Patricia's Pov
Natapos ko na din report ko..
Anhirap talaga pag I.T ang course mo..
Andaming aatupagin! >_<
Tapos idagdag mo pa pagkita ko kanina kay Jun..
Sumasakit nanamab tong puso ko eh! ;(
" Pat .. anong problema? Umiiyak ka nanaman.. shhhhh.." sabi ng bestfriend ko ngayon na si Ellain.
Pinupunasan nya nanaman ang luha ko.. huhu..
Mahal na mahal pa kita jun..
Sobra..
Eh ako? Mahal mo pa rin ba?
" shhhh.. stop crying na Pat..makakasama yan sayo eh.. " ellain
Yumakap nalang akokay bestfriend at sumubsob sa Dibdib nya..
Sobrang sakit lang kasi talaga ang nararamdaman ko ngayon..
Masakit talaga yung mga binitawan kong salita kay Jun noon eh..
Nasaktan ko sya sobra... ;(
Flashback......
Monthsary namin nung time na yun at sa school nangyari ang
Pagtatapos ng relasyon naming dalawa..
Naghihintay si Jun sa may wishing well ng school namin kasi favorite place namin yun..
Lagi kaming naghuhulog ng coin dun at nagwiwish ng lahat nang gusto nming mangyari sa buhay..
Isang lalaking naka longsleeves na white at school pants, may pang 80's na hairstyle at eyeglasses na may malalaking lens ang kinalabit ko ..
" babe.. " sabi ko with a crack voice sa kanya.. naiiyak na ako..
Anhirap sabihin sa kanya ng lahat ng pinipigilan kong sabihin ngayon. ;(
" Happy monthsary babe! I love you so much.. " hindi ko natanggap ang boquet of roses nya, chocolates at malaking stuff toy na binigay nya kundi niyakap ko sya agad at napahagulhol na ako ng iyak...
" huhuhuhu.. I-----i'm sorry babe! But we really need to break up.. huk..huk.. im sorry babe..huhuhu" iyak ko sa kanya
" a----ano? Bakit babe? May nagawa ba akong mali? May hindi ka na ba nagugustuhan sakin? Ayaw mo na ba sa-----sakin??? " sabi nya sabay pinaharap niya ako sa kanya.. iyak pa rin ako ng iyak..
" Magsalita ka babe! Wag mo ako gawing t*nga! " first time nya akong sinigawan nun..
Naiintindihan ko naman sya.. ang sama ko kasing girlfriend..
" i-----im sorry babe.. hindi ko sinasadyang sigawan ka.. im sorry...." sabay hawak nya sa dalawang kamay ko.. umiiyak na din sya
Binitawan ko na ang kamay nya at sinabi ang pinaka worst na salita para sakin at para sa kanya..
" hindi ko ... hindi ko na masikmura ang bagka baduy mo babe... ang itsura mo.. ang pagka duwag mo.. h-----hindi na kita g----gusto..." putol putol na pagsabi ko.. hindi naman totoo yan.. gawa gawa ko lang para kamuhian na nya ako..
Kelangan ko tong gawin para sa Childhood friend ko na may sakit at 1month nalang ang itatagal sa mundong ito..
Gusto nya kasing hiwalayan ko muna si Jun kasi matagal na daw niyang gusto na maging girlfriend ako.. Kahit sa natitirang sandali nalang daw ng buhay nya..
Maranasan nyang maging girlfriend nya ako ..
Diba? Ang hirap ng sitwasyon ko ngayon? Kayo daw sa position ko?
Ang hirap diba? ;(
" ga----ganon ba? Ayaw mo sakin dahil sa itsura ko?? Da-----dahil sa ayos at dahil sa pagkadu--wag ko?
O----ok cge. Kung yan ang gusto mo babe .. ang hiwalayan ako.. wa---wala na akong magagawa.. I'm sorry .. Hindi ko alam na ayaw mo na pala isang katulad ko..
Sawa ka na siguro sakin.. Tatanggapin ko ang desisyon mo babe.. Hindi ako magpipilit.. basta .. ta---tandaan mo lang lagi na Mahal na mahal kita babe.. At hinding hindi ako magsasawang mahalin ka.. I'm sorry...huk..huk..." umiiyak sya habang yakap yakap ako..
Napahagulhol na din ako sa iyak nang kumalas na sya sa pagkayakap sakin..
" G----goodbye babe..I love you so much.. " sabay takbo nya..
After ng break up namin, ako na kasama palagi ng Childhood friend ko... pinayagan ko syang manligaw at sinagot ko na agad sya..
Ang masaklap pa .. Ay hindi sya inabot ng 1 month.. Kumalat na ang sakit nya sa buong katawan nya
.. hindi na nya kinaya..
1 week lang ang pagiging kami..
Napasaya ko daw sya sobra..
At bago sya binawian ng buhay.. nag sorry na sya sakin dahil sa pagka selfish nya.. wala naman syang kasalanan eh.. kaya napatawad ko na agad sya. Gusto nya lang maging masaya sa piling ko kahit sa pinakahuling sandali lang ng buhay nya..
Naging masaya ako dahil natupad ko ang hiling nya..
Masakit na sa mga kamay ko pa binawian si Anthony Roxas...
Ang childhood friend ko na matagal na pala akong mahal..
Ansakit sobra kasi magkayakap pa kami nang mamatay sya..
At ang pinakamasakit sa lahat ay ang pagbigay ko ng masasakit na salita sa boyfriend ko na walang ginawang mali sakin..
Na ang tanging ginawa lang ay Pasayahin at mahalin ako ng sobra sobra..
At anong ginawa ko??
Sinaktan ko lang sya...
Masama ba ako? ;(
BINABASA MO ANG
CSR Academy Hearthrobs
Teen FictionDo you believe that the Academy Hearthrobs became the stalker of yours? Is it a dream or a reality?