Twelve

103 25 98
                                    

"Paaaaige!"

Lumingon ako sa pinanggalingan ng tawag na 'yun, at nakita ko si Vale na palapit sa 'kin. Naka-uniform na siya at may maliit na body bag na nakasukbit sa balikat niya. Kinawayan pa ako nito.

"Ayos ba?"

"Hm," dumiretso na ako sa paglalakad habang ramdam ko naman na sumusunod siya sa 'kin.

Hindi pa man ako nakakarating ng classroom ay naiirita na ako. Lahat ng makakasalubong ko, pinagtitinginan ako, pinagbubulungan. I'm pretty sure it's because of this guy behind me.

"Anong tini-tingin tingin ng mga 'to?" Iritang bulong sa akin ni Vale.

"Just don't mind them," sagot ko.

"Tch,"

Pagtapat sa classroom ay nagtaka ako, maaga pa naman pero bakit nakasara na ang pintuan? Sinasara lang kasi ito kapag may professor na. Kaya naman nang binuksan ko ito ay nagulat ako nang may malaglag na bagay sa ulo ko.

Kaagad ko narinig ang mga tawanan at hiyawan ng mga tao sa loob.

Nakaramdam ako ng panlalamig kasabay ng pagbaba ng tubig mula sa ulo ko. Doon ko lang napagtanto, isang plastic water ang nahulog mula sa pinto kaya natapunan ako.

Damn who made this...

"Ohh, you're wet! Go home and change na, miss feeling perfect!" Pangunguna ng babae at tumawa ng malakas.

Napatingin ako sa kanya. Ah, siya 'yung dating kaibigan ni Milca. 'Yung babaeng ganda lang walang utak.

"How's my second revenge?" Tanong niya pa. Proud ang gaga.

Sasagot na sana ako at babanatan siya nang may mabilis na lumapit kay April at hinawakan siya sa panga bagay na kinagulat niya at ng lahat, kabilang na ako.

"HOW DARE YOU HUMILIATE HER?!"

"Va-Vale..."

"I DON'T MIND IF I BEAT YOU HERE, YOU, WHORE."

Alam kong may pagka-bastos 'tong si Vale, pero para sabihan niya ng gano'n ang babae sa harap ng mga kaklase namin...

I suddenly smirked.

I felt ease.

"Va-Vale, tama na. 'Wag mo siyang saktan babae siya!" Sigaw ng babaeng kaibigan ni April. Mukha na silang mababaliw.

Napatingin ang lahat sa akin ng huminga ako ng malalim at ilabas ang panyo sa bulsa ko. Pinunasan ko ang sarili bago maglakad palapit kila Vale.

"Hey, asshole, let go of that dumb." Kaswal na saad ko kay Vale.

"Tch!" Inis na pinakawalan ni Vale si April. Tinaasan ko pa siya ng isang kilay bago ako maglakad papunta sa likod.

Mabuti nalang at si Vale ang nakaharap niya, kasi kung ako, baka dinukot ko na ang alcohol ko sa bag at sinaboy sa kanya.

Natahimik ang lahat. Nakatingin sila sa amin ni Vale hanggang sa pag-upo. Nadagdagan tuloy ang inis ko.

Binuklat ko nalang ang libro saka nagbasa.

Napalingon ako kay Vale nang iangat niya ang dalawang paa sa mesa at pinagkrus 'yun na akala mo nasa bahay lang. Nakatitig siya sa mga kaklase naming natatakot ang tingin.

Bigla ay nagbalik sila sa mga upuan nila. Tumahimik at tila wala nang naglakas loob na makipag-kwentuhan ng malakas.

"Huy, stop intimidating them," Mahinang usal ko.

"I'm not," kaswal na sagot niya nang hindi ako tinitignan.

###

Dahil lunch break ngayon, pinili ko na h'wag nang lumabas ng classroom at magbasa nalang. Hindi din naman ako nagugutom. Gayunpaman, hindi rin ako makapag-concentrate sa binabasa ko.

You TooWhere stories live. Discover now