Lizzanne’s Dreaming of You
Bago ko simulan ang kwentong ito nais ko muna pong ipabatid sa lahat nang nagbabasa na LAHAT PO NG NILALAMAN NG KWENTONG ITO AY PAWANG KATHANG ISIP LAMANG. Ang mga katauhan, pangalan at mga lugar ay pawang kathang isip lamamng ng may akda. Maraming salamat po nawa ay inyong maibigan….
Ito ang unang pagkakataon na ako ay magsusulat kung kaya huwag po nating husgahan…
*******************************
Chapter 1: The Dream
“wow! Ang ganda naman ditto” bulalas ko habang nakatingin sa napakagandang kapiligiran na bumubungad sa aking harapan. May malaking lawa na kung saan mny mga ibon na naglalaro. May mga lumilipad sa ibabaw ng malinaw na tubig, habang ang iba nama’y lumalangoy ditto.habang ako heto nakaupo sa isang bench na nakaharap sa lawa. Narinig ko ang mga ibong umaawit sa mga punong kahoy na nakapalibot sa akin. Napapikit ako ng aking mga mata habang dinadama ang malamig na pang-umagang hangin. Sadyang napakaganda rito. Lord nasa langit na ba ako at ito ba ang paraiso mo? bigla kong nasabi sa aking sarili nang ma-realize ko na ang lugar na ito ay imposible sa katotohanan.
“Ang ganda dito ano?” biglang sabi ng lalaking katabi ko. Wow may kasama pala ako at sino naman ito. Sabay lingon ko sa kanya ngunit wala akong masabi My God ang gwapo kasi niya. At nakangiti siya sa akin ngayon ano ba ang dapat kong sabihin sa ganito ka-gwapong lalaki.
“ o bakit parang natulala ka na riyan.” Muli ay tanong niya half smiling.”ikaw ba ay natulala sa kagwapuhan ko o muka akong multo” dagdag pa nito.
My God ano nga bang isasagot ko gwapo na sana pero mukhang mayabang hmp gumising ka na nga Lizzanne. Kaya imbes na sagutin siya ay ibinalik ko na lang muli ang tingin sa lawa.
“huh!” bigla na lang niya akong inakbayan nang walang ano-ano at dahil don bigla akong napatingin sa mganda niyang mga mata na sobrang lapit na sa akin.
“ang ganda dito sweetheart ano?” na sabi nito na pinatas-baba pa ang mga kilay. “nagustohan mo ba dito sweetheart kasi ako heto ang paborito kong lugar.” Dagdag pa nito.
Napa-nod lang ako sa mga sinabi niya kasi mas maganda pa ang mukha ng kaharap ko kesa sa lugar. Hay ang sarap naman mabuhay dito sariwa ang hangin, hindi matao, at mayroong gwapong kadate gaya nang nasa harapan ko naun. Hmmmm!
“o sweetheart ha baka matunaw ako sa mga titig mo” muli ay salita na siyang nagpabalik sa akin sa katinuan.
“Bakit nga pala sweetheart ang tawag mo sa akin?" tanong ko sa kanya na nakakunot ang noo.Ngunit bakit ganun bigla nalang lumungkot ang kanyang mata. biglang nagbago ang kanyang aura. bakit kanina ang saya niya at ngayon parang ang lungkot na niya. Parang gusto ko tuloy bawiin ang sinabi ko, kaya lang kailangan ko nang sagot.
Dahan dahan siyang lumayo at yumuko bago muling nagsalita"Lizanne,hanggang ngayon ba, hindi pa rin ako? alam mo namang mahal na mahal kita Lizanne" tumingin siya sa akin parang naluluha na ang mga mata niya. Nakakaramdam na ako nang awa sa kanya. "hindi mo pa rin ba ako kayang mahalin?" Dagdag na tanong niya ano ang isasagot ko? Bigla niya na lang hinawakan ang kamay ko sabay tumingnin sa akin na hopefully "Lizanne, pwede ba kahit ngayon lang na kasama kita ako lang muna? pwede bang ako lang muna ang laman ng puso't isip mo Pwede ba yun?" nakakaawa na talaga ang itsura niya kaya imbes na magtanong tumango na lang ako nang dahan-dahan. Habang nakatingin pa rin ako sa maganda niyang mukha.
Unti-unti na siyang ngumiti at bumalik na sa dating masaya ang aura niya.
"Ugh" bigla na lang niya akong niyakap grabe talaga ito sino ba ito pasalamat ka at gwapo ka kung hindi baka nasapak na kita. kung masabi ko lang sana.
"sana kasi ako nalang mahalin mo." huminga muna siya nang malalim "hinding-hindi kita pababayaan at sasaktan. hindi gaya nang gago mong boyfren hwag ka nang umiyak ha! Ilove you!" dugtong pa niya.
oo nga pala walanghiyang Bryan yun mahal na mahal ko tapos ipagpapalit lang pala ako sa Brenda na iyon bakit nga ba kasi hindi rin ako sumali sa cheerdance na iyon.
Nilayo niya ng konti ang mukha niya sa akin sapat upang magkatitigan kami "Ilove you Lizanne, Mahal na mahal kita tandaan mo iyan." at unti-unti nang lumalapit ang mukha niya sa akin. napapikit ako pakiramdam ko hahalikan na niya ako nararamdaman ko na ang hininga niya ayan papalapit na nang papalapit i can hardly feel his lips
TOK!TOK!TOK! Malalakas na katok ang nagpadilat sa akin at para akong binuhusan ng malammig na tubig dahil nakahiga parin ako dito sa aking kama. At take note kung ano yung suot kong dumating kagabi siya pa rin ang suot ko. Kalat na rin pala ang make-up ko nang dahil sa kaiiyak ko kagabi dahil nahuli ko si Bryan at Brenda na nag-me-make-out sa likod ng Gym nang ma-iiyak na sana ako ulit ngunit naalala ko ang panaginip ko kagabi. sino siya? Bakit alam niya ang pag-iyak ko? sino ang lalaking yun?
TOK!TOK!TOK!hays ayan nanaman yang katok na iyan sino nga ba yan. Bumangon na ako sa kama at lumapit sa pintuan. pagbukas ko si Ate Leah pala ang kumakatok.
" Okey ka na ba Lizanne! want to talk about it?" tanong niya sa akin.
Umiling iling ako at sinabing " okey lang ako ate don't worry ayusin ko lang sarili ko at baba na po ako."
"sige hintayin na lang kita sa baba." sagot niya. Tinitigan muna niya ako bago siya tuluyang tumalikod at bumaba. muli ko namang isinara ang pinto at tinungo ang banyo upang mag-ayos nang sarili.
==============================
Salamat po sa mga nagbasa...... Sana po magcomment kayo para alam ko po if ano reaction niyo sa kwento ko salamat po........... kahit po laitin niyo oke.y lang po hehehehe
BINABASA MO ANG
Lizanne's Dreaming of you...
Science FictionAno ang gagawin mo kung sa gabi- gabing pagtulog mo ay lagi kang dinadalaw sa iyong panaginip ng isang gwapong lalaki at sasabihing mahal na mahal ka? Eto ang kwento ni Lizanne, laging laman ng mga panaginip niya ang napakagwapong lalaki na hindi ni...