Twenty eight

74 12 22
                                    

Nahinto ako sa pagbabasa ng libro nang may sunod-sunod na kumatok sa harapan ng gate namin. Binaba ko ang libro sa lamesa at nilapitan ang nandoon, isang delivery boy.

"Good morning, ma'am. Delivery po para kay miss Paige Danielle Abellana."

Hindi pa ako nakakapag salita nang ilabas n'ya ang isang bouqet ng rosas at iabot sa akin. "Para sa kan'ya po ito."

"Ako 'yon, kuya."

"Pa-sign nalang po dito," Saka n'ya inabot ang isang papel sa akin.

Kahit naguguluhan ay pumirma pa rin ako sa papel at pagkatapos ay tuluyan na n'yang inabot sa akin ang bulaklak.

"Kanino po galing 'to?" 'Di mapigilang tanong ko.

"Ah, kay sir Vale po, sige ma'am mauna na ako."

Tumango ako sa kan'ya hanggang sa nakaalis na ang sasakyang ginamit n'ya. Ilang segundo pa bago ko balingan ang bulaklak na hawak ko. Umaalingasaw kasi ang bango ng rosas na ito.

May nakita akong maliit na papel sa loob kaya naman agad ko 'yung kinuha at binuklat. Doon sumilay ang ngiting hindi ko na maitago.

"How nice it would be seeing you today. I can't wait to have you alone, love." - Vale.

Akala ko noon kapag sinubukan kong idikit ang sarili ko sa ibang tao, mawawala na sa akin ang pangarap ko. 'Yung pagiging rank number 1? Lahat gagawin ko para lang marating 'yun. Iyon ang dahilan kung bakit ayokong magkaro'n ng kaibigan dahil pakiramdam ko, nagbibigay distraksyon lang ito sa pag-aaral ko.

Wala akong interes sa kahit sino, except for my family. Mula elementary hanggang college, ginugol ko ang sarili sa pag-aaral. Pilit na inaabot ang rank 1 sa school-- pero nauuwi sa rank number 2. At 'yon ang naging daan para lalo akong magpursigi at ilayo ang sarili sa mga taong nakikita ang worth ko bilang tao.

But then he came...

"Ang ganda naman niyan. Sobrang deserved mo, Ate Paige."

Bigla akong napaharap sa likod ko at nakita ko nga si Hershey na nakatayo at nakangiti sa akin habang ang mga kamay ay nasa kan'yang likuran.

"Yeah, thanks."

Aalis na sana ako pero muli na naman siyang nagsalita.

"I envy you, a lot."

Tinignan ko lang siya. Mula sa pwesto ko, kitang-kita ko na kahit nakangiti siya sa akin, malungkot naman ang kan'yang mata.

"Balita ko magba-bakasyon kayong dalawa ah? Saan ba? Ngayon na 'yun, 'di ba?" Saka siya mapaklang natawa, kasabay nang pagtulo ng luha n'ya.

Bahagyang kumunot ang noo ko. And now she's crying?

"What's with the drama?" Diretsong tanong ko.

Umiiyak ba siya dahil nalaman n'yang mahal ko rin si Vale at heto, okay na kami? Iniisip n'ya na wala na siyang pag-asa rito na wala naman talaga?

"Grabe, na-luha lang ako." Kunwari'y natawa pa, "Kasi sa huli, alam kong ikaw at ikaw pa rin ang pipiliin n'ya. Katulad kagabi, noong nasa likod mo si Vale, nakita ko 'yung sakit sa mata n'ya na dati ko pa naman nakikita. Pero iba noong nakaharap at narinig na n'ya ang nararamdaman mo. Pag-alis ko, doon ako inuntog ng sarili kong isip na... hanggang doon nalang talaga ako sa kan'ya."

You TooWhere stories live. Discover now