CHAPTER 4

25 2 0
                                    

Chapter 4: Ice cream

G I O   R A C E R O

"Pagkatapos mo d'yan, 'yung banyo naman ang linisin mo, ha." Napabuga ako ng hangin nang sabihin 'yon ni Ma'am Santos.

Nakaupo ito sa kaniyang working table at busy-ing-busy sa pagpindot sa laptop. Sa tingin ko ay para 'yon sa lesson bukas.

"Yes, Ma'am," tamad kong sabi.

Buong office niya ang pinalinis niya sa 'kin bukod pa do'n sa CR. Hindi man lang niya ako tinanong kung ano'ng dahilan kung bakit ako napamura. . . Nang malakas.

Sabagay, kahit ano mang mangyari sa 'kin ay hindi naman dapat talaga ako nagmura. But. . . Whatever. Nakasanayan ko na, eh.

Pinauna ko nang umuwi sina Chad at Gello na kanina pa pala naghihintay do'n sa labas. Ang sabi ko ay ako nalang ang uuwi mag-isa dahil may kailangan muna akong tapusin.

Buti na nga lang at hindi na nagtanong pa si Gello dahil kung hindi ay wala akong maipapaliwanag.

Hinubad ko muna ang polo ko at saka nagpatuloy sa paglilinis. Mahigpit ang hawak ko sa map habang hinahagod nito ang sahig ng CR.

Nakakainis ang babaeng 'yon.

Hindi man lang nag-sorry. Pangalawang beses niya na akong nasaktan nang walang dahilan.

"Can I go home now, Ma'am? Tapos na po ang inuutos niyo," magalang kong sabi. Medyo basa na ang shirt ko ng pawis at napapagod na rin ako.

Muntikan pa akong madulas kanina sa CR dahil madulas ang sahig. Ang malas talaga ng araw na 'to!

Ibinaba nito ng bahagya ang kaniyang salamin gamit ang kaniyang kanang kamay at saka ako binalingan ng tingin.

"Sure?"

"Yep."

"Mangupo ka, Hijo."

"Yep po." Natawa naman siya sa kapilosopohan ko. Sa totoo lang mabait si Ma'am Santos, talaga lang kailangan niya akong parusahan.

Kinuha ko na ang polo ko at agad na akong pumunta sa room para kunin ang bag ko.

Nadatnan kong bukas ang room kaya pumasok na ako. Halos magkumahog na ako sa loob habang nilagagay ang polo ko sa bag.

Ano'ng oras rin kasi.

Paglabas ko ay ini-lock ko lang room saglit at agad na akong naglakad palabas ng school.

Mabuti nalang at malamig din do'n sa office ni Ma'am Santos kaya hindi ako masiyadong pinagpawisan. Medyo lang.;

Wala ng mga estudyante sa paligid. 'yung tipong kapag nagsalita ako ay maririnig ko na ang sarili kong echo.

"Magandang hapon po. Sa'n po ang sakayan ng tricycle dito?" Tanong ko kay Ate guard na mukhang masiyahin.

Mula pagpasok ko kanina ay nakangiti na ito hanggang sa ngayon na pauwi na ako ay nakangiti pa rin ito.

Gano'n talaga kapag guwapo.

"Paglabas mo d'yan, lumiko ka, tapos pagkanan mo ay nando'n na ang tricycle station. Kung gusto mo naman ay maghintay ka d'yan sa waiting shed, may mga dumadaan din kasing mga tricycle do'n," nakangiting sabi nito. "At isa pa, d'yan sa waiting shed, mas malapit na, mas mura pa ang ibabayad mo," dagdag pa ni Ate guard.

"Ah, sige po, wala na rin kasi akong pamasahe. Doon nalang ako maghihintay sa waiting shed," nakangiti kong sabi.

Dumukot ito sa bulsa niya na agad kong pinigilan.

Just StayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon