CHAPTER 3

27 5 0
                                    

Chapter 3: First Day

G I O   R A C E R O

Hindi pa sumisikat ang araw ay gising na ako. Bukod kasi sa gigisingin ko pa si Chad ay nakakahiya rin kung si Tita Len pa ang gigising sa 'kin.

Kahit inaantok pa ay umupo ako sa kama. Ito ang hirap sa paggising nang maaga, 'yung tipong masandal ka lang ulit ay pipikit na ulit ang mga mata mo.

Imbis na sumandal pa ay tumayo na ako at kinuha ang phone ko sa study table. Minabuti ko munang h'wag gisingin si Chad dahil mabilis lang naman s'yang mag-ayos.

Diretso ako sa kusina at naghilamos. Nagpainit muna ako ng tubig bago pumunta sa ban'yo para magsipilyo.

Paglabas ko sa ban'yo ay naabutan ko si Gello na kakagising lang din. Mukhang hinihintay niya akong lumabas sa ban'yo at maghihilamos na rin siya.

"Akala ko tulog ka pa, gigisingin ko sana kayo ni Chad," bungad nito sa 'kin.

"Kailangan magising, eh. Nakakahiya kay Tita o sa 'yo, kung kayo pa ang gigising sa 'kin." Natawa lang ito sa 'kin.

"Ayos nga lang, h'wag ka nang mahiya sa 'min ni Mama."

Lumabas na ako ng ban'yo at siya naman ang sumunod na pumasok. Nagtimpla na ako ng kape at dinamay ko na rin siya.

Ang mainit na kape ang bumuhay sa malamig kong umaga. Hindi ko alam kung bakit pero ang lamig talaga rito.

Hinawakan ko ang baso, ang sarap sa pakiramdam.

"Ano? Excited ka na ba?" Tanong nito paglabas niya. "Excited ka na bang makakita ng mga naggagandahang mga chicks." Kumindat pa ito sa 'kin kaya't natawa ako.

"Siraulo."

Maya-maya ay dumating na rin si Tita Len. May kinuha ito sa ref at ininit sa microwave.

"Ano 'yan, 'ta?" Tanong ko bago humigop ng kape.

"'yung champorado kahapon. Gusto mo ba nito o magluluto ako ng iba?" Agad akong umiling habang nakangiti.

"Hindi na, 'ta! Hindi ako magsasawa d'yan sa espes'yal na luto n'yo," nakangiti kong sabi.

"Gano'n ba?" Tumawa ito. "Gisingin mo na si Chad, maaga kayo ngayon."

Tumayo na ako para gisingin si Chad. Siguradong mahihirapan na naman ako na gisingin siya.

Pagpasok ko sa k'warto ay napaawang ang bibig ko nang makita ko si Chad na kumukuha na ng damit at inihahanda na ang bag niya.

"Whoa... Totoo ba 'to?" Humahanga kong tanong sa kaniya.

Pinaningkitan niya ako ng mata.

"What? Mom is not around. Kailangan kong kumilos nang mag-isa? Right?" Pumunta ako sa kaniya at tinulungan siyang mag-ayos.

Mukhang naiirita pa 'to sa 'kin.

"Aray!" Napabalikwas ako nang suntukin ako nito sa tagiliran. "Bakit?" Tanong ko.

Magkasalubong ang kilay nito.

"Kaya ko na kasi, eh! 'di mo na ako kailangang tulungan," pagrereklamo nito.

"Okay," pakunwari akong sumimangot at sa halip ay aking damit nalang ang inayos ko. Naisipan kong kunwari ay magtampo, dahil alam kong ayaw niya ng ganito ako sa kaniya.

Pasimple akong napangiti. Devil's grin.

Maya-maya ay bigla nalang akong kinalbit nito. Pagharap ko sa kaniya ay umiiyak siya.

Just StayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon