Chapter 1

19 2 2
                                    

Chapter 1

"Drey, anak. May naghahanap sayo."
Naalimpungatan ako ng may kumatok sa pinto at marinig ang boses ni Mama.

"Drey, gising ka na ba?" Sabi ulit nito sa labas ng kwarto.

"Opo. Babangon na po." Magalang ko naman na pagsagot.

"Bumaba ka na."

Narinig ko naman na umalis na ito kaya di na ako sumagot at nagtanong pa kung sino ang naghahanap.

Pagkatapos kung maghilamos at bumaba na agad ako, para harapin ang kung sino man yung naghahanap.
Pagbaba ko naman sa hagdanan nakita ko yung wall clock na nakasabit . Tanghali na pala.

Pagkababa ko ay tumungo muna ako sa kusina para uminom ng tubig.

"Ma? Wala naman yatang naghahanap sakin." Sabi ko ng pumasok siya sa  pinto mula sa likod bahay, naglalaba siguro.

Kinuha nito ang soap powder panlaba sa kabinet saka naglakad palabas.

"Meron. Pinapasok ko, nahihiya yata kaya tumangi." Sagot nito.

Sino naman kaya itong naghahanap daw sakin, kung isa sa kakilala o kaibigan ko naman yung pupunta dito sa bahay ay, papasok naman talaga iyon at maghihintay sa maliit na salas namin.

Pagkalapag ko sa baso ay naglakad na ako para tingnan sa labas yung naghahanap sakin.

Nagtaka naman ako sa taong nasa harap ng bahay namin na nakasandal sa kulay black and yellow na motor nito.

Nice ah, fan kaya siya ni bumblebee?

Kahit nasa harapan na ako nito ay hindi pa din ito nakatingin sa akin o Hindi lang siguro ako napansin. Busy kasi siya sa kanyang phone kakakutingting, may katext yata.

Habang busy siya sa kung ako mang ginagawa niya sa phone niya ay tinititigan ko lang yung mukha niya. Tangos ng ilong, pulang labi na kahit di kissable ay masasabi ko na bumagay talaga sa gwapo niyang mukha, pangmayaman na kutis. I hate to admit pero naiinsecure ako

Ilang sandali pa ay tumingin na ito sa direksyon ko, na tila nagulat pa yata.

"Ahhhmm... Hi? Hehe ano, a, kanina ka pa diyan?" Tanong nito sa akin, medyo namula pa iyong tenga niya. Nahiya ba siya o mainit lang talaga siguro.

Ngumiti naman ako sa kanya, ako kasi dapat nagtatanong sa kanya ng ganun.

" Hindi naman, medyo may ginagawa ka pa kasi sa phone mo kaya hinayaan lang kita, baka importante."

Napakamot naman ito sa kanyang batok, parang nahihiya nga yata talaga siya sa akin.

Ako nga dapat mahiya, Wala pa akong ligo saka bihis, nakajersey short pa nga ako saka T-shirt na tinabas ko ang manggas ng medyo malaki kaya para na itong sando, gulo-gulo pa nga siguro buhok ko.

"May nireplyan lang." Ngumiti ito saka parang nag iisip.

"May kailangan ka?"

Tumingin naman ito diretso sa mata ko.

Ganda ng mata. Dark-brown.

May mali ba sa sinabi ko? Para kasi siyang nag alinlangan na sumagot. Parang kinakabahan na nahihiya.

" Yeah? I mean... Yun nga, pero, ano... Pano ba to... Busy ka ba?"

Medyo natawa naman ako sa tinuran niya.

Nang napansin niyang palihim akong tumawa ay kumunot ang noo nito, tumigil naman agad ako, baka kasi magalit.

" Wala pa naman akong napagplanohang gawin" sagot ko naman dito.

Agad naman nawala ang pagkunot noo nito. Bakas naman ang tuwa sa mukha nito.

"Bakit? May ipapagawa ka? Magpap---"
Natigil naman ako sa pagsasalita ng sumapaw ito.

" Iimbitahan sana kita na doon maglunch sa bahay, birthday ni papa may konting handaan. Kung okay lang naman sayo." Nag Iwas naman agad ito ng tingin, saka tiningnan ang hawak na phone, saka tumingin ulit sa akin.

" Sure. Hindi ako tumatanggi ng grasya." Pabiro ko naman na sabi.

Teka, ano ulit pangalan nito? Kanina pa kami nag- uusap di namin alam pangalan ng isa't-isa. Well kagabi din pala.

Nilahad ko yung kamay ko para sana  magpakilala ngunit umatras ito ng konti. Natawa naman ako sa reaksiyon niya, akala niya siguro may gagawin akong pisikal na makakasakit sa kanya.

" Drey Credo pala" medyo natatawa pa din ako ng sabihin ko iyon, natatawa kasi talaga ako sa reaksiyon niya.

Humugot muna ito ng napakalalim na paghinga saka natatawang tinangap ang nakalahad ko pa din na kamay.

"Kieran Cartel, akala ko sisikmuraan mo ako." Natatawang sabi naman nito.

"Bakit ko naman gagawin yun? Baka umiyak ka pa, ang tagal mo pa naman tumahan." Biro ko nito.

"Hala. Sinong walang pinagdaanan pero bigla na lang iiyak? " rebutt naman nito.

"Uy, dinamayan lang kita noh."

Nagtawanan naman kami ulit at magsasalita sana siya ngunit nag ring yung hawak niyang phone.

Tumingin naman ito sa akin na parang nag excuse na sasagutin lang iyong tawag.

"Ma? Po?" Patango tango naman ito .

Pinagmasdan ko lang siya habang nakaside-view sa harap ko. Lumingon naman ito sa akin at ngumiti ng makita na nakatingin ako sa kanya.

"Madami po ba? Ahh. Sino naman kasama ko? Si kuya Martin nandyan ba? Ahh.. Sige. Sige po, ako na lang po. Itext mo na lang po yung ipapabili mo po. Sige Ma." Ibinulsa naman nito yung phone saka humarap sa akin.

"Ahh. Ano... Drey, pupunta na lang ulit ako dito mamaya, susunduin kita. Kelangan ko na umalis, may pinapabili si Mama sa palengke eh." Napakamot naman ulit ito sa batok.

"Ikaw lang ba mamamalengke? Wala naman akong gagawin, pwede naman kitang tulungan magbitbit, baka madami ipinapabili sayo." Pagpresinta ko.

Wala naman kasi ako gagawin saka, alas nueve pa naman.

" Okay lang ba? Madami-dami  din daw kasi , saka walang makakasama sa akin, may mga ginagawa." Nahihiya naman nitong sabi.

"Okay lang talaga. Wait lang." Tumalikod naman ako sa kanya.

"Ma?! May pupuntahan lang  po ako saglit!" Sigaw ko , para magpaalam Kay mama.

Hindi na ako pumasok sa bahay, maririnig naman na iyon ni Mama.

Humarap naman ako sa kanya pagkatapos ko makapagpaalam.

"Tara na? " nakangiti ko pang sabi.

" Huh? Hindi pa sumagot mama mo." Nagtataka niyang sabi.

"Okay na yun. Tara." Sabi ko.

Inistart niya na yung makina ng motor pero Hindi pa din ako umangkas, may naisip kasi ako, nahiya lang akong magsabi.

"Kieran?"

Nagtataka naman itong napatingin sa akin.

"Bakit?"

"Pwede ako magdrive? Astig kasi ng motor mo." Nahihiya ko pang sabi.

May hiya rin naman ako ano, kahit pa masasabi ko medyo may kakapalan na din.

"Sure, medyo nangalay din braso ko ih, nagbuhat kasi kami ng case ng softdrinks kanina."

Nawala naman yung hiya ko kuno, pumayag na ih. Astig kasi talaga ng motor niya, kahit pa may motor naman din ako.

Bumaba naman siya saka pumuwesto na ako sa unahan para magdrive, saka umangkas naman siya agad.

"Saang palengke ba? Sa pinakamalapit lang ba?"  Tanong ko nito.

Sumangayon naman ito saka pinaandar ko na ang motor papunta sa palengkeng pinakamalapit.

"Baka mahulog ka ah?" Biro ko, di naman ako mabilis magpatakbo, hindi rin naman kami nagmamadali. Hindi ba? Well, siguro naman Hindi.

_-----------

If You Tell (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon