Chapter 5

16 1 0
                                    

Chapter 5


Alam mo yung feeling na gusto ko nang magwala pero hindi mo magawa dahil ayaw mo gumawa ng iskandalo sa publiko? 'Yan ang nararamdaman ko ngayon.



Bumiyahe ako ng lagpas dalawang oras para lang masuntok ng kung sinong poncho pilato? Gusto ko talagang bugbugin yung iskandalosong lalake na 'yun.



Nang bumagsak ako sapo yung panga ko ay agad na umalis ang lalake at naglakad palabas ng coffee shop. Ganun siya kaduwag! Siya pa may ganang magwalk-out pagkatapos niyang manuntok ng walang dahilan. Coward King!





At mas lalo pang nag init ang ulo ko ng hindi man lang ako tinulungan ng new-found-mute-budoy-friend ko dahil sumunod siya sa hari ng kaduwagan at kabuangan.





Sinundan ko lang ng masamang tingin yung kumag na kasama ko na palabas .



Nakatingin na sa akin ang mangilan-ilan sa mga customer kaya tumayo na ako at tinulungan din akong tumayo ng crew ng shop at binigyan ako ng icebag para daw sa nasuntok kong gwapong mukha. Na agad ko naman inilapat sa bandang may labi para hindi mamaga.





Bago pa makaalis ang babaeng crew na nagbigay sa akin ng icebag ay humingi ako ng tubig,"Pwede pahingi ng tubig?"




Tumango naman ito, " okay po, wait lang." Agad siyang nagtungo sa counter at kumuha ng baso saka sinalinan ng tubig at agad bumalik sa pwesto ko.



"Ito na po sir," nailang naman ako sa tawag niya sa akin, magkaedad lang nga siguro kami nito. Pero sabagay nasa trabaho naman siya baka yun talaga dapat gawin nila kahit bata pa sa kanila yung customer.





Ininom ko na lang agad 'yong tubig at inubos.



"Salamat miss," pagpapasalamat ko sa babae pagkalagay ko ng baso na wala nang laman sa lamesa.


Ngumiti lang ito, saka bumalik na sa counter dala ang baso na walang laman.


Naisipan ko na sana na lumabas para umuwi kaso naalala ko na wala pala akong dalang pera para pambayad sa bus pauwi.


Kahit sobrang naiinis na ako ay naghintay na lang ako sa kasama ko kung saan man yun nagpunta.


Nasa labas ako ng coffee shop  naghihintay kay Kieran, nilibot ko na kasi yung area na malapit sa shop kaso no signs of budoy kaya bumalik na lang ako sa shop baka bumalik iyon dito na DAPAT bumalik talaga siya kundi, makakatangap talaga siya ng upper cut.



Gusto ko na talaga sanang umuwi kaso no choice ako at kelangan ko talagang maghintay dahil wala akong dalang kahit coins at ngayon ko lang naalala na pati phone ko hindi ko din dala. Tatawagan ko sana mga barkada ko para kunin ako dito.




Saan na ba yun? Gagabihin na talaga ako nito makauwi kung hindi pa siya babalik dito, halos tatlong oras pa naman ang byahe.

Ilang minuto din ang lumipas ay nakita ko na itong naglalakad papunta sa kinauupuan ko dito sa labas ng shop.


Nang tuluyan na itong makalapit sa akin ay inaya na ako nitong umuwi, " tara na sa bus terminal Drey, uuwi na tayo".


Ganun lang? Pagkatapos niya akong ewan lang dito iyon lang sasabihin niya? Amputek talaga.



Hindi na lang ako umimik at umuna na lang akong maglakad patungo sa terminal. Naramdaman ko naman na sumunod ito. Nagpipigil na akong bugbugin ito o kahit suntukin din ito sa mukha, kaso im already on my legal age baka ipapulis ako ng tatay niyang mayor dahil lang sa isang suntok.



Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 21, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

If You Tell (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon