Chapter Four: Library Dream and Break-up
Library============
At dahil inis na inis ako sa inkwentro namin ni Bryan sa Canteen heto ako at dito pumunta sa College Library namin siguro naman hindi na niya ako susundan dito. Ano ba kasi ang iniisip nang lalaking yun at mukhang ako pa talaga ang may kasalanan sa nangyayari sa amin hay naku wag ko na nga siyang issipin.
Mukhang kokonti lang naman ang tao dito ngayon. Lumapit ako sa shelves na may nakalagay na "Literary". Tumingin ako ng mga titles ng book. " Ano nga kaya ang magandang basahin dito" may nakita akong mga novel books kaya doon naman ako lumapit. May isang librong nakakuha ng atensyon ko "Wife for Hire" mukhang maganda ito ha!" kinuha ko nga ang libro at naghanap nang mauupuan. Nakakita nga ako ng pupuwestohan sa sulok para hindi gaanong pansinin.
Nang makaupo na ako agad kong binuklat ang libro at nagbasa. Ilang sandali pa nga at nahook na ako ng sobra sa binabasa ko at tuluyan nang nawalan ng pakialam sa paligid ko.
After a few minutes mukhang may umupo sa upuang nasa harapan ko. Ngunit hindi ako nag-abalang silipin kung sino man ito. Ilang sandali pa umuga ang lamesa "malikot itong nasa tapat ko ah!" sabi ko sa sarili ko. ngunit sa kabila ng likot niya hindi ko pa rin nagawang lingonin. Umuga ulit, "mukhang nananadya ang taong ito ah!" puna ko sa isip ko. Nang muling gumalaw ang mesa " Nang-aasar ka puwes maasar ka" inis na sabi ko sa sarili ko imbes na lingunin ay lalo ko pang iniyuko ang ulo ko upang hindi ito makita at tuluyang nang natatakpan ng libro ang buong mukha ko.
Mayamaya may lumitaw na darili sa gitnang bahagi ng libro at kinawit ito pababa upang lumitaw ang aking mukha.
"Aba't-" hindi ko na naituloy ano man ang gusto kong sabihin dahil habang unti-unting bumababa ang libro. Unti-unti ring lumilitaw ang gwapong mukha ni Prince.
Dug dug dug sabi nang puso ko grabe ang gwapo niya at nakangiti siya sa akin. Unti-unti niyang ibinababa ang book as in dahan-dahan tipong super slowmo habang nkangiti at nakatingin sa akin. parang hindi ako makahinga sa sobrang lakas ng tibok ng puso ko. Parang tumigil ang mundo sa paggalaw.
"Prince" tanging nasabi ko.
"Sinong Prince" sabi niya sa boses ni Erica. At unti-unting nagbago ang itsura niya naging mukha nang bestfriend kong si Erica.
Kusa nang dumilat ang mata ko at nakita ko nga si Erica nakaupo sa tapat ko.
" Nasan si Prince?" tanong ko sa kanya.
"Hay naku! Hanggang dito ba naman si Prince pa rin ang laman ng isip mo?" sagot ni Erica sabay kamot sa ulo. "Akala ko pa naman nagbabasa ka ng libro natutulog ka naman pala dyan buti na lang hindi ka napansin ni ma'am Aguilar ang sungit pa naman nun" dagdag pa nito ni sinabayan ng paghalukipkip ng mga kamay.
BINABASA MO ANG
Lizanne's Dreaming of you...
Science FictionAno ang gagawin mo kung sa gabi- gabing pagtulog mo ay lagi kang dinadalaw sa iyong panaginip ng isang gwapong lalaki at sasabihing mahal na mahal ka? Eto ang kwento ni Lizanne, laging laman ng mga panaginip niya ang napakagwapong lalaki na hindi ni...