Chapter 11

34 1 0
                                    

Author's Pov

Nawala si gabriel sa simbahan nung oras ng misa at biglaan na lamang siyang napunta sa itaas, sa kung saan nandoon ang lahat ng mga anghel..

''Pinuno? biglaan naman ho ata? may kailangan po ba kayong ipagawa?''

Aniya ni gabriel sa pinuno ng mga anghel.

''Pinatawag kita sapagkat may nilalabag ka na atang batas at mukhang nakakalimutan mo na iyon...''

Saad ng pinuno nila sa malalim nitong tinig.

''Batas po?''

Buong pagtataka kunwari ng anghel kahit na alam na alam naman nito ang batas na kanyang nilabag.

''Tama, batas nga. Ito pa man din ang pinaka mahalagang batas na ipinagbabawal ko, hindi ba't ilang ulit kitang pinagbilinan tungkol sa bagay na ito bago kita ipadala sa lupa? ''

Napayuko nalang si gabriel dahil sa kahihiyan na kanyang nagawa dahil na din ipinasawalang bahala niya ang bilin at mahalagang batas sa mga anghel.

''Patawad po pinuno''

Tumungo ang anghel sa kanilang pinuno upang pagbigay galang dito.

''Sadya ho lamang hindi ko mapigilan ang--''

Naputol ang kanyang salita ng putulin ito ng pinuno, napatingin siya dito ngunit puro liwanag lamang ang kanyang nakikita at tinig nito ang kanyang naririnig.

''Hindi mapigilan? ganoon na lamang ba ang labis na pagpapahalaga ang iyong nararamdaman sa mortal na iyon? hindi ba't ang iyong misyon lamang ay gabayan at ilayo siya panganib?''

Walang naging tugon si gabriel sa halip ay natungo na lamang muli ito.

''Pagkakalooban kita ng isa pang pagkakataon para pigilan ang dapat na iyong pigilan Pinagbigyan na kita noon sapagkat may kakayahan ang mortal na iyon na makita ka at isa rin yun sa batas pero pinalampas ko iyon sa pagkakataong ito makakaasa ba ako na magagampanan mo na ang iyong tungkulin sa lupa? ''

Matagal bago ang naging tugon ng anghel sa pinuno para bang pinag-isipan pa niyang mabuti ang sagot sapagkat hindi niya maipapangako sa pinuno na maaayos nga niya itong magagampanan.

''Makakaasa po kayo''

Lumuhod ang anghel at nagbigay pugay ito sa mahal na pinuno ng lahat.

Sa isang kusap lamang ng mata ay muli na siyang nakabalik sa lupa, ngunit mukhang mas matagal ang oras sa itaas kaysa sa lupa at natagalan na naman ang kanyang pagkawala gaya na lamang noong bata pa si chanel,

Hindi na niya naipaliwanag pa sa noo'y musmos pa lamang na si chanel kung bakit siya nawala ng ilang araw sapagkat hindi rin naman ito maiintindihan ng musmos pa nitong pag-iisip..

Sa ngayon nag-iisip na siya na pwedeng idahilan ngunit ayaw naman niyang banggitin dito ang tungkol sa pinaka mahalagang batas na kanyang nilabag.

(Author: Ang mga batas po na pinagsasabi ko ay pawang gawa-gawa ko lamang, wala po akong balak baguhin ang tunay na batas sa itaas, maraming salamat! aish nosebleed sa tagalog XD HAHA)

Baekhyun's Pov

Ilang araw ng napaka lungkot ni chanel sa di malamang kadahilan, teka? nahawa na ata ako kay author-nim ah? -_-

So ayun nga, ilang araw na siyang wala sa ulirat..

Napagsabihan na naman siya ni ms. kate kasi lumilipad ang isip niya.. Na parang ang lalim ng iniisip.

My Guardian AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon