Chapter 36

576 23 31
                                    

= Chapter 36 =

Hindi ko alam kung nanalo ba sila papa sa unang trial. Alam niyang nandoon ako sa Metro Manila noon, at nag-text na siya sa akin na umuwi na raw ako dahil hindi puwedeng um-absent ako sa mga klase namin dahil lang sa kaso ni mama. He said he'll be texting me if needs me, kaya napa-oo na lamang ako.

Nandito ako sa bahay ngayon ni Invel. Sabi niya kasing hindi siya mapapakali kapag ako lang mag-isa sa bahay namin, dahil baka may mangyari daw sa aking hindi maganda.

"Invel, gaano mo ba kamahal ang papa mo?" bigla kong tanong habang nasa loob kami ng kuwarto niya. "I mean, kung iisipin, may music studio ka pa sa bahay mo. Ibig sabihin—"

"I idolize him so much, to the point that I've made my own music studio for me not to forget him. Plus, his music, it's soothing to the ears," putol niya sa akin. "Tinitingala siya ng lahat noon... at... pero ang hindi ko lang malaman ay bakit bigla siyang nawala."

This is good. He's opening up to me now.

"Ilang taon ka na ba n'ong nawala ama mo?" tanong ko sa kaniya na kaniyang ikinayuko. "I'm sorry for asking such a sensitive question."

"No, it's alright. I was around 6 or 7 years old that time," he directly replied and twitched his eyes. "Matulog ka na, may klase pa bukas."

"Saan ka hihiga?" I asked.

Tumayo siya't may kinuha sa labas. Pagpasok niya'y may dala-dala na siyang unan at dalawang makakapal na kumot. "Dito lang ako sa sahig matutulog."

"Ngi, ako dapat matulog diyan sa baba kasi kuwarto mo 'to at—"

"And do you think kumportable akong makatutulog kapag ikaw ang nasa posisyon ko't nandiyan ako sa posisyon mo? Hell, no. I'll sleep here and that's final," putol niya ulit sa akin. "And I won't be sleeping outside dahil hindi rin ako magiging kumportable kung ganoon. If you want something, just wake me up. Good night."

Aba't parang may galit sa mundo 'tong mokong na 'to! Bahala ka na nga lang diyan, matutulog na ako.

KINAUMAGAHA'Y nakahanda na lahat ng gamit ko't nakabihis na rin. Si Invel naman ay kanina pang nakatingin sa salamin dito sa loob ng kaniyang kuwarto. Nakatingin lamang ako sa kaniyang ginagawa habang pabalik-balik niyang tinitingnan ang sariling repleksyon sa salamin.

Tumayo ako nang parang may mga nakikita akong mga perfume, lotion saka lipstick? Nilapitan ko ito dahil kuryos ako kung lipstick nga ba ito.

"Ano 'to?" sambit ko't pinulot ito. Then, I opened it. "Ah, lip balm pala. Gumagamit ka pala nito?" Natatawa kong sambit.

Dali-dali niyang kinuha mula sa akin. "Pampabasa ito ng lips, lalo na kapag madalas ay dry ang lips mo," sambit niya't naglagay sa sariling labi.

"Ibigay mo nga sa akin, ita-try ko—mp!" I was silenced... when he stole a quick kiss on me.

"You don't need to exert effort anymore to put some on your lips. I'll steal a kiss every time."

I feel my cheeks reddened. Umalis siya pagkatapos sa harapan ko't lumabas ng kuwarto dala-dala na ang kaniyang maitim na bag.

As usual, he's wearing that poker face of his.

Lumabas na ako habang naghihintay na siya sa akin sa loob ng sasakyan. He's just looking straight in front. I don't know what's gotten into him today. He's in good mood.

While everything around me is moving, I can't stop thinking about the case. Ang pangalawang trial ay pagkatapos ng tatlong araw.

"What are you thinking? Nasa school na tayo," he said, waking me up. "Hindi muna kita pagbubuksan dito dahil nasa loob tayo ng eskuwelahan at baka may maghinala. You go first, I'll just park the car."

If You Were Him (UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon