Chapter 22

584 28 36
                                    

= Chapter 22 =


Hindi ako mapakali. Hindi ako makapaniwala. Bakit may nakita silang damit ko roon? How come?

Nandito ako ngayon sa rooftop habang ang lalim-lalim ng aking pag-iisip.

Oras na ba para sabihin ko kay papa na alam ko ang tungkol kay mama? Oras na ba para makisali na rin ako sa kaso?

Unti-unti na namang humihilam ang aking paningin, umiinit na rin ang paligid ng aking mga mata. Hindi ko naiintindihan ang mga pangyayari. It's just too much for me to take.

Ang hindi ko lang alam talaga, ay kung bakit nandoon ang mga damit ko. Sana mali ang narinig ko. Sana mali talaga. Ngunit may nagsasabi sa akin na totoo 'yon.

May kinalaman kaya ito sa mga pumapasok sa isipan ko? May kinalaman kaya ito sa babaeng naririnig ko sa aking isipan na tinatawag ang pangalan ko? Hindi ko alam pero kutob ko'y totoo, dahil kung iisipin, sa mga memoryang iyon, nasa gitna ako ng gubat. Hindi kaya nasa gitna rin ng gubat iyon nangyari?

"Hey," someone called, grabbing my shoulders, letting me face him. "Bakit ka ba umiiyak?" inosente niyang tanong saka kumuha ng panyo mula sa kaniyang bulsa. "Kung ano man 'yan, magiging maayos din ang lahat," sambit niya't pinunasan ang mga luha ko sa mga mata.

Kahit papaano gumaan ang pakiramdam ko. "Maraming salamat," I uttered.

Tanging si Invel na lang ang nakapagpagagaan ng aking pakiramdam. Hindi ko alam pero biglang gumaan ang pakiramdam ko sa ginawa niya.

"Maayos lang ako!" giit ko't ngumiti.

"Sure?" he asked.

"Okay nga lang ako! Kulit nito!" Impit akong natawa sa sinabi ko.

I found a way to hide pain, or at least, erase pain from people's sight. It's... to smile.

"Teka, hindi ba may klase ka pa?" I asked. "Bumalik ka na roon. Hayaan mo na ako rito."

"I can't leave you here, not unless you stop showing me those fake smiles."

"Anong fake? Hindi kaya!" sambit ko't sinapak siya mula sa likuran. "Ito naman..."

"Stop pretending. I hate it." Ipinasok niya sa kaniyang bulsa ang kanang kamay.

"I'm not pretending," I argued. "I just felt the need to be happy."

PUMUNTA ako ng Seawall para magpahangin. Ang Seawall na lugar na 'to ay isa sa mga tourist spots ng aming lugar. May mga upuan din dito malapit sa dagat. Dito ako umupo't tinanaw ang napakagandang tanawin ng langit at dagat. Hanggang sa nag-alas-sais na lang ng gabi ay hindi pa rin ako umuuwi. Isang oras na ang lumipas pero nanatili pa rin ako rito't nag-iisip.

"Oy, bakit ka nandito?" someone asked. "Bakit hindi ka pa umuuwi?"

Nilingon ko kung saan nanggagaling ang tunog na 'yon. "Oy, Larcade! Bakit ka napadaan?"

"Pumunta ako rito para magpahangin, ikaw ba?"

"Same," I mumbled. "Tabi tayo rito, tutal wala ka rin namang kinakasama."

"So how have you been?" he asked. "Nag-away na naman ba kayo ni Invel dahil nandito ka? You're not the type who wants to be alone, perhaps."

"Hindi naman kami nag-away. Sadyang may nangyari lang kaya naging ako, but it's not of a big deal!" I exclaimed, smiling.

He gazed at the nightsky. "Stars are starting to show."

"Ikaw rin, bakit ka naparito? You're also not the type na gustong mapag-isa kasi masiyahin kang tao. Is it because of An—"

"Ah, yes. Nakasalubong ko siya kanina. It seems she's happy with her present life. Pero ako..." He closed his mouth; bowing his head. "It's kinda frustrating but no matter how I look at other girls, I can't help myself but think of her. I just want to forget but my brain doesn't let me, lalo na't palagi ko siyang nakikita araw-araw sa eskuwelahan."

"Hindi ako magaling magbigay ng payo dahil pati ako hindi pa nagkaroon ng lover o karelasyon noon. Pero alam kong magiging maayos din ang lahat. Besides, marami pang oras para mahanap ang para sa'yo talaga," I muttered, looking at him—trying to force a smile.

"Natatakot po ako sa tunog ng mga animals!" I said while hugging a shirtless boy in the middle of a starry night.

"Aray!" bigla kong giit nang sumakit na naman ang aking ulo. Napahawak ako rito sa sakit.

"Okay ka lang ba?" tanong sa akin ni Larcade. "You need rest. Mukhang kailangan mo n'on. Tara, uwi na tayo. Ihahatid na kita sa bahay n'yo." Narinig kong tumayo si Larcade saka tumahimik. Dahan-dahan namang nawawala ang sakit sa ulo ko.

"Ako lang ang puwedeng maghatid sa kaniya sa bahay nila," biglang sambit ng isang lalaki kaya napatingin ako sa direksyon nito.

"Easy there, man. Wala akong balak na masama!" Larcade, raising and waving both of his hands slightly smiled awkwardly. Umalis na pagkatapos si Larcade.

"Whatever. Tara na, Ms. Pretzelle, iuuwi na kita—I m-mean..." Napayuko siya sa kaniyang sinabi.

"Ang cute mo talagang mautal kaya love kita, e!" sambit ko't tumayo. "Iuuwi mo na pala ako ngayon, ha?"

"Love m-mo a-ako?" nauutal niyang tanong saka bumuntonghininga, halatang kinakalma ang sarili. He feels so overwhelmed nang sinabi ko iyon. Wala pa bang umamin sa kaniya noon at ganoon na lang ang reaksiyon niya? "Huwag ka ngang magbiro. Tara na."

Naglakad na siya palayo nang mabilis saka nakita ko siyang sumakay na ng kotse, pero biglang lumabas nang makarating ako.

He opened the door of the car for me. Para akong na-paralyze sa inaakto niya ngayon. "Ano? Papasok ka ba o hindi?" medyo galit niyang sambit.

"Sinapian ka ba?"

"Pumasok ka na lang, bago ko pa maisipang..."

"Alright, alright." I can't help but laugh at his cuteness. "Honestly, I find it cute for you to act like that now. I mean, 'yang pagiging masungit mo," I uttered as I got inside his car.

He didn't response and just focused on starting the engine. He drove me home then. I just hoped that I wouldn't be able to encounter the same scenario again.

I went inside our house, not paying attention at all of my surrounding when someone taller than me—a guy approached me. "Anak ka ba ni Attorney Fabian?"

"Yes po, sino ka po?" magalang kong tugon, as if I didn't know who this man in front of me is. Alam ko yung mukha niya, but I don't know his name.

"I'm Attorney Luneta," he answered. "Upo tayo roon, may mga itatanong sana ako sa'yo."

"Sige lang po," I uttered.

"Naaalala mo pa ba ang lahat ng nangyari sa'yo when you're around five or six years old?" tanong niya sa akin.

"Actually, wala na po akong maalala noon. Sabi ni papa, hindi rin naman daw ganoon ka-espesyal ang childhood ko. But things nowadays started to appear inside my mind. I couldn't remember exactly but a young boy like me that time and a woman found—I mean, I met them in a forest," I elaborated.

"Wala ka bang naaalalang parang may natataranta?" tanong ng attorney sa akin.

"Sa tingin ko po, mayroon pero hindi po malinaw. Saka ang naaalala ko po, sa mga pumapasok sa isipan ko... nakahubad ako—"

Wait. What's the meaning of this? Ngayon ko lang napansin. Bakit nga pala ako nakahubad? Bakit ako nakahubad n'on?

"Nakahubad ka?" tanong nito sa akin.

"Opo, base sa mga naaalala—"

"Huwag na nating idamay ang anak ko. We can settle this case ourselves nang hindi siya sinasangkot," biglang sambit ni papa nang makarating ng bahay. "Fayre, pumasok ka na sa kuwarto mo. Forget everything you've heard from him o kung may sinabi man siya."

Halatang may tinatago sa akin si papa sa inaakto niya, pero hindi ko na lang pinansin. Hindi na lang at baka kung ano pa ang magiging reaksiyon niya.

If You Were Him (UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon