Chapter 4

14 0 0
                                    

Chapter 4



Tatlong araw na simula nung handaan sa bahay nila Kieran at nagdadalawang isip ako kung ibabalik ko pa ba yung mga gamit na sinuot ko nung araw na yun.




Nahihiya kasi akong pumunta doon sa kanila kasi nung araw lang naman na iyon kami pormal na nagkakilala. Isa pa parang ayaw ko nang ibalik yung mga gamit na pinahiram niya sakin at isinuot ko, total hindi pa naman niya iyon nasusuot bali bago iyon lahat na stock na na mga gamit niya doon kasi sa tingin ko puro naman iyon mga bago pa.



Pero siyempre biro lang. Nahihiya lang talaga ako. Simula kasi nang araw na iyon hangang ngayon ay hindi ko pa siya nakita o nakatagpo man lang sa daan, kung saan-saan kasi ako nagpupunta dahil sa lima kong barkada na kung saan-saan ako niyayaya pagkatapos akong maambush nila sa bahay at pati laman ng ref namin hindi napatawad.



Close sila kay mama ih, kaya ang kakapal nang mukha. Okay lang naman sa akin yun kaso nakakapagod kasing manggrocery.



"Nak, isauli mo na yang mga gamit na hiniram mo sa anak ni Mayor", sabi ni Mama habang nagkakape.


Ang init-init na sa labas nagkakape? Tapos mamaya niyan magrereklamo na yan na naiinitan. Ganyan lagi yung ina ko.



" Mamaya na Ma", nanonood kasi ako ng palabas sa paborito ko na stasyon.


" 'Wag mo sabihing wala ka nang planong ibalik 'yang mga yan", tumayo ito saka pumunta sa kusina.



Nanonood pa din ako ng telebisyon habang tumatawa, nakakatawa kasi talaga yung host ng pinanood ko.



Ilang sandali pa ay tinawag ako ni Mama mula sa kusina pero hindi ako sumagot, "Drey?" Tawag nito.



Sobrang saya talaga nang show na ito.


"Drey?" Tawag ulit nito mula sa kusina.



Hindi pa din ako nakinig kahit paulit-ulit pa din ako na tinatawag ni Mama.



Naramdaman ko na may nakatayo sa gilid ng inuupuan ko na sofa.


"Drey, nakikinig ka ba?  " tanong nito.

"Drey?"

"Ma naman, busy ako, nanon-" naputol naman ako sa sinabi ko dahil binatukan ako nito mahina lang naman pero nagulat ako ih kaya medyo masakit.


"Busy? Kanina pa yan nakatayo sa likuran mo si Kieran."



Lumingon naman agad ako sa likod, at nasa likod nga siya ng inuupuan ko.


Bakit hindi ko siya napansin?




Agad ko naman sinuot ang sando ko na may disenyo ng american flag. Nakakahiya, ang init kasi kaya hinubad ko yung sando kanina.


Tumayo naman ako at humarap sa kanya, bali yung sofa lang yung pumagitna sa amin.


Buti na lang talaga moreno ako kaya hindi masyadong halata kung nahihiya ako, ang init kasi ng mukha ko.



"Sorry kung pumasok na agad ako," sabi nito na habang nakangiti.


"Hindi okay lang," sagot ko naman. Okay lang ba talaga?



"Oh, hinatid ko lang itong damit mo," may ibinigay naman siyang paper bag sa akin laman nito yung jersey short ko saka yung sando.



Siya pa talaga pumunta dito, anak ito ni Mayor ih. Sa araw lang din na iyon ko lang nalaman na anak pala siya ni Mayor, ni Berto Cartel.

If You Tell (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon