Never

2 0 0
                                    

Sunshine and City Lights, oh
Sunshine and City Lights,
What you need, to know, is you tried, let it go, let it go.
What you need to find, is someone who will never let you go.

🌞🎵🌇

It's now 11pm here at Sweet Dreams at kakarating ko lang.

Isang buwan narin kaming nagkikita dito tuwing gabi at gusto kong icelebrate yun ngayon, syempre kasama siya.

Inayos ko ang mga lights at yung ginagawa kong ice cream roll. I want this night to be perfect kaya naglagay rin ako ng mga pictures namin.

Midnight na ng matapos akong magayos at tumunog yung hand-held radio.

"E, nasaan ka?" Napangiti naman ako, "Miss mo na ako?"

"Malapit na'ko," kinabahan ako bigla. "Copy that, J."

Agad akong pumunta sa likod ng pintuan, handang iplay ang music na parati naming pinapakinggan.

Narinig ko ang mga mahinang yapak niya kaya pinatugtog ko ang music na kasabay no'n ang pagbukas niya ng pinto.

Dahan-dahan akong tumayo, "It's taking us downtown, you're watching me, watching me go..."

Napangiti naman siya ng malawak. "But I never listen, no I never let you know..." sumunod siya sa pagkanta tsaka ko siya hinila sa terrace at pinakita ang inihanda ko.

Tuloy parin kami sa pagkanta hanggang sa hilahin niya ko at ibaba ang magkabilang braso niya sa bewang ko.

"Alam mo ba?" Nakatitig lang siya sakin.

"Alam mo ba na you're my sunshine  everynight?" Oo, kinikilig ako.

"Sunshine? Tapos gabi?" Tumango siya at ipinatong ang noo niya sa noo ko, "Cause I need to go now, do you want me to stay?" Sinabayan niya ang kanta.

Wala sa sariling tumango ako, "Stay forever, J."

Hinawakan niya ang pisngi ko at marahang hinaplos, "I love you, so damn love you," he whispered.

Doon ko naramdam ang sobrang saya at kilig, "I love you too, J."

Hinalikan niya ang noo ko, "Too many city lights but I have you, my sunshine." Napakagat ako sa labi ko.

Bumagsak ang tingin niya sa labi ko, "Hahalikan kita," tumawa ako.

"Walang paalam?"

"Never," at naramdam ko ang labi niya sa labi ko.

Unang halik ko sa taong mahal ko. Halik na hindi gumagalaw, matagal lang na nakahinto sakin at kontento na ako don. Kontento na'kong malaman na mahal niya rin ako, na gusto niya ako, na ayaw niyang mawala ako.

Mas humigpit ang yakap niya at ipinatong ang ulo niya sa balikat ko.

"Huwag mo na namanng papaduguin 'yang labi mo, hahalikan ko 'yan ng wala sa oras."

"Eh bakit kanina? Dumugo ba?"

"Hindi, gusto ko lang." I want this to last.

Inaya ko na siyang kainin yung ice cream roll, "Ang sarap, parang labi mo."

"Boset ka, manyakis." Tumawa ako.

Umurong siya sa tabi ko, "Love?" Ayan na naman siya, manlalambing na naman tapos kapag di ko sinabayan sasabihin na namang ayoko na sakaniya, tsk baliw.

"Hmm?" Sagot ko dahil kumakain ako ng roll.

"Kailan kita liligawan?" Uminit ang pisngi ko.

Sa tinagal-tagal na namin dito, ni hindi ko inisip na manliligaw pa siya. Parang kami narin naman kasi, hindi naman sa easy to get pero sanay na ako sakaniya kaya siguro ganon nalang ang nararamdaman ko.

"Wag mo na sagutin dahil sa susunod na magkita tayo, liligawan na kita."

"Bukas ng gabi na ba 'yan?"

"Basta, ako na bahala do'n." Tapos na kaming kumain kaya humiga kami at muli na namang minamasdan ang ang mga buildings na tanaw dito.

Hinawakan niya ang kamay ko at hinalikan. "Ang liit ng kamay mo," akmang kukunin ko pero pinagsalikop niya ang mga daliri namin.

"Ganito rin magiging kamay ng anak natin," tumawa na naman siya.

Humarap siya sakin at binuhat ang ulo ko tsaka ipinatong sa dibdib niya. "Hindi ko inaasahan na sasaluhin mo ako," I whispered.

"Always kitang sasaluhin," niyakap niya ako.

"Good mornight, love." Tsaka ako pumikit.

Walang kami. Hindi kami. Hindi ako sigurado pero sumugal ako, gano'n ba talaga kapag nagmamahal?

Naalimpungatan ako at nagulat ako ng wala siya sa tabi ko.

Tumayo ako at nilibot ang buong tree house para hanapin siya.

Dinambot ko agad ang hand-held radio, "Hello, J?"

Walang sumasagot. Anong oras na ba?

"J? Nasaan ka?" Hindi parin siya sumasagot.

Fudge, papasikat na ang araw.

Lumabas ako at wala parin siya. Kahit ang mga lugar dito na napuntahan namin ay wala akong J na nakita.

Bumalik ako sa Sweet Dreams, nagbaakasakaling nandoon na siya ngunit bigo ako. Wala akong mahanap na J.

Kukunin ko na sana ang bag ko ng makita ang note.

"E, stop dreaming and wake up. You gotta go, be real. Never go back in here again, until we could be what we want to be..."

Doon na ako napahagulgol ng sobra. Hindi ko apam kung bakit pero mabigat sa dibdib ko yung sinabi niya.

Hanggang dito nalang ang panaginip na'to. Niligpit ko ang gamit ko. Ni hindi ko alam kung bakit ako umiiyak.

Dapat pala nung una palang inisip ko kung totoo ba talaga 'to. Kung hanggang kailan magtatagal ang ganito.

Pinagmasdan ko ang bawat sulok ng Sweet Dreams at kinuha ang mga pictures namin. If this is only a dream, this pictures will serves as souvenirs, a memory.

Lumabas akong muli at sinara ang pinto tsaka pumunta sa highway at umuwi.

"My goodness! Where have you been?" Nagulat ako ng bigla akong salubungin ni mommy sa kwarto ko.

Shit.

"Teka, bakit may sugat?" Napatingin ako sa braso ko, saan ko nakuha 'to?

"What happenned?" Niyakap ako ni mommy. "Lagi kang nakikita ng papa mo na umaalis ng bahay tuwing gabi at umaga na umuuwi. Tell me, saan ka pumupunta?"

Napangiti ako ng bahagya, "Why do you care, mom?"

Halatang nagulat siya sa sinabi ko, "Because you are my daughter!"

"Pano mo nasasabi sakin 'yan? Do you need something?"

Napatakip siya sa bibig niya, "Anak, just tell me."

"Gusto mo malaman mom? Oo, tuwing gabi umaalis ako dito. Why? To escape reality! To leave those shits with you!"

Tuluyan ng bumagsak ang mga luha niya, "At nagpapasalamat ako kasi sa tagal ng wala si dad, may nakapagparamdam ulit sakin na mahalaga ako. Hindi kayo 'yun, but hell I'm just dreaming!" 

Niyakap niya ko, "Anak, you're special, okay? I'm sorry for making you feel so bad and unimportant..."

Hindi ko na napigilan. Tama ka J, kahit gaano ako kasanay sa mga nangyari sakin, iiyak at iiyak parin ang tao. Wala eh, mahina.

Unti-unting lumuhod si mommy, "Patawarin mo'ko anak," kinagat ko ang labi ko.

"Tumayo ka mom, please."

"Sorry anak, sorry..." Niyakap ko siya. "It's okay, I'm fine now."

Hinalikan niya ang ulo ko, "Babawi ako. I promise, babawi ako."

Thank you J. Thank you for teaching me how to accept things in life. Thank you for making me feel so important. And for now, I will do what you just said. Never go back in sweet dreams and stay real.

Sunshine & City Lights Where stories live. Discover now