Chapter Seven: Eye to eye

12 1 1
                                    

Chapter Seven: Eye to eye

Lizzanes POV===================

                “The Justice” sabi ng DJ at umakyat nga ang ilang lalaki sa stage tama nga si Erica mga gwapo sila.

Pero ng magsalita na ang vocalist nila, pakiramdam ko tumigil ang mundo ko. Ang maamo niyang mukha. Ang malamig niyang boses. Dug dug dug ang puso ko tumutunog. Ang gwapo niya sa personal. Hindi ko na narinig ang paligid ko tanging siya lang ang nakikita ko. Siya na alng ang tanging laman ng isip ko. Ang lakas na ng tibok ng puso ko tanging tibok ng puso ko at mukha niya ang iniisip ko. Si Prince nasa harap ko. Prince ng buhay ko. Ang lalaking nagpahinto  ng buhay ko. Tumingin ako ng diretso sa kanya mata sa mata at sa tingin ko ganun din siya. Kinakausap ba niya ako? “mahal kita Prince” tanging nasabi ko.

Wala akong naintindihan sa buong kanta niya hangang sa matapos siyang kumanta ni kumurap hindi ko ginawa. Ni hindi ko naisip kung ano nga bang itsura ko habang nakatingin ako sa kanya.

“Anong nangyari sa iyo? Mukha kang namaligno?” sabi ni Bryan na siyang nagpabalik sa akin sa katinuan.

“Ano nga ba yung kinanta nila?” tanong ko sa kanya na hindi pa rin inaalis ang tingin ko sa kanya.

“Hay naku! Ano bang nangyayari sa’yo” sagot niyang sumimangot.

Tuluyan nang tumalikod si Prince kinausap ang mga ka banda niya. At nang humarap siya iba na ang aura niya. Parang malungkot na ang mga mata niya na may halong konting galit. Hay anu bay an kung ano-ano na ang naiisip ko siguro imagination ko lang yun….

Nilingon ko si Erika ang bruha tuwang-tuwa ni hindi ako pinapansin. At dahil nga nakabalik nba ako sa reyalidad nalala ko na ang hinihintay ko si Brenda sana naman makarating yun. Lumingon ako sa paligid wala pa rin siya.

“This song is dedicated to someone who has a special place in my heart.” wika ni Prince. At muli na siyang kumanta

Nakaupo s'ya sa isang madilim na sulok
Ewan ko ba kung bakit sa libu-libong babaeng nandoon
Wala pang isang minuto
Nahulog na ang loob ko sa 'yo.

Deretso pa rin ang tingin niya sa mga mata ko. Pakiramdam ko sa akin niya sinasabi ang mga salitang binibitiwan niya. Pero habang nakatingin ako sa kanya lumalakas ang tibok ng puso ko. Bakit ganun natatakot ba ako sa kanya parang hindi ako makapagsalita at makapagreact sa mga nangyayari ang tangin alam ko lang tumingin ng deretso sa kanya.


Gusto ko sanang marinig ang tinig mo
Umasa na rin na sana'y mahawakan ko ang palad mo

Tuluyan ng pumikit si Prince sana pagkatapos nito tuluyan ko na siyang makilala.


Gusto ko sanang lumapit
Kung di lang sa lalaking kayakap mo, ho o-o-oh.

 Muli siyang dumilat at tumingin nmg diretso sa akin. Ano ba itong narar amdaman ko

Dalhin mo ako sa iyong palasyo
Maglakad tayo sa hardin ng yong kaharian
Wala man akong pag-aari
Pangako kong habangbuhay kitang pagsisilbihan
O aking prinsesa ha-a-ah, prinsesa
Prinsesa, prinsesa.

            Nanlalamig na ang mga palad ko. At naririnig ko na ang tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung ano ang dapat gawin. Paano nga ba pakikitunguhan ang damdaming ito.

Di ako makatulog
Naisip ko ang ningning ng yong mata
Nasa isip kita buong umaga buong magdamag
Sana'y parati kang tanaw
O ang sakit isipin ito'y isang panaginip
Panaginip lang.

                Pakiramdam ko kausap niya ako at gusto kong sagutin lahat ng binibitiwan niyang salita. Kapag pumipikit siya pakiramdam ko naman may kirot sa puso niya. Gusto kong sabihin “pwede bang ako na lang ang prinsesa mo?” gulong –gulo ako habang nandito ako. Hindi ako mapakali hindi ba ito ang pangarap ko ang makaharap siya. Pero bakit ganito pakiramdam ko hindi din ako karapatdapat sa kanya. Ang gwapo niya ngunit mukha naman siyang suplado.

Lizanne's  Dreaming of you...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon