CHAPTER 2

37 4 0
                                    

Chapter 2: Papers

G I O   R A C E R O

Dumating ang araw ng pag-alis ni Mommy. Matapos ang mabahang paglalakad niya ng kaniyang mga papeles ay sa wakas natapos na rin.

Magtatrabaho siya sa Canada as Nurse. Nursing kasi ang tinapos ni Mom. Kahit masakit sa 'kin ay wala rin naman akong magagawa. This is for me and Chad.

Matagal na ring nasabi ni Mom 'yon kay Chad na kanina pa tahimik.

Alam kong alam niya na ngayon ang pag-alis ni Mommy. Kanina ko pa rin siya nakikitang nagpipigil ng iyak.

Ang sabi niya kasi ay BIG BOY na raw siya.

"Tutal, Ate Len, 3:00 PM pa naman 'yung flight ko, lunch muna tayo sa mall," ang sabi ni Mom. Nakita kong wala namang nagbago sa hitsura ni Chad. "At siyempre laro na rin tayo sa arcade." Hindi pa rin natuwa si Chad.

Tumingin ako sa orasan sa kanilang sala. 8:00 AM pa lang naman.

"Oh, Sige. Magbihis na kayo at doon na tayo kumain," masayang sabi ni Tita Len.

Matapos naming maligo ay nagbihis na kami. Umupo ako sa upuan sa kusina. Saglit akong nagbukas ng social media account at nang makitang wala namang bago o nakaka-entertain na videos ay nag-out na rin ako agad.

"Oh ano? Dito na talaga kayo mag-aaral?" Napatingin ako kay Gello na kakapasok lang din sa kusina. Inaayos ang kaniyang buhok. "Sana dito nalang, wala kasi akong kasama," hiling pa nito.

"Eh mukhang wala namang balak si Dad na hanapin kami, siguro nga dito na." Nanlaki ang mata ni Gello.

"Talaga?! Yes!" Natawa nalang din ako sa kaniya.

"Sa'n ba 'yung school mo? Baka do'n nalang din kami ni Chad," pag-iiba ko sa usapan. Umupo rin ito.

"Hmmm.... Malapit lang naman. Actually minsan nilalakad ko lang pauwi. Kasama 'yung mga classmates ko slash chicks." Sabi nito sabay kindat sa 'kin. Mahilig talaga siya sa mga babae pero ni minsan ay hindi pa siya nanligaw.

"Marami ba'ng magaganda do'n?" Pabiro ko pang tanong.

"Oo naman, Gio. Madami talaga!" Tawa kami nang tawa nang biglang pumasok sina Tita Len at Mommy.

Napainom tuloy ako ng tubig sa kaba.

"Lumabas na kayo at aalis na tayo," sabi ni Mom habang si Tita Len naman ay may kinuha lang.

"Yes, Mom."

Paglabas nila ay nagkatinginan kaming dalawa at sabay na tumawa nang malakas.

Sumakay na kami sa tricycle at kami ni Gello ang nasa likod. Pinagmamasdan lang namin ang mga nadaanan naming mga bahay.

Nakakatuwang pagmasdan dahil tradisyon na rito ang iba't ibang kulay ng iisang bahay. May kaniya-kaniya rin silang disenyo.

"Buti hindi ka nalulungkot," tanong ni Gello.

Ngumiti ako. Mapait ang mga ngiting 'yon. Sa totoo lang ay hindi ko lang dinadamdam mas'yado pero mahirap para sa 'kin. Ang makita ang kapatid kong umiiyak kakahanap kay Mom.

At h'wag naman sana mangyari; ang aakyat ako sa stage na si Tita Len lang ang kasama ko. Ayokong mangyari 'yon. Pero sino nga ba'ng nakakaalam? Only time will tell.

"Siyempre, nalulungkot din. Pero wala naman akong magagawa, eh." Tinapik-tapik nito ang likod ko.

Natawa naman ako dahil parang siya ang iiwan ng magulang. Mas nakalukot pa ang mukha nito kaysa sa 'kin.

Just StayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon