G I O R A C E R O
"Gio! Gumising ka na. Aalis na tayo."Napangiwi ang aking mukha nang gisingin ako ni Mom. Naramdaman ko na ang sakit ng litid ng aking ulo dulot ng pag-inom ko ng alak kagabi.
Nag-celebrate kasi kaming magkakaklase dahil sa matagumpay naming naitawid ang Grade 11.
Naniningkit ang aking mga mata bago ko kinuha ang aking phone sa side table at tinignan ang oras.
It's already 11 o'clock in the morning. Nanunuyot ang lalamunan ko at gaya ng mga bagong gising na uminom ay kailangan ko ng tubig. Malamig na tubig.
Umupo ako sa dulo ng kama at kinuha ang Sando kong nasa sahig. Magulo rin ang kama na ngayon ko lang na-encounter dahil sa kalasingan. Hindi naman ako ganito kagulo matulog.
"Sa'n ba tayo pupunta? Sasamahan na naman ba kita sa doctor mo?" Tanong ko kay Mom pagpasok niya sa kwarto. Nagmamadali siyang mag-ayos ng kaniyang mga damit. Kumunot ang noo ko dahil kalimitan niya lang 'yung ginagawa kapag day off niya.
"Hindi. Aalis na tayo dito," tumigil ito sa pag-aayos at saglit akong binalingan ng tingin. "Iiwan na natin ang Dad mo." Parang nawala ang Hangover ko sa mga sandaling 'yon.
"B-Bakit Mom?" Sinuot ko na ang aking sando at tumayo.
Shit! Tingin ko anumang sandali ngayon ay babagsak na ako. Medyo umiikot pa ang paningin ko pero pinilit kong h'wag ipahalata kay Mom.
"H'wag ka nang maraming tanong, Gio. Maligo ka na at mag-ayos ng mga gamit mo." Napansin kong nangilid ang kaniyang mga luha. Tinalikuran niya ako para hindi ko 'yon makita.
"Si Dad na naman ba?"
Naghintay ako ng isasagot niya pero wala akong natanggap.
"Mom! Sagutin mo 'ko." Lumapit ako sa kaniya at tumapat ako sa kaniya. Doon ko nalang nakita ang unti-unting pag-agos ng kaniyang luha pababa sa kaniyang pisngi.
"Sawa na ako, Gio," giit nito. "Hindi ko alam kung ano ang pagkukulang ko at nagagawang mangbabae ng Dad mo."
Kumirot ang aking puso. Alam ko kung gaano siya nasasaktan ngayon. Mahal na mahal niya si Dad na kahit ilang beses niya na itong nahuling may babae ay hindi niya ito hinihiwalayan.
"Okay, Mom. K-Kung 'yan po ang desisyon niyo." Niyakap ko si Mom at diretso akong tumingin sa kaniya pagkatapos. "Mag-re-ready lang po ako."
Ngumiti siya nang mapait. Masakit 'to para sa 'kin at siempre ay doble 'yon sa kaniya. Alam ko kung gaano niya kamahal si Dad.
"Sana hindi ka maging katulad ng Dad mo." Bahagya akong natawa sa sinabi ni Mom kaya't hinampas ako nito sa braso.
"Siempre naman, Mom. Good boy kaya ako," pagbibiro ko. Nakita kong natawa naman si Mom.
"Sige na mag-ayos ka na, bago pa tayo maabutan ng Dad mo." Tumango ako.
Kinuha ko ang maleta sa itaas ng cabinet ko at inilagay na ang mga gamit ko do'n. Hindi nagkasya ang iba kaya 'yung mga hindi ko na naman na ginagamit gaano ay iniwan ko na.
