Twenty one

83 15 35
                                    

"Hindi na muna kayo pwedeng umuwi o lumabas ng alas otso ng gabi, ha? Bali-balita ngayon ang isang mamamatay tao at mas mainit ang mata n'ya sa mga babae. Naiintindihan n'yo, Paige? Hershey?"

Tumango si Hershey sa babala ni Papa. Samantalang tumutok nalang ako sa tv. Tama si Papa, hindi namin alam pero usong-uso ngayon ang mamamatay tao na balita ngayon dito sa lugar namin. Gabi-gabi may nawawalang babae na natatagpuan nalang na patay sa isang sulok ng lugar. Iisa lang ang sanhi, may saksak sa puso.

But, isn't it a bit brutal to stab in the heart?

Dismayadong napasinghal si Prince na kumakain ng fried siomai sa lamesa. "Geez, pa'no na iyong training ko?! Minsan umaabot 'yon ng 8:30 ng gabi, e!"

"E, 'di 'wag muna kayo mag-training ng gano'n habang mainit pa sa balita ang pumapatay." Pormal na suhestiyon ni Papa habang nakatutok sa tv.

Prince did a mental pout, "Imposible 'yon... malapit na ang laban namin sa ibang university."

"May gagawin ang university n'yo tungkol diyan,"

"Whaaat? Geez," His forehead creased as he dip one siomai in the chili sauce, "Whatever,"

Kilala ko 'yang si Prince. Kung napaka competetive ko sa pag-aaral, gano'n din 'yan sa kan'yang sports. Ewan ko nalang kung susunod 'yan sa bilin ni Papa gayong inaabot minsan ng gabi ang laro nila. Mukhang siya pa rin naman ang masusunod. May mga kini-kwento kasi 'yan na mga kasama n'yang kahit hindi makapasok sa klase, basta maka-attend ng training, okay na. Well, I guess, that's a varsity player's thing.

"Naku, sa friday 7:30 ng gabi ang uwian namin. Nando'n ka pa ba no'n, Prince?" Tanong ni Hershey sa kapatid ko.

"Uhm," Bahagya itong nag-isip, "Probably, yes."

"Sakto sabay---"

"But for sure I'm in the middle of training, 'di ba nga sabi ko umaabot kami ng 8:30?" Pagputol n'ya agad sa sinasabi ni Hershey.

Dahan-dahan tumango si Hershey, makikitaan ng pag-alala sa mukha. "Oo nga pala... siguro kay Vale nalang ako magpapahintay." Bigla siyang napatakip ng bibig at tumingin sa 'kin. Nagulat ako sa reaksyon n'ya. "I... I mean, wala namang kaso sa akin kung sasabay ako sa inyo umuwi."

Tumaas ang isang kilay ko sa kan'ya. "Huh?"

Is she worrying that I might get mad because of that? Well, I don't mind. Actually, I don't care. Simula no'ng iniwan ko sa Tsukiji restaurant si Vale, hindi na kami nagpansinan. Tuluyan nang naputol ang komunikasyon sa amin. That's a good thing. Baka naisip n'yang pumunta na sa hawaii.

It's been how many days since that happened. Sobrang civil namin sa isa't-isa. As in hindi na siya sumisitsit sa akin, hindi na siya sumusunod at hindi ko na siya nahuhuling nakatingin sa akin. In a sudden blow, everything was vanish.

And that's what I want.

"Sinong Vale? 'Yung nag-wholesale sa flower shop natin?" Curious na tanong ni Papa. "Boyfriend mo na ba 'yon, Paige? Bakit hindi mo pinakilala o bakit hindi nanligaw?"

Biglang kumunot ang noo ko sa kan'ya. "Pa! I'm not interested in any relationship! Wala akong pakialam do'n." Diretsong sagot ko.

"Iyon 'yung nambugbog ng 4th year noong nakaraan e. Grabe, siya pala 'yung hulog ng langit natin." Sagot naman ni Prince. Napa 'tsk' nalang ako sa sinabi n'ya.

"Oo mabait 'yun si Vale kapag nakilala." Nakangiting tugon naman ni Hershey.

Tumayo ako at kumuha ng sitsirya sa kusina. Nako-kornihan ako sa pinag-uusapan nila kaya papasok nalang ako sa kwarto. Naalala kong mayro'n pa pala akong ire-review.

You TooWhere stories live. Discover now