Chapter 5: Bullies
G I O R A C E R O
Tawa nang tawa si Gello habang kinukuwento ko sa kaniya ang nangayri kahapon.
Papasok na kami sa school. Ngayon ko lang din nakuwento sa kaniya dahil napagod na ako kahapon.
Matapos kong magpalit kahapon ay kumain na ako at agad na nakatulog dahil sa pagod.
Si Chad naman ay nakahawak lang sa kaniyang backpack habang sumasabay sa hakbang namin.
Kumakain ito ng chocolate na padala ni Tito Simon. Pinagbawalan ko siya pero wala rin akong nagawa dahil pinilit niya si Tita Len na payagan siya.
"Gano'n talaga 'yung itsura niya?" Tanong ni Gello. "Isa pa nga," hiling nito pero hindi ako pumayag.
Ako na ang pinagtatawanan niya, eh. Ginagaya ko kasi ang reaksyon ni Sam nang nakikipag-agawan siya do'n sa snatcher.
"Siraulo ka. Kay Sam ka pa ba talaga natatawa o sa 'kin," lalo itong natawa na tila ba, walang bukas.
"Kay Sam," sabi nito habang pinipigilan ang kaniyang tawa. Paanong hindi mahahalata, eh, lumulobo na ang pisngi niya.
"Gusto mo ipakilala kita sa mga kaibigan ko?" Napatingin ako kay Gello.
"Sige ba," excited kong sabi.
"Mamayang lunch, sa cafeteria." Tumango ako.
Pumunta muna kami ng cafeteria dahil si Chad ay binilhan ko ulit ng pagkain niya sa recess at lunch.
"Oh, h'wag ka ulit kumain at ipamigay mo nalang 'yan sa mga kaklase mo ulit, ha," sarkastiko kong paalala kay Chad.
"Crush ko 'yon, Kuya. Hindi ko lang siya classmate," napakamot nalang kami ni Gello sa ulo.
"Kahit na. Eh, 'di ikaw ang nawalan ng pagkain. Oras na malaman ko ulit 'yang nangyari kahapon isusumbong kita kay Mom." Sinamaan niya lang ako ng tingin.
Buset na bata 'to. Pa'no pa kaya kapag naging teenager na siya. Baka mag-asawa na nang wala sa oras. Joke.
Sinigurado muna namin na nakapasok na si Chad sa room nila bago kami umalis ni Gello.
Naglalakad na kami papunta sa kaniya-kaniya naming room.
"Baka naman kainin ako nang buhay ng mga kaibigan mo," nag-aalala kong tanong kay Gello.
Niluwa niya ang chewing gum sa bibig niya at itinapon sa basurahang nadaanan namin.
"Hindi naman. . . Lulunukin ka lang," napatingin ako sa kaniya.
"Thank you, ah," I said, sarcastically.
"Biro lang, mababait ang mga 'yon. Actually, kasama si Sam sa 'min." Napaawang ang bibig ko.
Si Sam? Kasama sa kanila?
"T-Talaga?" 'di makapaniwalang sambit ko.
"Oo nga. Paulit-ulit?" Natawa ako kay Gello. "Mamaya, ah. Lunch," dagdag pa nito nang matapat na kami sa room ko.
"Yeah. Sure ako d'yan." Nakangiti ako habang naglalakad. Papasok na ako sa pinto nang may makasabay ako at dahil medyo makipot ang pintuan ay hindi kami nagkasya.
"You and you and you, again?" Tanong ko habang siya ay nakakunot ang noo.
Hindi niya na ako pinansin. Ako nalang ang umatras para makadaan siya.
Basa pa ang buhok niya na halatang bagong ligo. Medyo gusot din ang palda niya na halatang minadali sa pagplantsa.
Umupo na rin ako at dahil nga sa kabilang row lang siya ay kitang-kita ko kung paano siya magmadaling maghanap ng kung ano sa bag niya.