Chapter Eight: Is that you the one I dream of?

7 0 0
                                    

Chapter Eight: Is that you the one I dream of?

Lee Justice POV===================

                Masama ang loob ko naiinis ako hindi ko alam kung bakit. Wala naman akong dapat ikainis kasi nga hindi naman niya ako kilala. Hindi rin naman niya alam ang tungkol sa mga panaginip ko pero naiinis talaga ako. Nakahawak pa sa kamay niya yung lalaki. At ang isa pang kinainis ko ay pinapunta pa pala sila ni Lance dito sa pwesto ko. Hindi ko tuloy alam kung ano ang dapat gawin. I know I’m jealous and so what. Hmp bahala na nga lumapit ang date ni Lance.

                “Hi! Guys mga friend ko pala si Bryan at si Lizanne.” Masiglang sabi ni Erica. Nagtinginan naman ang mga ugok kong kaibigan.

                Tsk

                “Ano ulit pangalang ng Friend mo?” biglang tanong naman ng sabi nitong si Nathaniel.

                “Ah siya si Lizanne” walang anumang sabi ni Erica na nakangiti pa rin

                “Wooah” chorus naming sabi ng mga ito at tumingin sa akin.

                “tsk” at saka ko sila tinignan ng masama. Hay nakakainis talaga.

                “ Hi! Lizanne Bryan maupo kayo dito share na tayo sa table total naman kasama kayo ng date ko”sabi naman ni Lance. Alam kong ginawa niya yun dahil nahalata niyang naiinis na talaga ako. Pero ng nilingon ako ni Lizanne hindi ko alam kung paano mag-re-response kaya tinignan ko lang din siya. Pakiramdam ko lumakas ang tibok ng puso ko ng nilingon niya ako sinabayan pa niya ng tango. Pero siyempre ako poker face pa rin. Tsk bakit kasi pumunta siya ditto na may kasamang ibang lalaki. Dapat ako lang kasama niya at dapat sa akin lang siya maging Masaya. Tsk selfish I know but I can’t help it.

                “Nga pala ito naman ang mga barkada ko” sabi ni Lance sabay turo sa amin “ito si Nathaniel, Than for short. Sila naman sina Andrew at Ian” at nakipagkamay naman sila kay Lizanne nilingon pa ako ni Ian na naka-smirk talagang nang-aasar itong mga ito ah. Tsk  “ Siya naman si Brando, iyan namang ayaw tumayo diyan sa gilid si Lee Justice.” At talagang nilingon pa ako kinumpleto pa ang pangalan ko tsk hay lalo lang nadagdagan ang inis ko.

                I’ve never been this jealous, pero ewan ko ba pagdating kay Lizanne she is the only girl that can break my confidence. Pakiramdam ko madali lang siyang maaagaw ng sinuman sa akin. Pinakiramdaman ko lang siya. I can see she’s not comfortable with our crowd. Lingon siya ng lingon sa kasama niya, Bryan nga yata ang pangalan nun. Tsk inip naman kaagad siya kausap nga pala ni Andrew ang boyfriend niya kaya hindi siya pinapansin nito. Tumayo ako lalapitan ko sana siya para may pagtripan ako. Kaya lang bigla na lang siyang tumayo at lumabas. Tsk nakahalata ba siya? Instead na sundan siya kumuha na lang ako ng maiinum ko at uminom ako. Hindi naman sa nagpapakalasing ako. I need to be relax at this moment.

Lizanne’s POV=======================

               

                Dirediretso akong lumabas para makita ko si Brenda. Nandoon nga siya nakatayo sa harap ng The Barland mag-isa lang siya. She looks vulnerable at that moment. She wears a cocktail dress na pinatungan ng bolero and a high heels na bagay sa kanyang maganda at mahahabang legs. Pero hindi maitatago ng magandang forma ang malungkot niyang mga mata.

                Lumapit ako sa kanya at ngumiti. “Halika sa loob. Nandoon na sila para makilala mo din ang mga friends ng date ni Erica.” Yaya ko sa kanya.

Lizanne's  Dreaming of you...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon