Chapter 7

1K 46 20
                                    

= Chapter 7 =


Kinaumagahan, dali-dali akong pumunta ng eskuwelahan para makita rin nang maaga si Invel. I know how he hates people who are tardy. Kahit man lang maganda ang magiging first impression niya sa akin.

Their classroom is situated at the second floor of the building where we, ABM students are. Nang makapasok ng paaralan, una kong hinanap si Invel, kung dumating na ba siya o wala pa. It's already quarter to seven in the morning, so as to equate my expectations, I take a look at the second floor of our building. There, I saw him inside their classroom, head over his table; as if he was sleeping.

Bumaba na lang ulit ako't bumalik na sa classroom namin. Our class secretary already arrived, as usual, because she's the one who's entrusted with the key of the classroom after all. I can see her sweeping, while bringing a dust pan.

I thought of helping her, so I grabbed a besom-like sweeper from the place where it was put. Hindi niya ako pinapansin. Pakiwari ko, wala sa mood ang babaeng 'to ngayong umaga. Her face seems a bit heaved with frustration. I don't know why, but it would seem rude to me if I suddenly asked her why; where in fact, we're not that close.

When the clock turned to almost 7:20 A.M. in the morning and some of my classmates who just arrived, went to the multi-purpose hall to attend the flag ceremony. Pumunta na rin ako roon, habang dinudusta ako ng ibang kaklase dahil himala raw at napakaaga kong dumating.

"Isang malaking himala!" daing ng isang kaklase ko namang lalaking pala-ulol. Bagay sa personality ang pangalan niya, ulolero–ay hindi pala.

Nagtawanan naman ang iba ko pang kaklase at 'di kalauna'y dumating na rin si Joy. Nagsisimula na rin ang klase. Katabi ko ngayon sa linya ang lalaking pala-ulol na 'yon.

"Uy, ba't ang aga mo yata? Bagong buhay na ba?" bulong pa niyang tanong habang nagdadasal. Aba't ang bastos ng lalaking 'to, a.

"Tumahimik ka nga, kita mo namang nagdadasal pa, e," giit ko. I gritted my teeth in anger. Pinipigilan ko na lang sarili ko't hindi na lang siya pinapansin. Even after the ceremony, he continues to tease me for being able to go to school not as early as he thought.

"Joy, bakit ka nga pala absent kahapon? Are you sick or–"

"Hindi ako nagkasakit. Sadyang may nangyari lang na 'di ko inaasahan sa bahay," putol niya habang papunta pa kami ng klasrum.

"Anong nangyari ba?" pag-aalala ko.

Hindi ko mawari pero kakaiba ang tensyon sa pakikipag-usap ko ngayon kay Joy. Iba ang pakiramdam ko.

Hindi niya ako sinagot at dumiretso na lamang sa kaniyang upuan sa loob ng aming klasrum. Tiningnan ko muna saglit ang schedule ng subjects naming ngayong araw. I got disappointed because we won't be able to meet each other.

Before, I thought I was dreaming that he's finally able to be by my side, although just for the purpose of teaching me. What kind of deal our adviser had with him that he accepted her request to tutor me? He seems like not that friendly to me, though. I hate to say this but the rumors aren't true. He isn't funny at all most of the time, or should I say, all the time.

Gosh.

Now that I've come to think about it, I really know nothing about him; except for those rumors but they're not true in the first place. Hindi ko pa talaga alam kung anong klaseng tao siya. Maybe what I'm getting now from him is just an impression. Ngunit halata namang may pagkasuplado siya.

"Ms. Fabian, are you listening or not?" our male subject teacher asked. "If you aren't, then–"

"I am, sir. I just thought of some things," agad kong putol sa kaniyang pagsasalita. Alam ko na kasi kung saan papatungo 'yon. Like what happened yesterday, a teacher dumped me.

Hanggang ang pinakahinihintay kong oras ay sumapit. "Ang pasko ay sumapit! Nananana–awit!" Napakanta ako nang 'di oras.

"Oy, recess time ngayon. Anong paskong kinakanta mo riyan? Para kang timang," sambit ni ulolero't tumawa ng malakas.

"Can you just leave me alone and get a life of your own?!" halatang galit kong tugon. "I just love to sing. Ano ba'ng masama r'on?"

"Wala, nagtanong lang naman ako kung para saan yung kinanta mo, e. Hindi pa naman pasko ngayon kaya nasabi ko ring para kang timang," lohiko pa nitong sagot habang nakaupo pa rin sa upuan at nagdo-doodle.

"Kalalaking tao, nagdo-doodle," napakamaywang kong bulong sa sarili, tinitingnan siya nang patalim. Nagkatagpo ang mga mata namin nang bigla siyang napapihit sa direksyon ko.

"Ano'ng sabi mo?" he asked, face quite distorted.

"Wala!" hiyaw ko saka iniwan siya. Iniwan na rin naman ako ni Joy kaya ako na lang mag-isang mag-re-recess nito. She's not fine right now, so I think it's best for me not to ask her of what happened. Baka ma-trigger ko pa siya't magalit sa akin. She's my best friend for almost three years and I don't want to change our relationship drastically just because of that instance–kung mangyayari man.

Pumunta akong canteen mag-isa. May biglang tumawag sa aking pangalan mula sa likuran ko.

"Hey, Fayre!"

Napalingon ako sa likuran. It was Larcade whom I just met last night at my house.

"Best friend mo si Invel, di ba?" tanong ko sa kaniya.

"Oo, bakit?"

"Wala lang, naitanong ko lang."

"Hey, Larcade. What are you doing here?" A familiar voice synced in, from behind Larcade.

"Invel, ano rin ba ginagawa mo rito?" tanong pabalik ni Larcade.

Si Invel pala.

May dala-dala siyang isang tumbler na kulay black pero maningning kapag nire-reflect ang liwanag dito. Hinarap siya ni Larcade kaya napalipat ako ng posisyon dito sa gitna nilang dalawa. I was like the referee now in their staring competition.

"Bakit kayo magkasama?" tanong pa ni Invel kaya napatawa naman si Larcade.

"Easy lang tayo, bro. Nakita ko lang din siya," ika pa nito. "By the way, bakit ka nga pala naparito? Ang alam ko na nakasanayan ko na rin, hindi ka pumupunta sa canteen para mag-snack. That's not you."

Hinawakan niya pagkatapos ang ulo ni Invel ng dalawa niyang kamay kaya napairap na lamang ito. "Sinapian ka ba?" Kaniya itong iginagalaw-galaw pakanan at pakaliwa nang pabugso-bugso.

Malakas lamang hinawi ni Invel ang dalawang kamay ni Larcade at patalim na tiningnan ang kaibigan. Uminom na lamang siya ng tubig mula sa tumbler niya.

Ugh, that adam's apple, sarap kagatin!

What the hell are you saying now, Fayre?!

Tumalikod siya, saka naglakad palayo.

"Hayaan mo na 'yon, sabi ko naman sa'yo na cranky 'yon, e. Mainitin palagi ang ulo, kaya pagpasensyahan mo na. Buti't hindi ka niya pinapahirapan habang nagtu-tutor siya sa'yo," sambit pa ni Larcade saka humarap sa akin. "Ewan ko rin ba roon kung ano'ng problema. Hindi naman ngumingiti."

So my instincts are saying what I think is true; na hindi siya nagbibiro o ano, basta yung ngumingiti.

"Hey, tapusin mo na lang basahin yung librong pinapabasa ko sa'yo. If madali lang nating matapos, mas maganda," sambit ni Invel na ikinagulat naming ni Larcade nang husto. "Saka kung mag-uusap kayo, siguraduhin n'yong wala yung tao."

"Totoo naman yung sinasabi ko tungkol sa'yo, a," angal ni Larcade.

Umalis na lamang silang dalawa sa harapan at iniwan ako sa ere.

"Ano tawag d'on?" tanong ko sa sarili. Nag-vibrate bigla ang aking selpon mula sa aking bulsa. Baka may nag-text o nag-message kaya tiningnan ko.

"Ms. Pretzelle, meet me at my house tonight. I want us to be more serious of what I am assigned to do. I also want us to be in a confined area, to avoid disturbance," Invel texted, using the same number.

"C. . . Confined area?" tanong ko sarili.


If You Were Him (UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon