Chapter Nine: You speak while you sleep

7 0 0
                                    

Chapter Nine:  You speak while you sleep

Lee’s POV==============================

               

                Nakakarami ng inom itong si Lizanne ah mukhang may problema. Nilingon ko ang mga kasama niya si Erica busy kay Lance. Si Bryan naman ang boyfriend niya may kausap na iba. Parang hindi ko napansin na kasama nila kanina yang babaeng yan. Tsk harapharapan niloloko si Lizanne ng Boyfriend niya, takteng lalaki makalapit nga kay Lizanne. Sige iwan mo si Lizanne at sisiguraduhin kong pagsisisihan mo ang ginawa mo sa kanya at wala ka na ring babalikan. Dahil gagawin ko ang lahat para ako ang mahalin niya.

                Naglakad ako palapit sa babaeng nakakarami na ng inom. Hindi manalang ako napansin na umupo sa tabi niya.

“Nagpapakalasing ka ba?” tanong ko sa kanya ng makalapit na ako.

                “Huh?” tinignan  lang niya ako. Kumuha ulit ng alak at ininom. 

                Hindi ko alam kung ano ang dapat sabihin parang hindi naman ako makapagsimula ng conversation namin.

                “Sabi ko nga nagpapakalasing ka!” naka-smirk pa ako ng sabihin sa kanya yun hindi na lang ako magpapakalasing para may aalalay sa babaeng ito mamaya ano ba yan ang lakas uminom ha! “Okey ka lang ba?” tanong  ko ulit sa kaniya.

                Tumango lang siya at ngumiti sa akin.

                “Justice san dito ang CR. Alalayan mo nga ako papunta dun.” Maya-maya ay sabi niya sa akin “ahaha naiihi kashe ako eh!” nakangiting dagdag pa nito.

Shet ang ganda talaga niya pwede ba hwag kang ngumiti ng ganyan baka mahalikan kita.               “Halika at aalalayan kita.” sagot ko na lang sa kanya na sinabayan ko na ng tayo.

                Tumayo na rin siya. Pero akmang matutumba na siya kaya nagmadali na akong mahawakan siya upang hindi siya tuluyang matumba. Nakahawak lang ako sa kamay niya baka kasi may magawa akong iba sa kanya. Bigla naman itong tumawa.

                “Bakit ka tumatawa?” biglang tanong ko.

                “Hmp shungit mo! Pero tignan mo inalalayan mo pa rin ako kahit mashungit ka.” sagot niya sa akin habang nakayuko siya. Nakapasok na si Lizanne sa CR ng makita ko naman si Linda ang unang babaeng nakasundo ko sa lahat ng bagay. Kaya hayung nagkwentuhan kami ng kaunti. Ngunit nahagip ng mga mata ko sina Bryan na palabas na ng Bar.

                “Linda iwan muna kita ha titignan ko lang yung kasama ko” nagpaalam na kaagad ako kay Linda para tignan kung okey lang si Lizanne.

                Ano ba namang klaseng lalaki ang kasama niya basta na lang siya iniwan dito sa bar. Nadatnan ko si Lizanne doon sa lamesa naming na patuloy pa rin sa pag-inom. Dahan-dahan akong lumapit, hindi ko kasi alam kung paano ko sasabihin ang pag-alis ng dalawa ng hindi siya masasaktan.

                Napansin kong tatayo siya kaya lumapit ako. Ngunit hindi na siya nakatayo dahil tuluyan na siyang natumba. Automatic naman ang naging pagsalo ko sa katawan niya. Wala na siyang malay ng bumagsak siya sa bisig ko marahil dahil sa dami ng nainom niyang alak. Binuhat ko siya at inihiga sa sofa nag-eenjoy pa kasi sila Erica at Lance sa Dance Floor kaya hihintayin ko muna sila.

                “hmmn” gumalaw ito ng kaunti. Sobrang sama siguro ng loob niya ngayon. Parang ito yung nasa panaginip ko. Tama umiiyak siya noong nuna ko siyang napanaginipan.

Lizanne's  Dreaming of you...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon