngayon nakasimangot ka patin. Mas lalo ka tuloy pumapanget" pang aasar kong sabi
"Ehhh tara na nga" sabi niya saka tinalikuran ako at naglalakad ng padabog
Hala pikon hahahaha
"Uy hintayin moko" tawag ko sa kanya ngunit di niya ako nilingon nagpatuloy parin siya sa paglalakad
"Hala sorry na joke lang naman yun eh. Kahit nakasimangot kapa, maganda ka parin. Ikaw na yata yung pinakamagandang babae sa mundo para sa akin" sabi ko saka ko siya hinila
YOU ARE READING
My First HeartAche
RandomMy first heartache. Ang sakit pala kapag first time mong maranasan ang magkaroon ng sakit sa puso. Hindi yung sakit sa puso na pwedeng ikamatay. What I mean na first time ko na niloko ako nang lalaking inaakala kong mabait. He is the first man who b...