Seven

145 30 107
                                    

Simula nang magkakilala kami ni Milca ay hindi na siya lumayo sa 'kin. I mean, we're classmates pero hindi ko talaga alam kahit apilyido niya. Kilala ko lang sila sa mukha, pero sa pangalan wala akong tinatandaan. Sabi ko nga, hindi ako interesado sa kahit sino.

Naiirita na nga 'ko eh. Saan man ako pumunta, nando'n siya. Minsan bigla nalang susulpot. Kahit pinapakita ko sa kanya na wala akong pakialam sa kanya, nginingitian pa rin niya ako at iyon ang nakakaasar.

Tulad ngayon, hindi ako makapagbasa ng maayos dahil nagku-kwento siya tungkol sa talambuhay niya.

"Could you please be quiet. Can't you see I'm reading?"

Walang emosyon kong litanya sa kanya. Huminto naman siya sa pagsasalita at napangiti. "Sorry... Akala ko kasi nag s-scan ka lang,"

"What?"

Imbes na sumagot, nagpeace sign nalang ito. Napailing nalang ako at umayos ng upo. Palibahasa'y malaki-laki ang library ng school kaya hindi agad mapapansin ang ingay.

Pinagpatuloy ko nalang ang pagbabasa, akala ko this time tuluyan na siyang mananahimik pero bigla na naman siya nagsalita.

"Paige, magkaibigan ba kayo ni Vale?"

Nagsalubong ang kilay ko at binaba ang libro. Tinignan ka siya sa mata.

"None of your business. Shut your mouth or leave me alone, I'm trying to focus." Walang paligoy-ligoy kong sabi na kinagulat niya.

Tama 'yan. Para naman lubayan mo 'ko kahit ngayon lang.

"A-Ah... sorry. Narinig ko lang kasi kahapon na kinakausap ka ni ma'am about doon. Pe-Pero sige 'wag mo nang sagutin." Napayuko nalang siya. Napansin na siguro niya na kanina niya pa ako iniistorbo.

"We're not friends. I don't have friends, and I don't want friends."

Pagkatapos ko bitawan 'yan ay tinalikuran ko siya. Gusto ko nang magbasa ng mapayapa kaya sana intindihin niya.

Kahapon, nakasalubong ko si ma'am Angelita sa cafeteria at katulad ng iniisip ko, sa t'wing magkikita kami sa labas ng room ay palagi niya pa rin akong pinipilit. Ika niya, ako lang daw ang nakapunta sa lugar ni Vale. Pero syempre, ayoko nang bumalik doon at makita pa ang lalaking 'yon. Kaya paulit-ulit ko ring tinatanggihan si ma'am.

Siguro naman walang sino sa ating mga babae na gugustuhin pang makita ang lalaking namahiya sa atin physically? Pagkatapos niya akong tapunan ng softdrinks sa ulo? Sabihan ng kung anu-ano?

Not anymore...

Naramdaman kong nagvi-vibrate ang phone ko na nasa bulsa ko. Agad ko 'yung kinuha at nakitang si Prince ang tumatawag.

"Ate, si Papa! Nasa ospital kami ngayon!"

Napatayo ako sa narinig. "A-Anong ginagawa niyo diyan?!"

"H'wag ka mabibigla, pero ate hinoldap ang shop natin at nasaksak si Papa sa tagiliran. Pumunta ka na dito!"

Bigla akong nanghina. Napatakip ako sa bibig habang nakatingin ng diretso. Hindi na ako nakapagsalita dahil sa biglang pagbabago ng nararamdaman ko.

"Ate! Nasa Sutter Coast Hospital kami ngayon. Dalian mo ka-kailangan kita dito..." Narinig ko siyang naiyak. Kaya naman doon lang ako nabalik sa wisyo.

"Wait for me, Prince. Five minutes!"

Binaba ko agad ang phone at dali-daling nilagay ang mga gamit ko sa bag. Naririnig kong nagtatanong sa akin si Milca pero hindi ko siya masagot. Pakiramdam ko maiiyak ako sa harapan niya kapag nagsalita ako.

You TooWhere stories live. Discover now