Unexpected

5 0 0
                                    

Now we’re headed uptown,
Is their something or nothing that you wanted to say,
Cause I need to go now,
Do you want me to stay?
I said a stay.

🌞🎵🌇

Hindi ko pa rin lubos maisip na kasama ko siya magdamag sa lugar na'yon. Ginising lang niya ako at inihatid sa highway, "Mamayang gabi ulit, dito, gano'ng oras, E." Huling sabi niya bago ako sumakay sa taxi na pinara niya para sakin, "Huwag maglalayas."

Madaling araw na at kitang-kita parin ang city lights.

Pinagiisipan ko na kung paano ako papasok sa bahay, aakyat na naman ako ne'to sa puno.

Nakauwi ako ng maayos sa bahay at agad na nagayos para pumasok. Hindi ko naman siguro schoolmate 'yon diba?

The next next night, "Kain na," kinatok ako ni mommy pero hindi ko siya sinagot

"I said it's time to eat!" Mas lumakas ang katok niya.

"I'm not hungry!" Pasigaw kong sagot.

Hindi ko na siya narinig na magsalita pa kundi ang mga mabibigat na yabag na lamang ng kaniyang paglakad.

Niyakap ko ang unan ko, "Pupunta ba ko do'n?"

Sobrang tagal kong nagiisip. Ni hindi ko alam kung ilang oras nakong nakatunganga sa orasan.

Baka naghihintay siya doon kagabi pa? Tumingin ako sa orasan, it's now 10. Oo, hindi ko siya sinipot kagabi. Malay ko ba kung pinaglololoko lang ako ng taong 'yon.

Agad akong tumayo at nagsuot ng hoodie at nagsneakers tsaka kinuha ang wallet ko. Hindi naman masama kung dadalaw ako, magpapasalamat lang ako sa pagpapagaan niya ng loob ko.

I turned off the lights then went outside just to see him, again.

Dumating na yung grab at nagtataka siya kung bakit sa mismong lugar na 'yon ako bababa.

"Ah, hindi po ako drug pusher kuya," inabot ko ang bayad tsaka bumaba.

Okay so ayon, wala po akong dalang flashlight mga vakla.

"Ah!" Naramdaman ko ang mainit na kamay na nakatakip sa mga mata ko.

"Galit ako sayo," bulong niya. Kung makakadilat lang ako, umirap na'ko.

Dahan-dahan niyang tinakpan ang mga mata ko ng isang panyo tsaka ako hinawakan sa magkabilang balikat.

"Teka, ano ba?"

"Deretso lang," may awtoridad niyang sabi na kaagad ko namang sinunod. Nakaalalay ang mga kamay niya sa balikat ko at oo, nakakapangtaas-balahibo.

"Kahit galit ako sayo, ginawa ko 'to," dahan-dahan din niyang inalis ang panyo sa muka ko.

Namangha ako sa mga bulaklak na nakadesenyo sa gilid ng pintuan at may karatulang "Sweet Dreams, J & E escapes reality" na agad nakapagpa-ngiti sakin.

"Pasalamat ka cute ka, kung hindi..."

Napakagat ako sa ibabang labi ko, bakit ganito? Kinikilig ba ako? No, I'm not.

Iniabot niya sakin ang isang hand-held radio, "Alam mo naman siguro gumamit niyan?"

"Wait nga, pabebe ka ah!" Di ko na napigilan ang sarili ko. Akala mo naman kung sino kung makapagtampo.

"Hinintay kita dito kagabi para lang alam mo, mabuti nalang hindi nalanta 'yang mga bulaklak na'yan kakahintay sayo!" Nasapo ko ang noo ko dahil sa mga sinabi niya.

Sunshine & City Lights Where stories live. Discover now