What you need, to know, is you tried, let it go, let it go.
What you need to find, is someone who will never let you go.
No, and sunshine and city lights, will guide you home,
And no, yeah you gotta know, that I’ll never let you go.🌞🎵🌇
Mula ng gabing 'yon, madalas na kaming nagkikita. Gamit ang hand-held radio habang kausap siya ay natutunan ko kung paano makarating sa Sweet Dreams.
"Ikaw gumawa niyan?" Tanong niya ng buksan ko ang lunch box na naglalaman ng cookies.
"Oo, wala ka bang tiwala sakin?" Ginawa ko ang cookies na 'yan habang wala sila mommy. Nagdinner sila sa labas habang ako nagbe-bake.
"Pwede na kita pakasalan," tanging sabi niya habang ngumunguya.
Mabilis kaming naging close sa isa't isa. At oo, bumalik ako sa papaging palatawa at maingay, pero tuwing kasama ko lang siya.
He's my happy pill and I'm sure about it.
"Hindi ka naman busy sa school?" Tanong niya. "Hindi naman, kagabi pala nung nireview mo'ko, na perfect ko yung quiz kanina!"
"Totoo? Basic," mayabang niyang sabi.
"Ikaw? Busy ka?" Umiling siya.
"Teka, parang gusto kong ayusin 'tong loob," sabi ko.
"Oo nga 'no? Gamitin nating pang-design yung mga dahon sa labas."
We decided to went outside to look for stuffs, "Alam mo bang may dagat dito?"
"Meron? Diba city 'to?" Tsaka ako naglagay sa dala naming box ng mga tuyong dahon.
"Meron nga, marami naman tayong oras eh, kaya ipapakita ko sayo minsan."
Hindi ko alam kung gaano na kalayo ang narating namin, "E," pagtawag niya.
Nilingon ko siya, "Ikaw na ang pinakamaganda na dalaga saking mata..." tsaka niya dahan-dahang inilabas mula sa likuran niya ang hindi ko kilalang bulaklak at inilagay sa gilid ng tenga ko.
Napangiti ako at ramdam ko na naman ang kilig, "Ganito ba ang trato mo sa mga babae?"
"Kay mama, kay lola, at sayo lang. Pero syempre nirerespeto ko mga babae, espesyal nga lang ang trato ko sa inyo," damn. Why so gentleman, J?
"Bakit kasama ko?" Pabalik na kami sa tree house.
"Hindi ko rin alam, basta 'yun na 'yon."
Nagumpisa kaming magdecorate, "May tanong ako."
"Ano?" Maikli niyang sagot.
"Galit ka ba sa papa mo?" Hindi ko rin alam pero gusto kong malaman yung side niya.
"Oo, diba nga gago 'yon?"
"Grabe ka naman, papa mo pa rin 'yon." Bakit kaya sa kaniya nasasabi ko 'to, pero sa sarili ko hindi?
"Iniwan niya kami nung nasa sinapupunan palang ako ni mama."
Natigilan ako, "Wait, ang corny kapag sayo mismo nang-galing yung sinasapupunan na word," natawa naman siya.
"Umiiyak ka ba minsan kapag naiisip mo siya?" Tanong ko.
Tumango naman siya, "Alam mo, kahit gaano ka kasanay sa mga nangyari, iiyak at iiyak ka parin, mahina kasi ang tao." Hindi ko alam kung bakit ang lalim niya sa mga ganitong usapan, minsan mature madala isip-bata, tss.
"Kung sakaling magkita kayo tapos magsorry siya, papatawarin mo?"
"Ewan ko pa," walang gana niyang sagot.
"Ang Dios nga nagpapatawad, ikaw pa kaya?" sabi ko.
"Oo na, papatawarin ko siya. Pero gawin mo rin 'yan sa iba ha?" binalik niya yung sinabi ko.
Ngunit ako mismo sa sarili, magagawa ko ba 'yon kila mommy?
"Love?" Nilingon ko siya. "Ilang gabi na, di mo pa ko sinasayawan ah?"
"Hindi nga ako marunong diba?" Hindi siya nagpatinag at nagpatugtog.
"Sige na, please?" Lumapit siya sakin at alam ko na wala nakong laban.
"Okay! Wait ka lang!" Tinulak ko siya dahil hindi ko kakayanin kapag mas lumapit pa siya sakin.
Maya-maya'y narinig ko ang Without Me ni Hasley. Hindi ko na rin napigilan at nagsimulang igalaw ang katawan ko.
Narinig ko siya tumawa kaya alam kong dismayado siya, "Ayoko na!" Huminto ako at ngumuso.
"Ayan na, chorus na!" Tumayo siya at sumabay sakin sa pagsayaw, "I said I'll catch you if you fall," hindi ko alam kung tama ba yung lyrics.
"Tell me how's it feel, sittin' up there!" Sigaw niya. Tumawa ako, bakit ganito kami kabaliw?
Hanggang sa natapos ang kanta ay tumatawa parin kami, "Ang galing mo nga sumasayaw eh!" Pang-aasar niya. Niloloko lang ako ng lalaking 'to e.
"Utot, 'wag ako," kakatapos namin magtoothbrush at pabalik na kami sa loob.
"Bakit hindi ikaw?" Ayan na naman yung mga mapanuring tingin niya, "Bakit?"
Inilagay niya ang mga natitirang buhok ko sa harap papunta sa tenga ko, "May nagsabi na ba sayo kung gaano ka kaganda?"
Tumango ako, "Si daddy."
"Isali mo na ako," seryosong sabi niya. Ito na naman, hindi ko alam kung kinikilig ba ako o kinakabahan.
Ngumiti siya, "Sobrang kakaiba ka, E."
That moment, I'm so thankful to God to have this feelings for him. Now, I know if he'll catch me if I fall. Well, I already did.
YOU ARE READING
Sunshine & City Lights
Short StoryE is an 18 year-old girl who decided to leave their house that night but someone stopped her. That results to their nightly talks in their favorite spot and unexpectedly, she fell inlove with him. Will they make it last?