Chapter 3

10 0 0
                                    

Chapter 3

"Uy, ano, Kieran parang nakakahiya naman 'to" nahihiya ko na sabi.
Katatapos ko lang kasi magbihis dito sa kwarto niya, dito na din sa banyo ng kwarto niya ako naligo.

Pagkatapos kasi akong hilahin ng mama niya, na sobrang nakakahiya kasi mga pinsan ni Kieran lalo na yung mga chix napatingin sa amin, or sa akin talaga.

Dumiretso kami sa kusina nakasunod naman sa akin si Kieran na parang , wala lang.

Binitawan na ako ng mama ni Kieran saka may kinuha sa ref na pitsel.

"Alam ko na nauuhaw ka na, uminom ka muna bago kayo pumunta sa kwarto ni Kre-kre." Sabi nito habang nagsasalin ng malamig na tubig sa baso at ibinigay sa akin.

Nagtataka naman ako dun sa sinabi niya.

"Po? Ahmm, uuwi pa po muna ako babal-"

"Hindi anak, hindi ka na uuwi dito ka na magbihis, papahiramin ka na niyan ni Kre-kre." Pagputol ng mama ni Kieran sa sinabi ko.


Tumingin naman ako kay Kieran na nasa likuran ko , pero ngumiti lang siya, okay lang ba sa kanya na suotin ko damit niya?

"Tara na Drey" sumunod na lang agad ako sa kanya, parang wala talaga akong lusot sa Mama niya.

Kaya ito na nga ako bihis na bihis, suot ko yung bagong short-sleeve polo niya saka maong na short, pati underwear na nasa karton pa bagong bukas, pati sapatos pinahiram niya din ako.
Mayaman nga, daming damit na di pa nasuot.

"Ba't ka naman mahihiya? Di naman nakaw yang mga suot mo?" Sabi nito habang nakaharap sa salamin, nagaayos ng buhok.

Sabagay, pero di pa kasi kami masyadong close. Tapos ganito na, suot ko mga gamit niya.

Lumingon naman ito sa akin na parang nagtataka.

"Natahimik ka dyan?" Sabi niya.

"Bawal ba?" Sagot ko naman.

Lumapit naman ito sa akin,umupo siya sa tabi ko, nakaupo kasi ako sa kama niya.

Nabigla naman ako ng amoyin na naman ako. Aso yata to.

Tumayo naman ito ng nakasimangot. Problema nun.

"Sinabi ko naman sayo na pumili ka lang ng pabango, di ka naman nagpabango ih" sabi nito habang papalapit ulit sa akin na may dalang bote ng pabango.

"Nakalimutan ko Sir, wag kang ano."
Nang nasa harap ko na siya ay pinatayo niya ako saka inisprayhan ng pabango niya.

Tumalikod na ito saka pumunta na agad sa may pinto.

"Tara na sa baba."

Sumunod naman agad ako sa kanya para bumaba.

Nang makababa kami ay sinalubong agad kami ng tingin ng mga pinsan niya, saka ng mga magulang nito.
Medyo nahiya naman ako. Medyo lang kasi makapal kapal na din naman to.

Nang tuluyan na talaga kaming makababa at nasa sala na kami ng kanilang bahay ay dumating naman Mama ni Kieran galing kusina.
Ngumiti naman ako sa kanya.

"Oh! Ang gwapo mo lalo anak." Sabi nito ng makalapit sa akin.

Inamoy din ako "ang bango pa, tiyak andami mong girlfriend ano?" Biro pa nito na ikinatawa ko, kahit di naman nakakatawa.

"Mama Beth, nagseselos na yan si Kre-kre!" Sabi ng lalake na kaedad ko lang din, pinsan ni Kieran siguro.

Sumabat naman agad si Kieran. " Ma, sino ba talaga anak mo? Kaya hindi ako nagdadala ng barkada dito ih, kasi naging instant pader na agad ako." Pabiro naman niyang sabi.

If You Tell (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon