Chapter 9

830 41 67
                                    

= Chapter 9 =


We are both sitting on a bench, here at the plaza while eating kwek-kwek. We're apart from each other. I am sitting near the side of the bench's edge and he's sitting from the other side.

Nilibre niya ako kaya hindi na ako umangal pa kung kakain ba ako o hindi. Tutal siya naman yung nag-aya.

Nauna siyang matapos sa pagkain. Tinitingnan ko siya habang kumakain pa rin ako.

Lord, lubos akong nagpapasalamat sa binigay mong biyaya sa akin sa mga nakalipas na araw at sa mga susunod pang araw. Thank you for your selflessness and you gave me this beautiful creature.

"Ano ba tinitingin-tingin mo?" Natauhan ako't sa sobrang gulat ay kumabog nang napakalakas ang puso ko. Ang boses niya, kahit parang palaging galit, ang ganda pa rin sa pandinig.

"Wala naman po," tugon ko.

"Kailan ka pa naging magalang?" he asked while still throwing horror-like stares. "I've never heard you said–"

"Mali ka, magalang kaya ako!" I didn't let him finish what he was about to say, to break the growing tension between us.

Umayos lamang siya ng upo at inilapat ang tingin sa harap. Napatingin din ako rito. Napapansin kong napakarami pa rin ng mga sasakyang dumadaan, kahit masyadong late na.

"Uy, kayo ha?" Napatayo bigla si Invel nang may magsalita. "Kung magde-date kayo, dapat 'di ganiyan kalayo. Tayo ka nga, Fayre."

Larcade?

Tumayo naman ako't napahawak na lamang si Invel sa kaniyang noo. Umiling siya nang bahagya pagkatapos.

"Ganito dapat!" Idinikit kaming dalawa ni Larcade. Loko-loko rin pala 'tong isa, a. But infairness, I love the idea. Mabuti nga't dumating siya, dahil kung hindi, mananatiling ganoon na lang ang atmosphere sa pagitan naming dalawa.

Hindi na lamang nag-react si Invel. "Bakit ka naparito?"

"Ikaw dapat tinatanong ko niyan, e. But since it's obvious naman kung bakit ka naparito, so hindi ko na tinanong," Larcade replied with a grin.

"Whatever you're thinking about the two of us, you're getting the wrong idea. Please, I'm here as a tutor, not as a date," giit ni Invel, halatang nagpipigil ng galit.

"Sus, kunwari ka pa." Tumawa nang malakas si Larcade.

"Sige, hindi ko na kayo didisturbuhin saka. . ." sambit ni Larcade saka inilapit ang mukha sa tainga ko. "Ang suwerte mo, hindi ko pa 'yan nakikitang may sinasamang babae rito sa plaza o kahit saan man na sila lang dalawa. Ikaw pa lang, so come to think of it; it means you're special to him."

Umalis siya pagkatapos habang si Invel nama'y kitang-kita sa noo niya ang kaniyang labis na pagkairita.

"Hindi pa ba tayo uuwi?" tanong ko kay Invel, saka umupo ulit.

"Hindi pa, why?"

"Ikaw dapat tinatanong ko niyan, e. Bakit hindi pa tayo umuuwi?" tugon ko, habang nakatayo pa rin siya't parang tulala.

"I want to spend the night with someone right now." Natulala ako sa sinabi niya. Ano ibig niyang sabihin n'on? "It can be anyone, so don't get your hopes up," he continued.

I don't know what he's saying; but I feel like there's something inside him that he wants to say, that he wants someone to hear.

"What a coincidence!" someone exclaimed from my side; I stood abruptly out of shock.

"Ah ikaw pala 'yan, James!"

"Yep!" He hugged me tightly. "Hindi kita nahanap kinabukasan n'on, dahil may mga bagay akong inaasikaso. Sino pala kasama mo?" Kumawala siya sa yapos.

"Si Invel," I answered and looked at Invel whom I caught was already standing, face distorted. Hala, ano na naman problema nito?

Lumapit siya sa aming dalawa, saka pumagitna sa amin ni James. "Bakit ka naparito?"

"Ikaw nga dapat kong tinatanong niyan, e. Bakit nga pala kayo magkasama?" tugon naman ni James. I should get used to calling him James now, since that's his nickname.

Ethaniel Gray Miller.

"Gusto ko lang siyang makasama, may masama ba r'on?" Despite the cold surrounding, I feel so hot.

Pati nga ang kwek-kwek na dina-digest na ng tiyan ko, kinilig.

"Manliligaw niya ako, siyempre masakit sa part ko," sagot naman ni James.

"Manliligaw ka lang. You're not yet her boyfriend, so stop acting like one."

Nagulat ako ng hinawakan bigla ni James ang kamay ko. Napatingin ako sa kamay naming dalawa na magkahawak.

"Like what I said, manliligaw ka lang; know your limitations," mahina ngunit mariing sambit ni Invel at pinaghiwalay ang kamay namin ni James.

"Bakit ka ba nagagalit? Wala naman akong sinasabing mali at nakaka-offend, ha?!" malakas na wika ni James. "Teka, may gusto ka ba sa kaniya?"

Hinila na lamang ako ni Invel palayo roon. Pumasok kami sa sasakyan niyang kulay itim din at mukhang bagong-bago pa. Nakikita ko ring Ford ang brand nito, sa tingin ko, ito yung Mustang Sports Car na kari-release pa lang.

"Why do I always act so unreasonable?" biglang tanong ni Invel habang nakaupo sa driver's seat.

"Unreasonable?"

"Wala, ihahatid na kita sa inyo," sambit niya't naramdaman kong nag-vibrate bigla ang aking selpon kaya binunot ko ito mula sa aking bulsa.

"Yes, pa?"

"Bakit 'di ka pa umuuwi?"

"Hindi pa po kami tapos sa session namin, e," palusot ko pa.

"Ah, okay. Umuwi ka pagkatapos niyan. Gabi na, o. Anong oras na?"

"Sige po," tugon ko't pinatay kaagad ang tawag.

"Papa mo?" tanong ni Invel.

"Invel. . ." tawag ko sa pangalan niya't bahagyang humarap sa kaniya habang naka-seatbelt.

"Yes, Pretzelle?"

"Fayre na itawag mo sa akin," sambit ko dahil nakakailang talagang matawag gamit ang pangalawang pangalan ko. "Anyway, kung may gusto kang sabihin, you're free to open yourself to me. Magsalita ka, dahil parang ang bigat-bigat ng pakiramdam mo kaya palagi kang nakasimangot. Alam mo bang madali ka lang tatanda niyan?"

Hindi na siya nagsalita at pinaharurot lamang ang kaniyang sasakyan. Habang nagda-drive siya, nakatingin lamang ako sa kaniya. His eyes are so furious, like how the eyes of a fierce tiger looks like.

Nagtaka ako nang bigla siyang huminto sa gilid ng kalsada't nagsalita. "Alam mo kung bakit hindi Fayre ang tawag ko sa'yo?"

"Bakit?" tanong ko.

"Most people call you with that name. Gusto ko namang iba ang itatawag ko sa'yo, to distinguish myself from those people," dahilan niya. "Gusto kitang ipagdamot, na pati pagtawag ko sa pangalan mo hindi ko gustong may kapareho."

Bumilis ang pintig ng aking puso sa mga sandaling ito. Ano ba ang ibig niyang sabihin?

Natulala ako.

"Don't get the wrong idea. Gusto ko lang yung mga taong nakatatagal sa ugali ko," sambit niya. "Marami kayo, huwag kang mag-alala."

"Pero bakit. . ."

"Yes?"

"Wala, uwi na lang tayo," sambit ko't napatingin sa labas ng bintana.

If You Were Him (UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon