Chapter 17: JamRen Day (part 2)

137 7 1
                                    

Chapter 17: JamRen Day (part 2)

Karen’s POV

“I like you, more than I like Mira.”

*sampal*

“Leche ka! Yan na naman tayo eh. Magpapainlove ka. Ako lang ang mahuhulog. Ako lang ang masasaktan. Tae naman James! Ganun ka na ba ka-sama?! Okay lang nga na sabihin mong may gusto kang iba. Pero kung ganito, sasabihin mong gusto mo ako kahit hindi. Isang malaking PAASA lang yan!”

Tumayo ako at nagpakalayo layo sa kanya. Wengya yan! Nakakahiya na ako dito sa EK. Pinagtitinginan na akong parang ewan dito.

“Miss, okay ka lang?” sabay tapik nung Aleng maganda.

Niyakap ko siya ng mahigpit. Sheeet. Nakakahiya!

“Sige. Iiyak mo lang. Gora lang.”

Humahagulhol na ako dito sa iyak. SA GITNA PA NG EK.

“Love problem ba yan teh? Ay jusko. Parehas tayo.” Sabi ni Ate habang hinihimas ang likod ko.

“Alam mo yung feeling na mahal mo pa yung taong pilit ka nang kinakalimutan? Shet lungs ‘no? Palapa natin sa Anaconda.”

Nagawa ko ring mag-salita sa wakas.

“Eh pano teh yung feeling na pinapaasa ka sa wala ng guy? Ang masakit pa, mahal niya yun bespren mo.” Patuloy pa rin ang pag-iyak ko. Basang basa na ang checkered shirt ni Ate.

“Ayy. Ang ganyan teh,  inihahapas sa barricades ng EK, isinasabit sa anchor’s away at ibinibitay sa ferris wheel. Aba. Sa ganda mong yan?! Pang-optional lang? No no no no. BIG NO.”

“Okay lang sa’kin teh na optional, wag niya lang ako papaniwalain sa mali. May difference naman diba? Huhu” Feeling ko super close na kami nito eh. Huwew. Haha. Nakakahiya talaga ako.

“Ang beauty mo teh na pang-KPOP, hindi pwedeng optional lang. Like duh with diin? Hahayaan mo bang dumami ang tulad mo? Na pinaglalaruan lamang ang feelings ng mga lalaki? Papayag ka ba? Ha? Kung sa sarili mo okay lang, pwes with the s, sa’kin hindi. You’re setting a bad example my dear, dear, stranger.”

Tissue nga! Dual purpose. Dahil sa mala-ilog kong pag-iyak at sa nosebleed ko sa mga words of ekek ni Ate Stranger.

Kumawala siya sa yakap at tiningnan ako sa mata.

“Nakakahiya tayo. Umeksena ba naman sa gitna. Shooting? Haha.”

Natawa naman ako sa facial expression ni Ate parang bakla na nakikipag-away. Haha.

“Salamat Ate ha. Kailangan ko lang kasi ng maiiyakan. Salamat at naging unan ka.”

Sobrang nagiging volcano na ang dibdib ko. Konti na lang sasabog na.

“Nukaba. Wala yun. Ganto lang talaga ako ka-friendly. You know. Haha.”

Napayakap ako ng mahigpit. Uhh! Only child kasi ako. Walang kapatid, “sunod-sa-layaw”, spoiled daw. Haiii! Nagtataka nga si Mira kung pano kami naging besties eh. WE ARE SUCH DIFFERENT PEOPLE. Tapos ngayon nasa jeopardy yung friendship naming dahil sa isang lalaki?!

Sooo stupid. But I’m too desperate to hold back.

Ang tanging paraan na lang, ma-derail ang attention ni Mira palayo kay James. Sigh. Selfish kung selfish but that’s the only way.

Tutulungan ko si Nathan or maybe si Tyler kay Mira.

But I think Tyler does not need my help. I mean, hindi kami close. Mehe. Si Nate na lang ang tutulungan ko. GAME!

Just Like FictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon