Chapter 38

586 24 52
                                    

Note:  Thank you so much for the support. I am deeply grateful. This story is coming to an end and hopefully I'll be able to finish the story before the start of classes. Let me also remind you that if you've found mishaps in my story, please do message me thru my social media accounts.

Facebook and Twitter: Nathaniel Pluvio; Instagram: thefirespeaks

= Chapter 38 =


"Bakit mo ako tinitigilan, ha?! Magagalit si lolo kapag ganiyan ka!" Patuloy niya pa rin akong ginugulo habang ako nama'y nagsusumikap na hindi niya magalaw.

"Huwag po, lo! Tama na po!" paulit-ulit kong pagsisigaw na tila isang baliw na gumagala lamang kung saan-saan sa kalsada. Nawawalan na ako ng bait. Hubo't hubad na ako habang pinipigilan si lolo.

"Ngayon na ang tamang panahon para—"

"Tama na! Huwag mo nang galawin ang anak ko, pa!" sambit ng isang babae at malakas na sinapak si lolo sa likod na nagdulot ng tila nakabibinging tunog. "Ako na lang! Huwag mo lang idamay ang anak ko!"

Wala siyang kalaban-laban habang pinipigilan si lolo, habang ako nama'y nakatayo na't hindi na masyadong malapit sa kanila. Nilingon ko yung babae.

Mama.

"Fayre!" tawag sa akin ni mama habang mga luha ko'y walang tigil sa pag-agos. "Run Fayre!" utos niya.

Tumakbo lamang ako nang tumakbo hanggang sa hindi ko na alam kung saan na ako papunta, kung saan na ako dinadala ng sarili kong mga paa. Umiyak lamang ako nang umiyak. Humikbi nang humikbi. Hanggang ako'y nadapa't napasigaw ng malakas. Hindi ko na alam ang aking gagawin at nagpatuloy na lamang ako sa pag-iiyak.

"Ilabas n'yo ako rito! Mama!" pagsisigaw ko dulot ng takot.

Ilang minuto'y may biglang lumapit sa akin. Ilang minuto'y may isang boses ng batang lalaki akong narinig.

"Ayos ka lang ba?" Mas mataas siya sa akin, mas matangkad. Nakasuot siya ng jacket habang ako nama'y hubo't hubad. Napatigil ako sa pag-iiyak nang makita ko siya, nang makita kong may kasama na ako rito't hindi na ako nag-iisa.

Inabot niya ang kamay ko't kaniya akong pinatayo. Nang makatayo ako'y bigla akong naiyak. Hindi ko inaakalang may magmamagandang-loob pang tulungan ako rito.

"Uy, tahan na. Nandito lang ako. Hindi kita iiwan," sambit niya't nagtinginan kaming dalawa. "Isuot mo 'tong jacket saka damit ko, baka giniginaw ka na. Magiging maayos din ang lahat, nandito naman ako." Isinuot niya sa akin ang damit saka ang kaniyang jacket at siya'y naiwang wala ng damit pantaas.

"Salamat, kuya," pabebe ko na lamang tugon sa kaniya. "Bakit ka nandito? Hindi. . . hindi ka ba giniginaw kuya?"

"Maginaw nga, ano pala. . . pangalan mo?" tanong niya sa akin.

"Fayre," pauulit-ulit ko pang tugon. "Fayre Pretzelle Fabian! Fayre Pretzell—"

"Oo tama na, alam ko na pangalan mo," putol niya sa akin.

"Ikaw, kuya... ano ba name mo?" tanong ko sa kaniya.

"I—E—James," wika niya. "Oo, James pangalan ko. James na lang."

Tumigil muna kami sa kakalakad at isinandal ang aming likod sa isang malaking punongkahoy. Naisipan ko munang magpahinga kaya ipinikit ko ang dalawang mata.

"Nasaan na si mama?! Mama! Kuya James!" sigaw ko habang humihikbi. Umiiyak ako... at tumigil nang magsalita ang isang batang lalaki na katabi ko lamang. Nanaginip ako. Masama ang aking napanaginipan. Napanaginipan kong nasa loob ako ng isang walang katao-taong gubat. Madilim ang aking naging paligid. Madilim.

If You Were Him (UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon