PROLOGUE

29 1 0
                                    

Prologue

"Alam mo,  minsan ang hirap din pala magmahal."

"Nakakatakot din, kasi di mo namamalayan, may mga bagay ka na pala na naisasakripisyo, pero sa huli mo lang marealize na , yung taong yun ih hindi worth it para sa bagay na nawala."


"Akala ko ako lang nalulungkot ng ganito" sabi niya habang pasimpleng nagpupunas ng luha, saka ngumiti sakin.


"Tahan na, I reserve mo yang luha mo sa taong mas worth it ng luha mo." Sabi ko.

"Ikaw? Ano pinagdaanan mo?" Sabi nya, pero diretso pa rin ang tingin sa dagat .



Natawa naman ako sa taong niya, saka para na rin sa sarili ko.


"Wala naman kasi talaga akong pinagdaanan, wala rin akong experience sa relationship." Sabi ko.


Tumingin naman ako sa kanya pagkatapos kong sabihin yun sa kanya, tumahimik kasi siya. Di na siya kumibo.

"Ih san galing yung mga hugot mo? Kanina mo pa kaya ako binibigyan ng advice."

Nakatingin naman siya sakin ngayon kaya umiwas ako at dun tumingin sa harap.


"Kelangan ba talaga maranasan muna bago makapag-advice? "

Ramdam ko naman na nakatingin pa siya sa akin pero di pa din siya nagsasalita.


"Sapat na 'yong nakikita ko sa iba" may naalala naman ako habang sinasabi ito "saka kahit naman sa iba ko lang nakita , dama ko naman yung sakit. Sapat na yun."


Tumingin naman ako sa kanya saka nginitian siya na siya rin pagiwas niya.


Humarap na lang din ako ulit sa malawak na dagat sa harap namin.


Totoo naman kasing di ko na kelangan maranasan yong magmahal bago pa ako makakapagsabi ng kung ano-ano, Simula naman kasi ng namulat ako sa Mundo, ang unfair na niya sakin.


Lumaki naman ako sa pasakit, di rin tinawag ng iba na blessing.


Naputol naman yung pag iisip ko ng may nilagay siyang tela sa kamay ko, pero nakatingin pa din siya sa harap.

Panyo.


Ngayon ko lang nalaman na umiiyak na pala ako.

Binalik ko naman sa kanya yung panyo, saka pinunasan yung luha ko gamit lang ng kamay ko.

"Hindi ko kelangan ng panyo. Mas kelangan mo yan. Iyakin ka kasi, ang lakas ng luha mo." Biro ko naman para medyo gumaan yung atmosphere.

"Hala . Ako pa iyakin? Sino kaya dyan wala daw pinagdaanan pero umiyak?"

Tumawa na lang ako, baka kasi magtanong pa.

Ilang sandali pa tumigil na kami sa pagtawa, paghampas na lang ng alon ang maririnig.



Ang lamig na, gabi na kasi. Ang dilim pa, nasa parte kasi kami ng pantalan ng barko na hindi na ginamit saka isa lang ilaw nasa poste di malayo sa inuupuan namin.


"Uuwi na ako, ang ginaw na." Pagpapaalam ko.

Tumayo naman ako saka nagpagpag sa pantalon ko.

"Sige. Sana magkita pa tayo ulit."

Medyo natawa naman ako sa sinabi niya.


" Oo naman. Nasa iisang barangay lang naman tayo nakatira."

Nasa iisang barangay lang naman kasi talaga kami nakatira, pero di kami magkakilala.


Ngayon ko nga lang siya nakausap. Pero lagi na kami nagkakasalubong. Hindi nga lang namin kilala ang isa't-isa.

Nagkataon lang na nandito siya, saka napadpad din ako doon.

"Ahhh sige. Maya-maya na ako" sabi niya.

Nilingon ko naman siya bago ako nagsimulang lumakad.

Napahinto naman ako sa sinabi niya.

"Hindi mo talaga susubukan?" Medyo naguluhan naman ako sa sinabi niya.

Hindi ko na lang yun pinansin, at nagpatuloy na akong maglakad pauwi.

-------


Dumiretso naman agad ako sa kwarto nang makauwi na ako.

Inisip ko naman 'yong sinabi niya.

Ano naman susubukan ko?


Hangang magsawa na akong makipagtitigan sa kisame ay tumagilid ako at nagtalukbong ng kumot para matulog.

If You Tell (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon