Chapter 2

12 1 0
                                    

Chapter 2

Natapos na kaming mamalengke saka medyo marami nga yung ipinabili sa kanya. Apat na medyo malaking plastic cellophane yung hawak ko dalawa sa kanan at ganun din sa kaliwa. Si Kieran naman ang nagdrive pauwi.

Naalala ko kasi na ngalay daw yung mga braso niya kaya siya na pinagmaneho ko sa motor at ako na nagpresintang magdala kahit gusto ko pa sana magmaneho sa motor niya. Mabait kasi daw talaga ako. 

"Bibilisan ko pa konti yung takbo Drey, para makauwi na agad tayo. Okay lang?" Pasigaw niyang sabi, mabilis bills na din kasi patakbo niya kaya di kami magkakarinigan masyado kung di lalakasan yung boses.

"Sige lang. Nangangalay na din braso ko ih." Malakas ko na sabi.

Ilang minuto ay pumarada kami sa harap ng  medyo malaking bahay na makikitang may kaya talaga ang nakatira doon.

Alam ko naman na bahay na nila ito kaya bumaba na ako sa motor at hinintay si Kieran na makababa, pinarada pa kasi niya sa may gilid para di maarawan yung motor.

Pagkatapos niyang isilong sa puno yung motor ay lumapit ito sa akin at kinuha yung dalawang plastic na hawak ng kaliwang kamay ko.

" Pasensya ka na talaga. Naabala ka pa tuloy." Nahihiya niyang sabi.

" Okay lang, ako naman nagpresinta na tumulong." Sabi ko at ngumiti. "Ipasok na natin 'to, baka kailangan na ang mga 'to sa loob." Dugtong  ko pa.

Tumango naman siya saka tumalikod, pero ng makita ko na may mga tao na sa salas ng kanilang bahay nagkukwentuhan ang iba naman ay nag iinom, mga bisita yata , tinawag ko siya agad.

"Kieran?" Tawag ko na siyang paglingon naman niya agad.

"Bakit? May problema ba?"

Nagdalawang isip naman ako na magsabing nakakahiya dumaan sa salas .

Nakakahiya naman kasi talaga kasi medyo pawis na ako tapos jersey short at sando lang suot ko.

"Wala ba ibang madaanan patungo kusina?" Tanong ko.

Kumunot naman yung noo niya saka nagtagpo ang kilay, naguguluhan yata at bakit ko yun tinanong.

"Meron naman diyan sa may gilid patungo backdoor. Bakit?"

Ano ba isasagot ko? Nakakahiya naman kasi talaga dumaan diyan sa sala nila lalo pa at pawisan na ako, ang init kasi.

Napatingin naman ako sa kanya ng tumawa siya.

"Nahihiya ka ba dumaan diyan sa living room?" Tanong niya na sumingkit na yung mata ng ngumiti.

Tumango naman ako . Nahihiya naman talaga ako .

"Alam ko nahihiya ka na dyan tayo dadaan, kung sa backdoor tayo dadaan mas marami na tao sa likod nandoon na mga kaibigan ni Papa saka mga anak ng mga ito." Ngumisi naman ito. "Ano San tayo dadaan?" Dugtong niya pa.

Wala pala ako choice kasi mas marami daw tao dun sa likod ng bahay nila.

"Ahh. Dyan na lang ." sabi ko at tinignan ang living room at mga tao dun.

"Mga pinsan ko lang naman andyan at kapatid ni Papa, saka" naglakad naman siya patungo sa harap ko na ikinapagtataka ko , at mas nagulat ako nang sobrang lapit niya na sakin tapos inamoy niya yung bandang leeg ko, na nagpaestatwa sa akin kahit sandali niya lang ginawa yun. " Ang fresh mo nga ih, di ka naman amoy araw at pawis" sabi niya.

Hindi ba siya naiilang sa ginawa niya? Ang lapit niya pa din sa akin, literal na malapit. Hindi naman ganito mga barkada ko.

Medyo uminit naman iyong pisngi ko sa sunod niyang ginawa. Inilapag niya yung dalawang plastic na hawak niya saka may kinuha sa bulsa sa short niya, panyo at di ko inakala na ipampunas niya ito sa aking mukha saka sa leeg.

Imbes na tampalin ko sana yung kamay niya ay Hindi ko ginawa. Ewan ko ba. May hawak din kasi akong plastic. Pero nakakailang kasi. Baka may makakita pa sa amin, mapagkamalan pa kaming, alam niyo na , at hindi ako ganun, mas lalo siya. Ang tikas nga din ng katawan niya slim na may muscle, fit na fit. Kaya imposible.

Pagkatapos niya punasan ang mukha ko ay ibinalik niya sa bulsa ang panyo niya at pagkatapos ay akala ko kukunin niya na yung nilapag niya na plastic ay hindi pa pala. Wala na naman akong nagawa.

Inayos niya iyong gulo gulo kong buhok na may humarang na ang ibang hibla sa may mata ko. Medyo ilang Segundo niya din yung ginawa bago siya tumigil.

"Ayan, wag ka na mahiya. Okay na okay na yan." Ngumiti naman ito na parang wala lang sa kanya ang kaniyang ginawa.

Hindi ba siya nakakaramdam ng awkward, kasi ako.... Nevermind.

Sobrang caring niya sigurong tao. Kakakilala pa lang namin kanina ng pormal tapos nagagawa niya na ito?

Iyong mga kaibigan ko nga natutuwa pag ang dugyot ko na tignan, may bigwas, sakal,  batok, suntok o kung ano na lang na nakakasakit tapos siya ganito? Aba ayos to, pero ang awkward nga lang. Lalake siya , Lalake ako, logic yun mga par para sa mga taong makakakita sa ginawa niya. Pero ano ba mali dun?

Buti na lang talaga at parang wala naman nakakita sa ginawa niya. Wala nga ba?

Lumingon lingon naman ako pati sa likod tinignan ko na.

"Tara na sa loob?" Parang wala lang talaga sa kanya ang ginawa niya.

Tumango naman ako bilang pagsagot.

Malapit na kami pumasok sa pinto ng may lumabas doon na lalake saka sinalubong kami.

"Oh andito ka na pala, pupuntahan na sana kita sa palengke ih. " sabi nito kay Kieran at tumingin din sa akin pero sandali lang naman at kay Kieran na ulit ito tumingin.


Kapatid niya siguro ito, magkamukha kasi sila o baka pinsan niya lang ito.

"Kanina pa ba to hinihintay ni Mama?" Tanong ni Kieran sa lalakeng nasa harap namin.

"Hindi naman, inaalala niya lang na baka di mo daw mabili at madala, buti naman at may tumulong sayo." Sumulyap naman ito sa akin saka kinuha ang dalawang plastic na bitbit ko. " Salamat Dong." Tumalikod naman agad ito para pumasok, "Tara na Kre ilagay na natin ito sa kusina" sabi nito at unang pumasok.

Salamat naman at hindi na ako papasok pa.

"Drey, tara ." aya nito para pumasok sa loob.

"Huh? Wag na, uuwi na lang ako para makapagbihis at babalik na lang ako agad, hindi naman malayo yung amin at saka magmotor na ako pabalik dito." Pagdadahilan ko.

Uhaw na din kasi ako, kaya lang nakakahiya pumasok, nandiyan yung kamaganak nila.

Sa bahay na lang talaga ako nito iinom.

"Sure ka? Hindi ka ba nauuhaw?"

Nauuhaw talaga ako pero kaya pa naman.

" Hindi naman. Sige, uwi na ako." Sabi ko.

Tumango naman siya at tatalikod na sana ako ngunit may babaeng sumulpot sa likod ni Kieran at inimbitahan akong pumasok.

"May kasama ka palang kaibigan Kre, di mo man lang pinapasok" , sabi nito at tumingin sa akin , " pumasok ka muna anak." Sabi pa nito.

Tatangi na sana ako at magbibigay ng excuse ngunit nagsalita ulit ito.

"Hindi ako tumatangap ng pag tanggi, kaya pumasok ka na " seryosong sabi nito saka hinawakan ang pulsuhan ko at hinila ako para pumasok.

At wala na naman akong nagawa.

------------

Update na ako kahit unti lang magbasa . Hangang may naisulat.😊😊😊

If You Tell (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon