Chapter 11

70.3K 460 10
                                    

Heto na po ang update.. sorry talaga.. nawalan ako ng connection kagabi eh.. :3

Last Chapter na ito .:) at ending and epilogue nalang.. Gora na po sa pagcocomment.. parang awa na po ninyo..

Pakicheck din po yung new story ko na : Siya Na!!!!

************************************************************************************************************

Chapter 11

Ashley's POV

Magwawalk out na talaga ako! Ano ba ito? Bakit nga ba ako nagseselos. Eh alam ko naman na ako na ang pakakasalan niya eh. Pero bakit ganito ang nafifeel ko. Ang bigat sa pakiramdam. 

Tumakbo ako at buti nalang meron akong nakitang taxi kaagad. Dali dali akong sumakay at iniwan ko siya. Nakita ko siyang sumakay sa kotse at aktong hahabulin niya ako,.

"Mamang Taxi, pakibilasan po ng konti. Please. Dalian niyo po"Sabi ko sa driver.

"Aaahhhhhhhhhh!!!!!!!"

Hindi na nito naituloy ang kanyang sigaw, dahil bigla silang sinilaw ng isang napakaliwanag na ilaw. 

Hindi na alam ni Ashley ang sumunod na nangyari. 

Kevin's POV

" Si Ashley? Nasaan na siya? Okay po ba siya?" sunod sunod na tanong ko sa Mama ni Ashley,


Hindi ko na nasundan ang sinasakyan na Taxi ni Ashley dahil sa bilis ng patakbo. At parang iba ang tinahak nilang daan.

"Iho, anong nangyari? akala ko ba ay kasama mo siya? at bakit ngayon nasa taxi daw siya ng matagpuang walang malay at sugatan?"patuloy na pagiyak ng mama ni Ashley.

"Patawad po Tita Amanda. Ako po ang may kasalanan. Nagkaroon po kami ng pagtatalo kanina. Nagwalk out po siya Pinilit ko pong hinabol ang sinasakyan niyang taxi pero napakabilis po nila at hindi ko na po sila naabutan"

"Wag mong sisihin ang sarili mo iho, Aksidente ang nangyari"Sabi ng Papa ni Ashley.

Nahinto kami sa paguusap dulot ng kaluskos na nagmumula sa pinto.

"Sino po ba ang pamilya ng pasyente?"Sabi ng doctor. Sa isip ko doctor siya dahil nabasa ko sa nameplate niya.

"Kami po.Ano na po ang lagay ng anak ko?"Si tita amanda.

"Pasalamat nalang po tayo sa diyos at di po siya napuruhan. Buti nalang at di masyadong malakas ang impak dahil nasa likuran siya. Ipapalipat ko na po siya sa Room 305. Hintayin niyo nalang po siya doon."

"salamat po Doc,"

Nakadama ako ng awa ng makita ko siya na nakahiga sa kama. Dahil bukod sa naka-cast ang braso nito at may benda pa sa ulo nito at puro galos at pasa ang kaliwang pisngi at mga binti nito.

"She has to undergo some tests at kailangan pa siyang obserbahan." Sabi ng doctor.

"Kev,,Kevin"tawag niya ang pangalan ko. Nararamdaman ko ang sakit sa boses niya..

"Ashley andito ako. Sorry mahal ko. Pasensya kana"

"Kevin gusto ko ng umuwi, "si ashley

"Nagugutom ka ba? Sabi ng doctor baka bukas ka na daw makakauwi. hihintayin pa ang mga lab results mo."awang awa ako sa sinapit ni ashley.

"Mabuti naman ang lagay ko, huwag kang mag-alala. Si mama?" 

"Umuwi muna sila para kumuha ng gamit mo. ako muna magbabantay sa yo"

"Yung nangyari Ashley,, pasensya kana.. di ko expect na ganun ang magiging reaction mo." 

":eh sino ba yung cupcakes na yun?" Si ashley.

Hinawak ko ang kanyang kamay at hinagkan ito.

"Ang baby ko selosa talaga. Si Katrina yun. ang kapatid ko.Yun ang tawag ko sa kanya"

"Ano ka ba?! bakit di mo agad sinabi.. kakahiya... :3 " ang cute niya talaga pag-nagbublush.

"Sabi niya sa akin, gusto niyang masali sa entourage sa kasal natin. uuwi daw siya since sembreak naman daw nila. Excited nga daw siya na makilala ka kasi sabi ko pareho kayong mahilig sa makeups and fashion"

"awww.. pasensya kana Kevin ha? Agad akong nagselos.. ikaw kasi eh. hmp!"

Hinalikan ko siya sa ilong at sabay bulong.. " Wifey, magpagaling kana.. may utang kapa sa akin.. remember?!"

At bigla niya akong hinampas ng kanyang kamay..

Napuno ng tawanan ang hospital room.. tawanan at lambingan..

******************************************************************************************************

Comment and vote  na mga guys! :) please please please..

His Bed.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon