What you need, to know, is you tried, let it go, let it go.
What you need to find, is someone who will never let you go.
No, and sunshine and city lights, will guide you home,
And no, yeah you gotta know, that I’ll never let you go.🌞🎵🌇
Pagkakain ko ng dinner ay dumiretso agad ako sa Sweet Dreams dala-dala ang project na gagawin ko at magpapatulong ako kay J.Kailangan ko 'tong matapos at hindi ko alam kung matatapos ko magisa kaya naisipan kong dalhin nalang dito.
Malayo palang ako ay naririnig ko ma ang music na pinapatugtog niya. Adik narin siya sa BlackPink, tsk.
"Let's kill this love!" Bungad niya sakin.
"Di nako magtataka kung magiging bakla ka," binaba ko ang mga gamit ko sa sahig tsaka umupo.
Umupo din siya, "Ano 'yan?"
"Magpapatulong ako gawin, tinatamad kasi ako."
Tumawa siya, "Magpapatulong o magpapagawa?"
"Both," ginulo niya ang buhok ko.
Pinaliwanag ko sakaniya ang dapat gawin na agad naman niyang nasundan.
Habang ginagawa niya iyon, nakatitig lang ako sakaniya.
I never knew that I will fall for this man. Ni hindi ko alam ang pangalan niya. Wala siyang nakukwento sakin kundi ang mga gusto lang niyang gawin sa future at ang kaonting impormasyon tungkol sa pamilya niya.
Hindi ko naman hinahangad na sabihin niya lahat ng tungkil sa kaniya dahil baka ayaw rin niyang ipaalam, I'm just a stranger.
Alam niya ang problema ko sa pamilya, at pinaparamdam niyang mahalaga ko. Tinuturing na prinsesa sa lugar na'to.
He's my happy pill. I smiled, hanggang kailan kaya 'to?
Hindi ko alam kung ilang oras na kaming nagkukwentuhan ng kung ano-ano at kapag walang mapagusapan ay tumititig lang ako ulit sakaniya.
"E, gwapo ba ko?" Napayuko ako at tumawa, "Ilang beses ko bang sasagutin 'yan?"
"Gabi-gabi mong sasagutin 'yan. Alam ko namang marami ring gwapo kagaya ko, pero alam ko na mas malakas ang appeal ko kaysa sa kanila," he smirked.
"Napaka-angas mo," yun nalang ang nasabi ko. Palagi naman siyang ganyan e.
"Alam mo, hindi ako swimmer," ano na namang banat 'to?
"So? Share mo lang?" Pambabara ko.
"Pero, na-pool parin ako sayo," tsaka niya sinuklay ang buhok gamit ang kamay.
Natawa ako, "Napaka-corny mo, di man lang ako kinilig," kahit na ang totoo ay kinikilig ako.
"Totoo? Di mo na ba ko lab?" Binitiwan niya ang mga papel.
Tinaas ko ang kilay ko, "Tampo ka na niyan?"
Tumingin siya sakin, seryosong tingin.
"Uuwi na'ko," at doon ako humagalpak ng tawa.
"Bwisit ka, napaka-isip bata!" Narinig ko na rin siyang tumawa pero lumabas siya.
Tumayo ako kahit masakit ang tiyan ko kakatawa, "Hoy!"
Tumakbo naman siya agad, "Suyuin mo'ko, lambingin mo'ko!"
Natawa na naman ako. Pambihira, magpapahabol pa 'to eh anong oras na?
"J, wala akong oras para sa habulan! Yung project ko!"
Maraming puno pero nakikita ko parin siyang tumatakbo.Para kaming mga bata na naghahabulan habang tumatawa.
Hanggang sa dumating ako sa lugar na may string lights na nakahugis puso.
Nakatayo siya roon sa gitna at may malawak na ngiti.
"Ano na naman 'to?" Lumapit ako sakaniya.
"Magiging sweet at corny na naman ako," hinawakan niya ang kamay ko, "Bakit zigzag ang isaw?"
"Bituka 'yun ng manok e," umiling siya at inilapit ang ulo niya sa tenga ko.
"Kasi gusto kita," bulong niya.
"Ha?"
"Di mo gets? Di ko rin gets," tsaka siya tumawa.
Napailing nalang ako. Baliw na ang lalaking 'to.
"Teka, nandito yung instax ng pinsan ko e," kinuha niya yun at agad na kinuhanan ako. Yung mala-stolen ba?
"Ang ganda mo talaga," nakangiti niyang sabi habang nakatingin sa litrato.
Hindi ako nakasagot agad dahil agad siyang umakbay sakin at pinindot ulit ito. Kung ano-anong pose ang ginawa namin, kasali na do'n ang biglang paghalik niya sa pisngi ko na nakapagpatayo ng balahibo ko.
"Wait love, last na," pinahawak niya sakin yung instax at nagulat ko ang pinatungan niya ako ng string lights palibot sa ulo ko.
"Tapos harap ka do'n," pinatalikod niya ko at nakita ko ang dagat kasabay no'n ang unti-unting liwanag na hudyat ng pagtaas ng araw.
Napangiti ako kahit na alam kong hindi naman niya makukuhanan 'yon. Basta masaya ako, na sa kahit gantong oras siya patin yung kasama ko.
Walang problema, walang iniisip na susunod na mangyayari. Puro kami lang, siya lang.
Dahan-dahan niyang inalis ang string lights sa ulo ko, "Tara na? Matulog ka kahit isang oras lang," tsaka niya ginulo ang buhok ko.
Niligpit niya ang mga gamit tsaka kami bumalik sa Sweet Dreams.
"Doon kana sa inyo matulog love, 'wag kanang makulit," tumango ako at ngumiti. Gusto ko yung gantong feeling na may authority siya na pagsabihan ako.
"Let's go," sinara niya ang pinto at hinawakan ang kamay ko paalis doon.
Imagine, walking this late night with him was like we're in our own universe. Wait no, not imagine.
YOU ARE READING
Sunshine & City Lights
Short StoryE is an 18 year-old girl who decided to leave their house that night but someone stopped her. That results to their nightly talks in their favorite spot and unexpectedly, she fell inlove with him. Will they make it last?