Chapter 3: Friends

18 2 0
                                    

ALYANNA'S POV.

Birthday Party Flash Back*

"Beshiee. Ano masarap ba sa pakiramdam? na yung crush mo ay ang prince mo" kilig na sabi ni sophia sabay hampas sa braso ko

"Aray----" hinampas ko rin siya "kung kinikilig ka wag mokong idadamay ang sakit ng braso ko" inis kong sabi

"Alam mo gurl nangako tayo sa isa't isa na walang magtataguan ng sikreto. Eh yang ginagawa mo" sabi ni Sophie

"Tama" dagdag ni sophia

"Oo na" sabi ko " oo na kinikilig ako kasi kaming dalawa yung magpartner" kilig kong sabi. Feeling ko talaga nang iinit yung pisnge ko sa sobrang kilig

"Hala, namumula si Alyanna totoo ngang kinikilig siya , ayieeee" pang aasar sa akin ni sophia. Tapos nagtawanan pa silang magkambal. Siraulo talaga.

"We're here" nakangiting sabi ni Rhea

"Oh yeah nakarating narin tayo. Gutom na gutom na ako kanina pa" sabi ni sophia

Binatukan ko nalang siya. Kahit kailan para talagang ngayon lang makakain.

"Aray bat moko binatukan? Eh totoo namang gutom na ako eh" sabi ni sophia habang naka sad face. Lah ang drama nang babaeng to.

"Wag na nga kayong mag away pumasok na tayo magsisimula na yung party" pag awat sa amin ni Rhea

Pumasok na kaming apat sa loob. Wow nakakamangha ang ganda ng party na'to kahit 13 years old palang si Natasha bongga na yung party. Paano nalang kung mag dedebut na siya. Andaming mga bisita ni Natasha halos mga kaklase niya. Pero mas madaming mga masasarap na pagkain.

Nagsimula na ang kainan. Kumuha ako ng madaming bacon kasi paborito ko'to. Nangmatapos na akong kumain ay nagpaalam na ako kay Rhea na uuwi na ako kasi may curfew ako sa bahay. Dapat bago mag 8:30 ay nasa bahay na ako. Jusko 8:15 na 15 minutes nalang yung natitira kong oras sa labas. Nagmadali na akong umuwi kasi ayaw kong masarahan ng pinto sa bahay.

End of the flash back*

.............

"Ma Pa mauna na po ako" paalam ko sa kanila

"Sige anak mag ingat ka" sabi ni papa

"Anak don't forget to go home early" paalala sa akin ni mama

"Opo mama uuwi po ako ng maaga" nagwave na ako sa kanila.

Nagdrive na ako papuntang school. Nang makarating na ako sa school ay may biglang may nag announce.

"Goodmorning students this is your Madam Principal. You have no class in two subject in this morning because we have a important meeting. And comeback to your room after the recess. So please clean first your assign area. Once again goodmorning" sabi ni Madam Principal.

Hays salamat. Ichat ko nga muna si Sophia

Messenger*

Asan kayo?

Na sa bahay mamaya pa kami papasok mga 8:30 kasi wala namang klase eh sa dalawang subject

So alam niyo na wala talagang klase?

Oo kahapon lang

Eh bat di mo ako sinabihan. Ang aga ko tuloy dito sa school. Kainis

Opsss. Hehehe sorry. Nakalimutan ko kagabi ipaalam sayo. Ikaw Kasi ang aga mong umuwi.

Okay na.

My First HeartAcheWhere stories live. Discover now