Chapter 14: Kwentong AlRie [charing na loveteam]

159 9 10
                                    

Chapter 14: Kwentong AlRie [charing na loveteam]

[ At dahil 14 chapters na po ang JLF, si Kuya Al naman ang magp’pov. It’s your time to shine Big Bro Aldred Gian Romero! ^^ Paalala: saksakan ng gwapo ang kapatid ni Mira, i-kimkim muna girls ang malalanding ego! Haha. Keep reading! –MBBB]

*ring tone*

“don’t waste your time on me

You’re already the voice inside my head.”

“Hi Baby, napatawag ka. Something wrong?” napatawag bigla si Monique habang nags’shave ako. Mas gusto ko kasi yung malinis tingnan kesa yung mga bigote na akala mo si Mr. Suave. Shempre, I have to keep my reputation squeaky clean. CRUSH NG BAYAN + CLASS TOP 1 + SPORTS JOCK + TALENTED TEEN = Aldred Gian Romero.

Kilala niyo naman siguro ang kapatid ko. Yung manang na si Mira. Shh! Atin lang yun, walang laglagan mga brad! :D

“Wala lang. Namiss kita baby. Masama na ba tumawag sa’yo?” Tch. Ang cheesy talaga ng girlfriend ko. Hind ko ng maintindihan kung bakit ayaw ni Mira sa kanya. Gusto ko pa naman sana matuto si Mira ng pananamit ni Monique. ANG BADUY KAYA NI ALMIRA! -____- Ka-frustrate lang eh.

Naaalala niyo pa yung bet namin ni Mira? Tss. Hindi niya ako maiisahan! Haha.

“Hindi naman. Haha. Miss you more Baby. Oh sige, kita na lang tayo sa mall maya ha? Text kita. Magb’basketball lang kami. Bye Baby!” Saturday ngayon kaya walang pasok. Atat ako magbasketball eh. Haha.

“ALMIRA! BUMANGON KA NA JAN! TANGHALI NA.” Batang yun. Tulog mantika na naman. -_- tumataba na yun. Pramis.

“manang, pagluto mo na lang si Mira pag-gising ha. Salamat!” Mabait po ako Big Bro. Ibinilin ko na lang kay Manang yung pagkain ni Mira. Gusto ko na magbasketball eh.

Papalabas na ako ng bahay suot ang black and red jersey na may number 12 sa likod at nakasulat ang ALRIE.

Psh. Asan ba kasi yung mga jersey ko. Bakit ito pa ang nandun? Tssss! -_____-

Since nasa subdivision kami, may clubhouse at may basketball court. Dun kami naglalaro ng mga barkada ko. Tagal nang hindi ako nakapag-laro ah!

Magkokotse ba ako o hindi?

Hmmm.

TOSS COIN! Haha. Mahilig ako mag-rely sa fate. Kaya toss coin ang palagi kong ginagawa pag undecided ako.

Heads – NO

Tails – YES

*flips coin*

SHICKS! Napalakas pag-toss ko. -____- Hindi ko nasalo.

Pumunta naman ako sa kung saan napunta yung coin, yumuko ako para pulutin.

TAILS! Haha. Magc’car ako. Phew.

Bago ko pa iangat ang ulo ko, sa peripheral view ko, nakakita ako ng babaeng naka-black and red din na jersey.

“AYY BUWAYANG BALIW!” sigaw nung babae nung matapilok siya. Hahaha. Ang clumsy! Reminds me of-- ahh. Nevermind.

Naku. Parang masakit yung pagkakatapilok niya, hindi pa rin siya nakakatayo eh.

Tulungan ko?

Hmmm. Since tails, tutulungan ko. GENTLEMAN ‘to ‘no!

Naglakad ako papunta sa kanya.

SHICKS. CHIX TO DRE.

Lintek. Loyal ako kay Monique. Loyal. With the capital L!

Just Like FictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon