ALYANNA'S POV
.......
Nagising ako sa ingay ng phone ko. 5:30 pa pala, nagpaalarm kasi ako para maaga akong magising.
Bumungon na ako at nagtungo na ako sa banyo upang maligo. Nangmatapos na akong maligo ay nagbihis na ako ng school uniform ko.
Lumabas na ako ng kwarto kasi may naamoy akong masarap na pagkain na familiar sa akin.
Nang makarating ako ng kusina nakita ko agad si mama na nagluluto kaya lumapit agad ako sa kanya.
"Goodmorning mama" bati ko sa kanya
"Goodmorning din, ang aga mo atang nagising ah" pagtatakang sabi ni mama
"Kasi po mama nakaamoy kasi ako ng mabangong pagkain. Ano po yung niluluto mo mama? Mukhang masarap yan ah."
"Ah eto bacon yung paborito mo nung bata kapa" nakangiting sabi ni mama
"Kaya pala familiar sa akin yung amoy. Yehey! Makakatikim na ulit ako ng bacon. Its been 6 years pong di ako nakakain niyan mama." nakangiti kong sabi na abot hanggang langit
"Sige na ihanda mo na yung hapag kainan, luto na yung bacon kakain na tayo" sabi ni mama
"Opo mama" agad akong kumuha ng mga plato at kutsara.
Pagkatapos ko yung gawin ay pupuntahan ko na sana si papa nang magtanong si mama
"Saan ka pupunta?" tanong sa akin ni mama
"Gigisingin ko lang si papa"
"Wala dito ang papa mo. Maaga siyang umalis kasi malayo pa ang byahe niya" paliwanag ni mama sa akin
"Ay ganun po ba" maikli kong sabi
"Halika na, kumain na tayo may klase kapa"
Lumapit na ako sa lamesa. Kumain na ako at kumuha ako ng tatlong slice ng bacon. Promise namiss ko talaga to.
"Dahan dahan lang sa pagkain anak. Ayan ka na naman sa pagkatakaw mo" pang aasar sa akin ni mama
"Mama naman, namiss ko lang talaga yung bacon" sabi ko habang naka poker face
"Joke lang baby. Sige kumain kalang ng marami baka mamayat ka"
Ningitian ko lang si mama at magpatuloy na ako sa pagkain.
.......
"Ma mauna na ako" tumayo na ako at hinalikan ko siya sa pisngi
"Sige anak, take care sa pagdadrive" pagkatapos ay niyakap niya ako.
Umalis na ako ng bahay. 5 minutes bago ako nakadating sa school.
Bago pa ako bumaba ng kotse ko ay chinat ko muna si sophia.*Messenger*
Sophia andyan na ba kayo sa room?
Oo. Pero wala pa si Rhea eh. Ikaw ba asan kana?
Andito pa ako sa parking lot, bababa na rin ako.
Ah okay. Bilisan mona baka malate ka na naman😂😂.
Maaga pa naman ah.
Bilisan mona dyan andito na si Mark.
I care?
Talagang magcacare ka. Eh crush mo siya eh😂😝.
Crush? Ewwww. Never.
Pero sa totoo lang kinikilig talaga ako hahahahahaha.
YOU ARE READING
My First HeartAche
RandomMy first heartache. Ang sakit pala kapag first time mong maranasan ang magkaroon ng sakit sa puso. Hindi yung sakit sa puso na pwedeng ikamatay. What I mean na first time ko na niloko ako nang lalaking inaakala kong mabait. He is the first man who b...