Chapter 21

628 29 33
                                    

= Chapter 21 =


"Bakit ka ba nandito?" Bakas sa boses ni James ang labis nitong pagkainis kay Invel. Natural lang na mainis siya, kasi ako lang naman ang inimbitahan ni James para kumain. Nanliligaw 'to sa akin, e.

Tinitigan lamang siya ni Invel habang nakakrus ang mga braso sa dibdib nito. Hindi ito umiimik at tila parang estatuwa lamang na nakatingin kay Invel.

"Pambihira naman 'to, o! Bakit galit na galit ka pa rin sa akin? Dahil ba sa nang—"

"Shut up," malumanay ngunit mariing sambit ni Invel habang nakatitig pa rin kay James.

"Ano ba'ng mayroon sa inyong dalawa? Bakit parang galit na galit kayo sa isa't isa?" sira ko sa namumuong mabigat na tensyon sa pagitan naming tatlo.

Nakaupo lamang kaming tatlo sa isang square table. Invel is sitting adjacent to the both of us. From the one who's sitting on the opposite side, is James.

"Fayre, bakit nandito ang mokong na 'to?" James asked, pointing his index finger at Invel. Umiwas ng tingin si Invel saka diretsong tumutok sa mesa. What's gotten into him?

"Aba't hindi ko alam kung paano siya napunta rito!" sambit ko't patalim na tiningnan si Invel. "Bakit ka ba nga naririto?"

"It's none of your business," linya niyang kailanma'y hindi ko alam kung kailan mawawala.

"E, bakit para kang galit?" I asked, habang nakabalin pa rin sa kaniya ang aking pansin.

"It's none of your business," ulit niya pa.

"Bahala ka na nga!"

"Fayre, may gusto akong sabihin sa'yo..." sambit ni James. Nagulat ako pagkatapos sa ginawa niya dahil hinawakan niya ang kamay ko.

Narinig ko ang biglang pagtunog ng selpon ni Invel. Tumayo siya't sinagot niya ang kung sino man ang tumatawag.

"Gusto ko lang sabihin na..." James trailed off. "I l—"

"Enough with those cheesy lines," sambit ni Invel nang bigla niya ako hinatak palabas ng restaurant.

"What are you thinking?! May sasabihin nga sa akin yung tao, e, pero hinatak mo ako palabas! Binitin mo!" pagsisigaw ko sa kaniya habang nagpapatuloy pa rin kami sa paglalakad patungong parking lot. "Tumigil ka na nga!"

Huminto siya't tiningnan niya sa ako sa mata. I gulped. "Do you know that stealing is a crime?"

"Ano n-naman kinalaman niyan dito sa s-sitwasyon natin, ha?!" kunwaring galit kong sigaw kahit nauutal. "You're confusing me, I-Invel."

"Because you yourself is confusing. Ang slow mong makaintindi," he said, gritting his teeth while eyes closed. "Let's go home."

Iba naisip kong home na sinabi niya. Bakit iba yung naiisip ko?! Huwag naman po sana yung ano...

"Ihahatid kita sa bahay n'yo," sambit niya't pumasok na ng kotse. Hindi man lang ako pinagbuksan ng pinto, like trabaho niya kaya 'yon. Dapat gentleman!

Sino rin naman ba ako para i-gan'on ang isang Invel?

Walang lumalabas na salita mula sa kaniyang mga bibig. Heto na naman tayo sa pagiging suplado't tahimik niya. Well, tahimik naman talaga 'to.

"Hindi ka ba magsasalita riyan?" I asked to break the silence.

"I only talk whenever it is necessary," he replied with composure while we're still on the road—and yes, he's driving. "Anyway, gusto ko lang ibahagi 'to para malaman mo."

If You Were Him (UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon